Chapter 2 (Stabbed)

6.5K 394 88
                                    

CHAPTER 2

NILUBOG niya ang sarili sa ilalim ng pool. Ilang minuto siyang nasa ilalim lang ng tubig na tila ba iyon ang tanging sagot sa naguguluhang isip at puso niya.

Matagal siyang nakapikit sa ilalim ng tubig. Nang alam niyang hindi na kakayanin ng hininga niya ay nagmulat siya ng mga mata at inahon ang sarili.

Awtomatiko niyang nakita ang taong kanina pa yata naghihintay sa kaniya sa gilid ng pool.

The man is looking at his wristwatch and he automatically looked at his direction. Naka-dekuwatro ang mga paa nito. Kahit hindi niya aninag ang mukha ng lalaki, alam na alam niya kung sino ito. This man always has this power to make people feel intimidated. A very strong aura that anyone wouldn't notice. This man's presence could make anyone shivers.

"James," aniya habang umaahon sa pool. "What brings you here?" aniya at umupo sa tabi nito.

This man is James Karl Smith, the one and only leader of Phoenix. It actually making him nervous now that he saw James here. Hindi ito pupunta ng personal sa sarili niyang pamamahay kung hindi lang din importante.

As expected, James handed him the black envelope.

"This will be your last mission. This is very sensitive," walang paligoy-ligoy na sabi nito.

Napatitig siya sa black envelope.

"How sensitive it is knowing that you handed it to me personally in the middle of the night?" he asked, intrigued.

James stood up from his seat. Namulsa ito at tumingala sa kalangitan.

"Check what's inside the envelope and you'll know. Too sensitive that I want to get rid of that fucking person immediately who ruined someone else's life and future. This is only between you and me. I won't allow any members to know about this. This is very confidential. Leave your post for now and focus on that. Your..." James looked at him,"life might change because of this," makahulugan at mapait na sabi nito.

"Call me after you read that." And with that, James left.

Muli siyang napatitig sa black envelope. James and the rest of the members of Phoenix has their own lives now. They are starting to have their own family with their wives. Masaya siyang nakikita na unti-unti nang nagkakaroon ng sari-sariling pamilya ang mga ito. James and the rest of the members handled their relationship well. Lahat sila ay mga tigre at leon na umaamo sa mga babaeng nilalaman ng puso.

Tumayo siya at dumiretso sa kuwarto niya. Pinatong niya ang black envelope sa wooden table niya sa kuwarto. Mamaya niya iyon babasahin.

Nag shower muna siya at habang pinapatuyo ang buhok ay napako ang tingin niya sa cellphone na naiwan ng ex-fiancee niya.

Kinuha niya iyon at tinitigang mabuti. Hinagis niya ang towel sa kama. Umupo siya gilid ng kama. Sa hindi malamang kadahilanan ay nangahas siyang buksan ang cellphone.

Pero kaagad din niya iyong pinatay. Hindi niya ugaling makialam sa gamit ng iba.

Napabuntong-hininga siya. Ibabalik niya ang cellphone bukas. Maibabalik niya ang cellphone pero ang katinuan niya ay mukhang mahihirapan siyang ibalik.

Inaamin niyang nabigla siya nang makita ang ex-fiancee. Napakatagal niya itong hindi nakita. Ni wala siyang balita sa dating kasintahan ng ilang taon. Tila nawala na lang ito na parang isang bula.

Hindi niya tuloy maiwasan ang mga sandaling naging kasintahan niya noon si Giselle...

"Hon..."

"Hmm?"

"Stop it," pigil ng kasintahan.

"Stop what?" he chuckled.

"Nag-aaral ako, hon," saway nito habang tutok na tutok sa librong hawak nito.

Pero hindi niya ito pinakinggan. Sa halip ay patuloy niyang hinahalik-halikan ang leeg nito. Hindi pa siya nakuntento, inangat niya ang mahabang buhok ng kasintahan para mas lalo niyang mabigyang-laya ang sarili sa paghalik-halik sa leeg nito.

He smirked when she gave up reading her book. He just wanted to tease his girlfriend. Of course he knew her ultimate weakness and that's her neck and her ear.

Awtomatiko niyang kinandong ang kasintahan. He chuckled when he saw her face. She's pissed but still beautiful.

"Alright, I'm sorry. You gan go back to study, hon," he said and let out a soft chuckle.

"You're disturbing me. I can't focus on my study," she said and pouted her lips.

Muli ay mahina siyang natawa. Bakit napakaganda pa rin ng kasintahan kahit naiinis o nakasimangot na?

"I love you," he whispered.

Tinitigan niya ang kasintahan nang awtomatikong namula ang buong mukha nito. Ugh! Giselle really know how to make him fall in love with her all over again.

Akmang sasagot ang kasintahan nang makarinig sila ng malakas na tunog mula sa labas. His girlfriend is very sensitive in noises so he automatically cover Giselle's ears using his hands.

"You okay?" he softly asked.

Giselle's face is pale but she smiled while looking at him. She automatically reached for him and hugged him tight.

Their relationship were so perfect. He already thought that Giselle will stay by his side forever. He always dream of marrying this girl. Kasama na ito sa mga plano niya sa future. Not until Giselle broke up with him, not even telling him the real reason. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. She's the very first woman who broke his heart.

Bumalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng cellphone niya. No, it's his cellphone.

Tumutunog ang cellphone ng ex-fiancee niya. Tiningnan niya kung sino ang caller. Nang hindi iyon tumigil ay sinagot niya ang tawag.

"I need my phone. Can you give it to me right now?"

His heart almost dropped when he heard that very familiar voice.

Tumikhim siya at itinago ang isang kamay sa loob ng bulsa.

"Saan ko ibibigay? Send me the address," aniya nang makabawi sa pagkabigla.

"No. Ako ang kukuha diyan. Can you send me the address?"

Ilang sandali siyang napaisip. It's already late.

"It's late. Ako na ang maghahatid para—"

"I insist. T-There's something important in my phone so I need it right now," she cut him off.

Natigilan siya at ilang sandaling pinakinggan ang dating kasintahan mula sa kabilang linya. Her breathing is not normal or just his imagination?

"Okay. I'll send you the address," he said and ended the call.

He texted her the address of his house. Habang hinihintay niya ito ay hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya sa loob ng kuwarto niya at panay din ang tingin niya sa oras.

Nang tumunog ang door bell ng bahay niya ay tila mas lalo siyang kinabahan. Sa kaba niya ay nasagi niya ang black envelope. Nahulog iyon sa sahig at doon ay kumalat ang mga laman. He saw that familiar photo and name.

Akmang pupulutin niya ang mga iyon nang muling tumunog ang door bell. Dali-dali niyang kinuha ang mga nahulog at basta na lang iyon pinatong sa wooden table.

Lumabas siya at binuksan ang pinto ng bahay niya. Only to be surprised by Giselle's appearance. Her white dress has full of blood.

As he slowly looked at her hand, he saw the knife in her hand. It's already too late to avoid.

Giselle stabbed him with the knife.

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Silent Pain(Paid Story on Nobelista)Where stories live. Discover now