CHAPTER 1
SHE couldn't breathe. It's suffocating. She doesn't know how long she's in there. She's being punished.
"L-Let me out, p-please. I-I'll be a good girl. I-I promise," she begged. She beg for her life.
Sumisikip na ang dibdib niya. Hirap na hirap siya sa paghinga. Ang akmang pagpikit niya ay natigil nang bumukas ang ataul kung saan siya ikinulong.
Ang babae ay bigla siyang hinablot sa buhok at inilabas sa ataul. Habol niya ang hininga, kumukuha ng hangin na ilang oras niyang hindi nalanghap.
Ang pagsabunot nito sa buhok niya ay walang ingat. Malakas siya nitong sinampal. Napasalampak siya sa sahig. Hindi pa man sya nakakabawi ay sinampal siya nito at ilang ulit na nilatigo.
She groaned in pain. Everyday, she's groaning in pain. Ilang ulit pa siya nitong nilatigo bago ikinulong sa napakadilim na kuwarto.
Napabalikwas siya ng bangon. Dali-dali siyang bumaba ng kama at tinungo ang bintana. Hawak ang sariling dibdib ay lumanghap siya ng hangin.
Mariin siyang pumikit. Ikinalma niya ang sarili. Nang magmulat ng mga mata ay napabuntong-hininga siya. Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan iyon.
Muli siyang bumalik sa malapad niyang kama, hinayaang nakabukas ang pinto ng kuwarto.
Nang hindi makatulog ay muli siyang bumangon. Kinuha niya ang susi ng kotse at lumabas. She's only wearing her pajamas.
Nang makapasok sa kotse niya ay awtomatiko niyang binuksan ang mga bintana niyon at nag-umpisang magmaneho. Nakatulong sa kaniya ang pagpasok ng lamig na nanggagaling mula sa labas.
She parked her car when she saw a convenience store. Nang pumasok siya doon ay tumingin ang ilang customers sa kaniya. Marahil ay dahil sa suot niya.
She ignored them. Naghanap siya ng ice cream at kaagad iyong binayaran. Lumabas siya at naglakad-lakad habang kumakain ng ice cream. Malalim na ang gabi pero sa bawat gabi sa buhay niya ay ganito siya, hindi makatulog.
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa lalaking sumusunod sa kaniya. Nasa kabilang kalsada ito. Her bodyguard.
Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang pajama at tinawagan ito.
"Kuya Troy, I'll be okay. Maglakad-lakad lang ako sandali," sambit niya nang sagutin nito ang tawag.
She saw him nodded and walked away. Pagkatapos ng nangyari sa kaniya noon, si Kuya Troy na ang naging bodyguard niya. Ito palagi ang nagbabantay sa kaniya kahit saan siya pumunta.
Muli siyang naglakad-lakad habang kumakain pa rin ng ice cream. Hindi na niya namalayan kung ilang oras siyang naglalakad. At wala na rin siyang pakialam kahit madilim na ang nilalakaran niya.
Paubos na ang ice cream niya nang may bumangga sa kaniya. Bahagya siyang napaatras nang maaninag mula sa ilaw ng poste ang hitsura ng taong nakabangga sa kaniya. Lalaki ito at mamula-mula ang mga mata. He is not alone. Ang apat na lalaking mga kasama nito ay nasa likod nito.
YOU ARE READING
Silent Pain(Paid Story on Nobelista)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. How can you love a person who doesn't remember you the next day? How can you deal with a person who will say I love you but doesn't remember it the next day? Sadyang manhid lang ba ang puso mo dahil kahit gaano kalala ang sit...