*chapter#8*

0 0 0
                                    

'Bakit kaya hindi sya pumasok ngayon?,baka may nakakita sa amin,'kanina pa nag aalala si jack, wala sya ngayon sa huwisyo,dahil nakukutuban na nya kung ano ang kinahinatnan ng pag sabay nya sa pag uwi kay arcy kagabi,'paano kung mag away sila?paano kung sugurin ako dito, pero hindi naman siguro, aabangan nalang nya bukas kapag pumasok pa ito, tiyak na okey lang pero kung hindi na ito pumasok pA kahit kailan tiyak na may problema,,
Pinagpatuloy nalang nya na mag silid ng mag silid ng mga paninda, maya maya pa ay lumapit si aling loisa" o kamusta ang pag hatid mo kay arcy kagabi?,anu bAng nangyari, bakit bigla nalang hindi pumasok?" Tanong nito sakanya," okey naman ate, kaso dun lang sa kanto ko sya ibinaba,yun ung sabi nya e  ,di konga din alam kung bakit dina pumasok" sabi nya," baka naman tinakot mo ha"sabi nito na nang aasar nanaman,tinawanan nalang nya ito ,
Nag tungo sya ng kusina mga bandang alasonse para kumuha ng stock na asukal sa repakan,si simon ang na mamahala dun ngayon, dati kasi sya ang nangunguna sa pag gawa ng maraming stock ng asukal , simula ng mag drive na sya ay madala narin sya magawi doon, pero di ngayon, marami talagang nag order sa knila ng asukal kaya doble repack at stock ang kailangan kaya, simamahan na nya doon si simon,habang nag kokwentuhan, naisingit nya si arcy " pare , diba ikaw yung sumundo knina sa mga tindera natin?, Nadaanan muba si arcy? Bakit di ata pumasok?" Tanong nya, " masama daw pakiramdam e pare, pero nung lumabas nakita kong maga ang mga mata parang puyat magdamag ,kaya omoo nalang ako ,sabi ko sasabihin ko nalang kay ate na di sya papasok, " tugon nito, "a...ah ganun ba pare" sabi nya ngayon alam na nga talaga nya, nag ka problema nga ito,kagabi tiyak na may nag sumbong o kaya may nakakita s kanila kagabi alin man doon  hindi patalaga nya ngayon alam,
Mag hapon syang wlang imik sa tindahan , parang alang ka gana gana ang kanyang araw,
Kinagabihan,bago umuwi ay
"Ate , palista nga muna tong nestogen isang lata,ala ng gatas anak ko e "sabi nya..pinalista ng isang lata ng gatas para sa kanyang nag iisang anak na iniwanan  ng kanyang dating kinakasama,kaawa awang bata,"hay nako dagdag nanaman ito , ala kanang kikitain nyan ," sabi ng boss nilang babae," ayos lang yan ate, dagdagan mo panga ng isang kahang jockpot " sabi pa nya at pinalista pa ang isang kaha ng sigarilyo, napailing nalang ang amo sa tinuran nya ,hindi naman kasi ito makakahindi sa kanya, maasahan sya at masipag , halos lahat nang iutos ng mga ito ay ginagawa nya ng mabilis at tama, maging pag babayad sa bangko  ng hulog nila ay ginagampanan pa nya,kaya natural lamang na hindi ito makapag reklamo sa kanya, para narin kasi pamilya ang turing nito sa kanya,

Kinagabihan din yun hindi na muna sya nag diretso umuwi sa bahay, nagpunta pa sya sa katrabaho nilang si leo at amy halos kasabayan nadin nya ang mga ito sa tagal sa trabahong yun,kaya talagang turingan na nila ay mag kakapatid,
"Pareng leo , shot tayo, sagot ko,"  aya  nya dito" sige san ba tayo iinom?" Tanong nito" kahit saan kahit dun sa may tindahan,pwede ,"sabi nya"paalam muna ko kay misis pare baka mgalit eh" sabi nito na kumakamot ng ulo medya takot kasi tong mapagalitan ng buntis  na asawa ,ayaw nito na maistress ito dahil sa knya," " pare ako na mag papaalam sau "  sabi niya sakto naman na lumapit sa kanila si amy " ate amy, pwede ba n uminom kami ng tig isang bote lang ni pare ng leo?" Sabi nya alam na kasi nyang di makakatanggi si amy kapag sya ang mag papalam, kung si leo tiyak na di ito papayag, " aba saan ba ayo iinom?" Tanong nito "doon lang sa may bungad sa harap ng peryahan" sagot nya,
"Sige basta isang bote lang , may pasok pa tayo bukas" paalala ni Amy sa kanila,"oo naman ,parang di moko kilala ay " sabi nya, nag punta na sila ni Leo sa tindahan para doon mag inom ng tig isang bote ng redhorse ng makabili ay, saka si la umupo sa upuaan na nasa harapan ng tindahan,napatingin sila sa mga taong nag lalaro sa peryahan,ang sasaya ng mga ito , may kumakanta , sumasayaw , ay tumatawa,dahil sa tuwa sa pagkakapanalo sa pusta, may mga bata ,matatanda at may mag jowa, may bakla at mga tambay din na tila nag hahanap ng popormahan, ganito naman doon talaga kapag malapit na ang fiesta,may pa perya ang bawat baryo.para maraming kita at may saya,
Maya-maya ay napatingin si leo sa malapit sa nag titinda ng popcorn "pare tingnan mo doble date oh , kaya pala di pumasoknitong si arcy, eh" sabi nito sa kanya na halos maalog na ang balikat nya sa kaka turo kay arcy at cindy, na noon ay busy sa pag bili ng popcorn at kasam ang kani kanilang mga asawa,medyo nasaktan nga lang sya ng makitang magka hawak pa ng kamay si arcy at ang asawa nito, pinilit nyang kalmahin ang nararamdaman nyang yun dahil unang una , wala lang sya kay arcy, isa lang syang lalake na sinandalan nito nung minsan itong nahilo dahil sa hang over at hanggang doon nalang yata yun, ni wala syang karapatan na mag tampo at mag selos dito, dahil wala ,,, wala lang sya sa buhay nito,
Hindi na nya kinaya pa ang mga sumunod nyang nakita, masaya si arcy sa piling ng asawa nya  kaya wala na syang pag asa pa na  mapansin pa sya nito,
Nag paalam na rin sya leo ng maubos ang isang bote na kinuha nilang beer , "pare sa uulitin ha, uuwi na muna ako, baka wala ng mainom na gatas ang anak ko," sabi nya pero ang totoo ay ayaw na nyang makita pa si arcy at asawa nito,na masaya sa isat isa,, nasasaktan lang sya, sa nakikita nya kaya mas mabuti pa na umuwi nalang sya at mag pahinga," pare kaya munaman umuwi ,nyan?" Tanong ni leo na nNinigurado ba kung kaya nya umuwi ng maayos kahit nakainom?" Oo nman pare , mahina tungvisang bote, kaya kupa pare" sabi nya saka sumakay ng motor nya, "ikaw nalang mag sabi kay ate amy na umuwi na ko ha," sani nya saka pinaandar ang makina ng motor , " oo pare ingat ka sa pag mamaneho, ingat sa pag uwi" paalam ni Leo. Tumango nalang sya at saka pinaandar na nang motor,,at tuluyan ng umalis.

Secret Feelings Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon