*chapter#11*

0 0 0
                                    

  Si jack ang inspirasyon nya,sa bawat araw na nag dadaan,sobra ang saya niya pag nakikita niya ito ,at kapag hindi naman ito pumapasok sa trabaho, lubos syang na lulungkot at halos walang gana sa mag hapon, at nais nalang umuwi sa bahay.

Wala na syang pakialam kahit ano pa ang mangyari,basta susundin nalang nya ang nararadaman nya.

Kaso ang tanong niya sa isip ,may nararamdaman din kaya na espesyal sa kanya si jack?mahal din kaya siya nito tulad ng pag mamahal niya para dito?

Puro lang kasi tingin si jack ,at wala man lang nasasabi ito tungkol sa bagay na nais niya malaman,,
Gusto na sana niya gumawa ng way para malaman ang totoo,pero nag dadalwang isip siya,babae sya ang masagwa isipin o makita ng iba na may asawa syang tao tapos lumalapit sa lalaki,ayaw niya na mapag isipan sya ng hindi tama,ng mga tao,pero...hihintayin nalang nya si jack ang gumawa noon kung talagang may feelings nga ito para sa kanya.

Isang umaga..habang walang masyadong tao sa loob ng tindahan,
Lumapit bigla sakanya si jack nangungusap ang mga mata nito na titig na titig din sa mga mata niya, halos magkalapit narin ang kanilang mukha sa sulok na iyon ng tindahan sa bandang likuran,

"B-bakit?"tanong niya kahit na kinakabahan dahil sa lapit ng mukha nilang dalawa sa isat isa.

"May nunal ka pala dyan sa may labi ,"pamsin nito habang nakatitig parin sa mukha nya, at di man lang umaalis sa pwesto nito.

"A-h  yan b-ba  o-oo meron" sagot nya na kabang kaba ,oati ba naman kasi nunal nya sa gilid ng labi nya ay napansin pa talaga, naisip nya ,parang iniba lang nito ang sasabihin, hindi nito itinuloy,akala pa naman niya ay aamin na ito ng nararamdaman ,nag assume lang pala sya.

'dakila kang assumera hindi nya gagawin yun' bulong nya sa isip.

Tumalikod sya upang lumayo kay jack, ayaw nya kasi makita nito na nag bubutil-butil na ang pawis nya dahil sa pagkakatitig ni jack sakanya, para kasing hihinto na ang tibok ng puso nya kapag napapalapit ito sa malapit sa kanya,

Di nya alam na susundan parin sya ni jack kahit na dumistansya na sya dito,

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nito na namumungay ang mga mata para bang nag papacute pa.

"N-naku ,bakit namam kita iiwasan?"tipid na pag siainungaling niya.

"Ala,kala ko iniiwasan moko,"sabi nito. Na nag bibisibisihan sa pag aayos ng pag salansan sa mga lollipop sa tabi nya.

" Gusto mo ng chitchitya?"tanong nito.

Natawa sya' yun lang pala ang sasabihin gumaganun pa'

"Bakit manlilibre kaba ? Dinan ako marunong tumanggi sa libre baka lumabo ang mga mata ko,pag tumanggi ako"sagot nya.

"Wait lang kukuha ako hintayin moko dyan" sabi nito na nag mamadaling umalis para bumili sa mismong tindahan nila ng chichirya.

Ang bilis nito bumili , inabutan pa  nito sila cindy at aling loisa ng tig isang pack ng sitchirya
Para siguro di nya isipin  na nagpapalakas lang ito sa kanya,
Pero ganun naman pala talaga.
Kaya hinayaan nalang nya, natutuwa nga sya at nag eeffort pa ito para sa kanya, na dti di naman nito yun ginagawa kaya naninibago narin sya.
Unti unti ng lumalapit sakanya si jack, at yun naman talaga ang hinihintay niya.

"Naks may palibre libre na ngayon si jack ,yayamanin ah" bati ng boss nilang babae, natawa lang si jack.at lihim naman syang natutuwa.

"Ganun talaga ate.."sumakay nalang si jack sa boss nito.

Nagtawanan sila at nag asaran
"Yan ka nanaman ha jack , umaasa ka nanaman baka iwanan ka nanaman"
Sabi ng boss nila jack.

Romehistro sa kanya ang salitang yun 'umaasa? Iiwanan nanaman?'bakit ganun? Ano yung tinutukoy nito? At sino?'
Maga tanong sa isip nya.. mendyo magulo...ano ang ibig sabihin ni ate don?'
'ibig sabihin may naging jowa na pala si jack? Tapos iniwanan sya?' isip isip nya
Gusto na tuloy nya malaman ang lahat lahat kay jack..
'kung nag ka girlfriend pala ito, edi kaka brake lang pala'muli isip ulit nya,

Imbis na mag isip tumayo inanong niya si cindy tungkol dito.

"Alam muba kung May girlfriend naba si jack?"

"Anung girlfriend ka dyan, asawa kamo, kaso iniwanan sya nung nakaraang buwan lang , pati isang buwan palang na anak nila iniwanan rin sakanya, nakakawa nga eh" kwento ni cindy sa kanya.

Shock sya!!
*May asawa na pala si jack, buong akala nya binata pa ito, hindi kasi halata kay jack ,matipuno ang katawan nito na nag pifit ang t-shirt nito kapag  pawis na pawis, naka ayos ang itim at alon alon nitong buhok, may kayumanggi itong balat, mabibilog ang mga muscle nito lalo na kapag nag bubuhat ng mabibigat, mabango at di nag aamoy pawis kahit pawis na ito, malinis sa katawan kahit pa nag kakahangover dahil sa pakikipag inuman, laging ready to minggle , kaya di nya naisip na may asawa na ito at may anak pa pala,
'oh my god'sigaw nya sa isip.

'Pero kahit na,gusto ko parin sya'
Tutal iniwanan naman pala eh,' cheer niya sa isip nya.

Tila mas lalo syang na didimonya, este mas lalo sya na iinlove kay jack, kahit na ganito pa ito , o ano pa man ,gusto parin nya si jack.

Secret Feelings Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon