Chapter 1

290 2 0
                                    

 Annyeong Chinggus! Sorry kung ngayon ko lang ulit nilagay tong story na ito dahil gusto ko talaga siyang baguhin! Sa mga nakabasa ng una, sorry.. pero trip ko lang talagang baguhin ito dahil hindi ko na gusto yung takbo ng storya, at for me. Napapangitan na ako. :) 

Enjoy! 

**Chapter 1** 

"Very Good! Nice Angle! Jarvis tumingin ka sa mga mata ni Blair at hawakan mo yung legs niya! Yan! Then kelangan yung tinginan niyo, na parang nag-aakitan na kayong dalawa! Yan! Very Good! Very Good!" pagbibigay ng direksyon ng photographer saamin. "Okay! I think we got it! Thank you!" 

Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na yung photoshoot namin. Agad akong humiwalay sa kapareha kong si Jarvis Montano. Isang sikat na artista at modelo. Nasa may beach kami at nagshoshoot kami para sa isang clothing line. Manipis ang suot ko kaya nilalamig ako ngayon. Taglamig pa naman ngayon. 

Lumapit saakin ang aking PA na si Rica at binalutan ako ng malaki at makapal na twalya. Nag umpisa na rin magpack-up ang mga staff. Dahil hahampas ang malakas na alon pagsapit ng alas syete.  "Maam Blair, ang galing-galing mo naman po talaga. Professional na professional na po talaga kayo." bulalas ni Rica saakin. "Thanks." walang emosyon na sabi ko. 

"Anong oras na?" tanong ko kay Rica. Nakita ko sa di kalayuan ang mga fans ko na iba't-iba ang hawak. Banners, placards, posters at mga damit na nakalagay ang mukha at pangalan ko. Isinisigaw din ang aking pangalan pati na din kay Jarvis. Kinawayan ko na lang sila at hindi ngumiti. "Maam, walang balak po ba talaga kayong ngumiti? Bakit--" 

"I told you, Rica. Don't meddle on what I am doing. You don't know the reason and you don't need to know so stop." 

Bago pa man uminit ang dugo ko ay inunahan ko na siya. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sobrang nilalamig ako. Papasok na sana ako ng tent para magpalit ng harangan ako ni Jarvis. "What do you want?" masamang tingin ko sakanya.

Nilahad niya yung kamay niya. Tinignan ko lang ito at napansin niyang wala akong balak na makipagkamayan sakanya kaya binalik na lang ulit niya yung kamay niya. "Gusto ko lang sanang yayain ka magdinner." nakangiting sabi niya. 

"Sorry, but I don't have plans to have dinner with you anyway. Will you excuse me?" From smiling, lumungkot yung mukha niya at hindi makapaniwala sa sinagot ko sakanya.

Lalagpasan ko na sana siya kaso hinawakan niya yung kamay ko. "Pero nagpareserve na ako! You can't reject me!" 

Tumaas yung isang sulok ng kilay ko. Friends ba kami para makipagdinner ako sakanya? Masyado naman siyang assumero. Tss. "Sorry but we're not friends. Magkawork lang tayo pero hindi ibig sabihin nun papayag na ako sa gusto mo. Okay?" tinabig ko yung kamay ko. "Halika na Rica." sabi ko sa PA ko. Tumango lang siya at parang buntot na sumunod saakin. 

Pagkapasok ko ng tent, humarap agad ako sa salamin. "Maam, bakit nyo po siya nireject? Sayang oh, kawawa naman siya. Atsaka gwapo naman po at mabait siya ehh." parang kinikilig na sabi ni Rica. Gwapo nga mukha namang mahangin. Waste of time. "Kung gusto mo Rica, ikaw na lang makipagdate. Dami mo pang sinasabi eh." sabi ko sabay inom ng tubig.

Try to Love (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon