Chapter 12: Pain vs Happiness

35 4 0
                                    

(Alexa's POV)

Sabado ngayon. Hhmm. Papunta na ako sa shop na pinapapuntahan sa akin ni CK. Ano kaya meron dun?

Sumakay ako ng taxi.

"CosAnime Cafe po sa SMX"

Habang nasa byahe hindi ko maiwasan ang kabahan. Hindi ko rin alam kung bakit. Parang may masamang mangyayari. Aish! Dapat mawala tong kaba na to! Tama! Think positive!

After 30 mins nakarating na rin ako sa CosAnime Cafe. Ang gandaaaa! Parang Comic Alley lang pero ito may cafe sa loob. Pumasok ako sa loob nito at hinanap si CK. Malay ko ba kung may surprise lang siya?

Pagpasok ko umupo ako sa pinakadulong table yung may design na strawberry. Ang cuuuute! May lumapit sa akin na babae.

"What's your order ma'am?"may inabot siya bigla sa akin na menu. Ang cute ng menu! Pagtingin ko sa mga foods nila aba mas cute! Yung mga foods nila may iba't-ibang shape. Yung isa parang sword yung design tapos yung iba, yung anime mismo ang design. Ang cute at astig! Pagkatapos kong pagpantasyahan yung mga pagkain, umorder na ako. Pinili ko yung cake na strawberry flavor tapos itsura niya is strawberry din. Umorder din ako ng chocolate shake tapos yung lagayan ng shake is yung parang wand ni Sakura. Ang cute talaga dito!

"Is that all ma'am?"tanong nung babae. Maganda yung babae. Naka costume siya ni Ayuzawa ng Kaichou-wa maid-sama. Pang-maid na costume.

"Yup. Thanks"after nun umalis na siya.

Ano nga ba gagawin ko dito? Tinext ko si CK pero hindi siya nagrereply. Siguro gusto niya lang ipakita sa akin yung shop na 'to. Maya-maya dumating na yung order ko. Wala akong ginawa kundi kumain at tumingin sa paligid. Ang cute talaga dito! Parang ayoko na umuwi! HAHAHAHA XD.

Nang matapos akong magpantasya at kumain, tumayo na ako at umalis. Parang gusto ko bumalik dun! Next time isasama ko si Angel at CK dun.

Habang naghihintay ng taxi, napansin kong naiwan ko yung bag ko sa shop kaya bumalik ako. Tinakbo ko yun! Buti na lang napansin ko . Nung paalis na ulit ako napatigil ako ng makita ko si Darren.

"Darren?"bulong ko. Hindi ako sure kung siya yun but for some reason sinundan ko yung lalaki. Nagtatago nga ako eh, para akong stalker XD.

Nakita kong sinusundan niya yung babae na naka-maid na costume kanina. Baka crush niya? Habang sinusundan ko siya bigla siyang humarap sa akin pero buti na lang nakapagtago ako agad. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Bakit ko ba siya sinusundan? Ewan. Sumilip ako sandali, and I was right. It was Darren. Pero bakit niya sinusundan yung babae?

Sinundan ko na ulit siya pero nakatago na ako. Nakita kong hinawakan niya yung kamay nung babae at hinarap ito sa kanya. Parang galit yung babae.

"Ano ba Darren?! Tigilan mo na ako!"sigaw nung babae.

"Aleya please. Please listen to me"Aleya? Ang cute naman. Y siya tapos ako X. Magkaano-ano kaya sila?

"No. I'm done with you Darren! Let me go!"nagpupumiglas yung Aleya. Magkaaway ba sila?

"Please Aleya. Just let me in again"pagmamakaawa ni Darren. Teka. What did he said?

"Let me in your heart again Aleya. Please."Huminto ng pagpupumiglas si Aleya, at parang huminto rin bigla yung tibok ng puso ko.

"Why? Tell me why!"sigaw ni Aleya

"Because i love you Aleya"napa-upo ako. H-He loves that girl. Then why is he courting me? Bigla akong nanghina.

"No! No! You're lying!"biglang tumakbo palayo yung babae at muntik itong masagasaan, buti na lang at nahila siya ni Darren. Nakayakap si Darren sa kanya ngayon.

"You said you don't love me anymore! You're lying!"umiiyak na si Aleya. Hindi ko napansin umiiyak na rin ako.

"I still love you Aleya. Please believe me. Its still you."nagmamakawa siya. Kung ibang tao ang nakikita ko ngayon, iisipin ko na sobrang mahal niya yung babae. But if he loves her, why did he court me? Why is he courting me? I already fell for him. I'm already ready to make him my boyfriend. But I guess I'm the only one who is excited to create this relationship.

Sinilip ko sila. Darren is kissing Aleya. Ang sakit pala no? Grabe. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Nanginginig yung mga binti ko. Hinahayaan ko lang umagos yung luha sa mga mata ko.

I like him kaya naman nung niligawan niya ako tuwang-tuwa ako. Akala ko siya talaga yung magiging unang boyfriend ko. Pero may mahal siyang iba. Bakit niya pa ako niligawan?! Bakit?!

Hindi ko na napigilan. Ang lakas ng ng pag-iyak ko. Buti na lang walang tao sa dinadaanan ko.

"Stop crying"napatingin ako dun sa nagsalita.

"C-CK?"bulong ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako

"Ssshhh. Its alright"he was caressing my hair. Lalo akong napaiyak.

"I guess you figured it out?"

"Y-You knew about it?"tumingin ako sa kanya

"Yeah. Pretty much"pinalo ko siya

"Bakit di mo sinabi agad?!"pinalo ko ulit siya

"You know I don't like interferring with others lives."pinalo ko ulit siya. Hindi siya gumagalaw. Hinahayaan niya lang ako.

"Kahit na! D-Dapat sinabi mo sa akin! Para naging handa ako! Nakakakainis ka! Waaaaah!"hinampas hampas ko siya sa dibdib. Iyak ako ng iyak. Ng mapagod ako manghampas niyakap niya ulit ako.

"Stop. Just stop now"I can't stop. I keep on crying.

"Ck bakit ganun? Bakit niya ako niligawan eh may iba naman pala siyang mahal?"

"I told you to ask him right?"napatigil ako.

"H-Huh?"pinitik niya ako sa noo

"Damn. I thought you already figured it out."napakunot-noo ko. Inisip ko mabuti kung ano sinasabi niya

"She likes someone else. Actually the boy she likes is courting her. I had my chance with her but I didn't took it."

"But poor her. The guy she likes actually loves someone else"napakunot yung noo ko.

"Ha? Eh bakit nililigawan niya yung babae na gusto mo kung may mahal naman pala siyang iba?"

"Why don't you ask him?"

Napahawak ako sa bibig. So all this time binibigyan na niya ako ng hint? Bakit ba hindi ko napansin yun?

"You're too slow tsk. C'mon" hinawakan niya ako sa kamay at hinila na ako.

So it was me all the time? He likes me? Is this for real? Why am I so dumb? I'm an idiot! Ang weird bigla ng nararamdaman ko. Kanina I was feeling pain but now why do I feel happy?

This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon