Kalupi 2

144 2 2
                                    

"Kahit kapkapan niyo pa ang buong katawan ko, wala kayong makukuha sa akin." Sabi ng bata habang nahihirapang huminga.

     Biglang bumangon si Aling Martha na pawais na pawis, Panaginip lang pala iyon. Lumingon siya sa kanyang paligid, nakita niya ang kanyang asawa't anak na nagtataka.

"Anong napanaginipan mo Martha, bakit pawis na pawis ka?" tanong ng kanyang asawa.

"A..a...wala lang. Congratulation pala sa graduation mo anak. Magluluto muna ako para makakain na tayo." tatayo na sana siya upang magsimula ng magluto ng pinigilan siya ng kanyang anak.

"Pero 'nay saan kayo galing ng pera, kinuha ni tatay ang pitaka mo bago ka pumunta ng palengke, nakalimutan niya itong isauli sa bulsa mo kanina."

"A-ano, u-umutang muna ako  kay Aling Godyang, babayaran ko na lamang bukas."

     Pagkatapos nilang kumain sa hapag-kainan, natulog agad sila upang makapag pahinga.

"Kahit kapkapan niyo pa ang buong katawan ko, wala kayong makukuha sa akin." sabi ng batang nasagasaan, puno ng dugo ang mukha nito, papalapiy iyo sa kinaroroonan niy. Nasindak siya sa papalapit na bata.

"Patawarin mo ako sa ginawa ko, gusto ko lang lutuan ng masarap na pagkain ang anak ko, hindi ko sinasadyang pagbintangan ka at masagasaan."

"Sinabi ko na sayo na hindi ako ang kumuha ng iyong pitaka. Ng dahil sayo namatay ako. Ngayon naman babawiin ko ang buhay na kinuha mo sa akin."

     Ng umagang iyon, nabalitaan ng lahat na namatay na si Aling Martha. Bangungot daw ang dahilan ng pagkamatay nito. Sinabi ng kanyang asawa sa mg pulis ang mg pangyayari habang natutulog sila kagabi. Sa sala, iyak ng iyak ang kanyang anak. Habang pinagkakaguluhan ang kanilang bahay, may batang dumaan at tumigil sa harap ng kanilang bahay, punit-punit ang damit nito.

"Nakuha ko na ang buhay na kinuha mo sa akin."

xxxx xxxx xxxx

Ito'y output lamang namin sa subject na Filipino, pinapagawa kami ng ending ng estorya ng kalupi. ang estoryang kalupi ay ginawa ni Benjamin P. Pascual, kung gusto ninyo mabasa ang totoong estorya nito ito ang website http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/2.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kalupi 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon