<<Haile's P.O.V>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naku... Anu nanaman ginawa ni Christine? Bakit niloloko nanaman niya si Jayson? Tanong ko sa sarili. Pumunta ako sa living room at umupo. Uminom ako ng juice. Ang sarap. Ang galing ko talagang magtimpla ng juice. Pero, walang makakatalo sa pagtitimpla ni Jayson. Ang sarap. GRABE. Nakakamiss na ung luto ni Jayson kahit Pancake lang ung alam niya.
"Haile, lalabas lang ako ng sandali. Ok lang ba sayo?" Tanong ng Boyfriend ko. Si Louis. Parang ung sa 1 Direction. HAY... Nakakainlove naman ung boses niya...
"A-ah. Sige. Ok lang." Sabi ko. Agad ako uminom ng tubig para hindi ako maheart attack sa sobrang kilig.
"Sige. Bye!" Sabi niya.
Nakakapagtaka... Bakit ang grabe ng pagsusuot ng damit niya ngayon? Normally, kapag aalis kami, ang simple lang ng damit na sinusuot niya. Pero bakit ngayon ang grabe... May occasion ba? Hay.. Bahala na.
Uminom ako ulit. At may naisip ako.. Ba't di kaya ako pumunta kina Jayson? Kaharap lang naman namin sila eh.
Tumayo ako, umakyat at nagbihis. Mukha akong ewan. Anyway, bumaba na ako at nagsuklay. Naiimagine ko na ulit ung dati. Nagpapatulong akong magayos kay Jayson. Kahit wala siyang tinutulungan physically. Lagi niyang sinasabi: "Ok na yan!" "Hindi mo na kailangan ng make-up. You're already beautiful." "Sus. Tara na!"
Lumabas na ako ng bahay at nagdoorbell sa kanila. Naghintay ako ng konti.
"HUY, JAYSON! SI HAILE!" Sigaw ni Christine. Naku.. Bakit ang lakas ng boses niya?
"Oo na. Sandali lang." Sabi naman ni Jayson. Namiss ko na ung boses niya. Hindi ko na masyadong nakikita eh. Hindi na kami lumalabas pareho.
Lumabas si Jayson na naka Blue T-shirt at red shorts. Nakita ko si Christine na tumatawa. Parang may secret.
"Hi Haile." Bati ni Jayson.
"Hi Jayson! Long time no see?" Sabi ko naman.
"A-ah. Oo nga. Long time no see. Sige. Pasok ka."
"U-uh.. Sige."
Noong pumasok ako sa bahay nila, nakita ko si Christine na naka Black T-shirt at pants. Bigla siyang tumayo at ung kamay niya naka open. Parang may ihuhug siya. Inopen ko na rin ung saakin. Lumapit kaming pareho at noong malapit ko na siyang ihug, dumiretso siya. Papunta kay Jayson.
"Jayson!" Sabay hug naman niya sa kanya.
"Anu nanaman problema mo? Bigla kang naghug saakin. Ano ka?" Sabi naman ni Jayson. Tinulak niya si Christina palayo.
"Ayie. Ang sweet niyo naman." Joke ko.
"Siyempre! May relasyon na kami." Sabi ni Christine. Sabay hug ulit kay Jayson.
"Haile! Wag kang maniwala diyan sa babaeng yan. Nalasing nanaman eh." Sabi naman ni Jayson.
"Hoy. Wag mo ngang ganyanin ang napakaganda mong GF!" Sabi ni Christine. Umalis siya at umupo. Nagkunwaring umiyak.
"Huhuhu! Jayson talaga! Ayaw mo talaga ako noh? You're the worst BF ever!"
"Sus! Ikaw naman ung gumagawa ng kalokohan diyan eh."
Lumapit kaming sabay ni Jayson kay Christine. Umupo kami. Nung makita ako ni Christine, hinug niya ako.
"Uh.. Christine... Anung ginagawa mo?" Tanong ko.
"Malamang! I'M HUGGING U!" Sabi niya. Mas lalo niyang hinigpit ang paghug niya saakin.
"Tamana... Hindi ako makahinga." Sabi ko. Tumatawa ng konti.

BINABASA MO ANG
I Took The Blame
RomanceAko si Jayson Winstead. Isang college student na nag-aaral sa St. Moonlake University. Only child lng ako sa pamilya. Ang nanay at tatay ko nasa ibang bansa na. So, ako nalang ang naiwan to take care of our house. Lagi kong nakikita ang bahay sa har...