<<Louis' P.O.V>>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hmm... Ang tagal naman niya.. Libot kaya muna ako para hindi sayang ung oras. Inisip ko. Tumayo ako at namasyal sa SM Clark.
Ang gulo ngayong araw na to kasi, 3 Day Sale eh. Siksikan sa lahat ng shops! Buti nalang nakahanap ako ng shop na konti palang ang mga tao.
"Good Morning, Sir!" Bati ng Salesclerk.
"Uh.. Hi." Sagot ko naman pabalik.
"Anu po ung hinahanap niyo?"
"Ah. Wala. Tumitingin lang. Maybe next time."
"Ah. Sige po, sir. Tingin po kayo. Baka may magustuhan kayo."
Tumingin ako ng mga damit. Iba ibang klase. Mayroong Long Sleeves, T-shirt, V-Neck pa nga eh. Hmm... Wala akong makita na bagay saakin.
"Aalis na po kayo, sir?
"Ah. Oo. Aalis na ako."
"Balik po kayo!"
Umalis na ako at lumibot ulit. Wala akong nagustuhan sa mga damit. Baka wala ako sa mood bumili ngayon. Inisip ko nang bumalik sa Food Court at hintayin siya ulit.
Nakarating na rin ako sa FC. Umupo ako at nilabas ko ang laptop ko. Binuksan ko ang FaceBook ko at nakita ko ang post ni Jayson:
"Nandito sina Haile, Christine at Michael. Kulang nalang si Tricia! Tricia, where are you?"
Huh. Baka walang magawa si Haile kaya pumunta siya kina Jayson. Sino si Tricia? Hindi ko pa makikita ung mukha nun ah. Nagcomment ako:
"Sino si Tricia?"
Naghintay ako ng konti at nagreply si Jayson
"Ah. Siya ung isa naming kaibigan. Eto ung Facebook account niya."
Sa ilalim ng comment niya, nakalagay doom ung link ng FB account ni Tricia. Pinindot ko. At nakita ko ung Profile Picture niya.
Parang nakita ko na siya ah.. Inisip ko.
Binuksan ko ang photos niya at tinignan ko kung siya nga ba talaga. After 3 pictures, tama ako... Siya nga ung babaeng imemeet up ko ngayon... Hala..
"Jayson! Jayson!" May sumigaw doon sa likod.
Tumayo ako at tinignan ko kung sino ang tunatawag saakin. May nakita akong babae na tumatalon talon sa Potato Madness At siya ay si "So-Called" Tricia.
Lumapit ako sa kanya at tinanong kung ano ang full name niya.
"Hay nako Jayson.. Nakalimutan mo nanaman? Bakit ginaganyan mo ang GF mo? Hayz. Osige na nga. Ako si Patricia Marie Estacio. Ok?"
"Ah.. So, nickname mo Tricia?"
"Oo." Nagsmile siya saakin. "Un ang tawag saakin ng mga Kaibigan ko. Masyado daw kasing mahaba ung Patricia eh."
"Bakit di nalang Marie?"
"Para daw kasing hindi bagay sa mga gamit ko. Mostly daw kasi, ang mga may Marie na pangalan, cute ang mga gamit nila. Eh saakin Cool daw."
"Oo nga naman. Cool ang mga gamit mo. May bungo, swords at iba pa... Cool." Nagjoke ako.
"Hahahaha! Ikaw talaga Jayson.. Mahilig mag biro. Osige. Tara na! Let's go SHOPPING!"
Ugh... Nanaman? Ayaw ko na..
"Pwede ba muna tayong KUMAIN?" Tanong ko. Ang tiyan ko kumukulo na...

BINABASA MO ANG
I Took The Blame
RomanceAko si Jayson Winstead. Isang college student na nag-aaral sa St. Moonlake University. Only child lng ako sa pamilya. Ang nanay at tatay ko nasa ibang bansa na. So, ako nalang ang naiwan to take care of our house. Lagi kong nakikita ang bahay sa har...