A/N: tinamad akong gawan ng ending part yung tissue. HAHAHA. Pero eto pambawi. ENJOY!
Tumingin si Den sa baba mula sa 40th floor ng building. Specifically, sa roof deck ng building. Sobrang liliit ng mga tao kung titignan mo mula sa floor na kinatatayuan niya. Oh my god. Sambit ni Den sa sarili.
"Hoy ano bayan?!" Narinig niyang sigaw mula sa likuran niya.
"Magpapakamatay ka ba?" Rinig ulit niya sa babaeng sumigaw kanina.
"Hindi noh." Iritableng sagot ni Den sa babae.
"Eh anong ginagawa mo jan?" Tanong ulit nung babae.
"Inaabot ko lang yung ano..." mahinang sagot ni Den but loud enough para marinig ng kausap niya.
"Inaabot yung ano?" Tanong ulit nung babae habang nakataas ang kanang kilay niya.
"Wala! Ikaw? Bakit ka nandto? Ikaw siguro magpapakamatay noh?" Tanong ni Den.
"Hindi noh. Magvivape lang sana ako. Mahal ko kaya ang buhay ko. So bakit ako magsusuicide?" Bahagya namang natawa ang babae sa pagkasarcastic ng tanong niya. Tila naman natamaan si Den sa narinig mula sa babae.
"Mahal mo pala buhay mo, e bakit mo sinusunog yang baga mo?" And Den let out a little chuckle.
"Huh. lika na. Maupo kana dito." At tinapik nung babae yung side niya habang nakaupo sa may bench.
"Alyssa nga pala, ang nagligtas ng buhay mo." Sabi ni Aly habang iniaabot ang kamay niya kay Den na nagpapahiwatig na makipagshakehands.
"Wow ha. Makasabi ka naman ng 'nagligtas' ay sinalo moko" sagot naman ni Den habang ginigesture pa ang pagsalo.
Natawa naman si Aly sa kakulitan ni Den. "Eh ano nga bang ginagawa mo dito ha? Di ako naniniwala na may inaabot ka jan." Turo ni Aly sa may dulo ng roof deck.
Nalungkot naman bigla ang aura ni Dennise pagkarinig niya ng tanong ni Alyssa. "Okay. Trying to make pakamatay? Look, i have leukemia." Malungkot na tugon ni Den.
"Weh? Patingin nga." At nilift ni Aly ang chin ni Den to see her face. She directly looked at her eyes and she can see pain and sadness. "Di naman halata." At umiwas ng tingin kay Den.
natawa naman ng bahagya si Den sa sinabi sakanya ni Alyssa. "Actually, kanina ko lang nalaman."
"Eh bakit pagtalon sa building yung naisip mo? Magbibigay ka pa ng trabaho sa management ng mall. Paglilinisin mo pa sila ng dugo. Sana nagbigti ka nalang okaya uminom ng 20 biogesic, 10 alaxan. Para wala ng lilinisan diba?"
Napatingin naman si Den kay Alyssa habang umiiling. "At nagsuggest ka pa talaga ha?"
Natawa nalang sila pareho.
"Para nga walang bahid ng kahit ano diba?"
"Eh kase nga atlist bago ako mamatay, naconquer ko na yung fear ko sa heights. Oha."
Napailing na lang si Alyssa sa ideyang yun ni Den.
"Oh e bakit hindi ka magpagamot?"
"Sayang pera. Hindi naman kami ganon kayaman. Si Mama retired na sa pagnenurse. Yung kapatid kong isa nagaaral pa. So, yung dapat mapunta sakin, sakanila na lang diba?" Hindi na maipinta ang mukha ni Den.
"Eh may mga foundation naman na pwdeng tumulong sayo. Sagip Kapamilya o kaya kay Korina."
"Ano naman makukuha ko kay Korina? Libreng tsinelas? Hindi na noh. May mga taong mas higit na nangagailangan ng tulong nila. Wag na ako."
napangiti naman si Alyssa sa narinig. Dahil kahit may sakit si Dennise ay naiisip niya parin ang ibang tao."Di ka talaga nagpapatalo noh? Bawat sabihin ko may isasagot ka."
BINABASA MO ANG
Undeniably InLove (AlyDen OneShot Compilation)
FanfictionAlyDen fan? Right Choice of Story. The One-Shot Stories Compilation may contain an AU (alternative universe), OOC (out of character) or a RATED SPG theme. ENJOY READING!!