Chapter 1

35 5 2
                                    

Pagkatapos kong maligo naglaba  na rin ako pagkatapos nito maghahanap na ako ng trabaho

"Gabriella!! Gabriella"agad akong napatingin sa sumisigaw bumungad sakin si aleng nyeta

"Oh aleng nyeta bakit?"tanong ko

"Minumura mo ba ako?"nakapamewang niyang sabi

"Aba gago! Hindi no tarantado to!"sabe ko

"ah akala ko kasi eh"napakamot siya sa kanyang ulo

"Hindi nga tang ina naman oh"

"Ito na nga! Yung amo ng kaibigan ko naghahanap ng yaya baka gusto mo mamasukan?"tanong niya

"Malaki ba sahod diyan?"tinaasan ko siya ng kilay

"Aba oo naman!"aniya

Napaisip ako hehe mabuti narin to kesa naman ako pa yung maghahanap

"Osige sige!"nakangising sabi ko

"Oh okay magdala ka nang gamit mo huh dun ka kasi mamamalagi pero pwede ka rin umuwi kung gusto mo sayang nga lang pamasahe ito rin yung adress nila"aniya at napaisip naman ako
Okay mas mabuti dun nalang ako para naman makaiwas na ako kay auntie tsk palagi nalang ako pinapagalitan kahit wala akong ginagawang masama tsk masunog sana bahay niya sa kabubuga ng apoy!....juk leng hihi

"10 am bukas"pahabol na sabi niya aleng nyeta

"Okay salamat wabyumats!"sambit ko

*****

Kinagabihan di parin ako makatulog iniisip ko yung alok sakin ni aleng nyeta kanina Eksayted na ako sa wakas may trabaho na ako at makalalayas na ako sa impyernong bahay nato tsk! Dun pala ako titira kailangan ko nang mag impake

Nag impake na ako sa mga gamit ko nilagay ko ito sa backpack na bag konti lang naman mga damit ko kaya kasya lang...pagkatapos kong mag impake humiga na ako sa kama ay! Wala pala kaming kama hehe banig lang!
Letche tama na kwentuhan ay nid tu slip na amp! Gudnayt mga walang jowa!!

*KINABUKASAN UMAGANG KAY GANDA NAGMANA KAY GABRIELLA------

"gudmorneng pilipins!"masiglang bati ko tsaka tumayo haha mabuti nalang at walang shout out galing kay auntie hihi

Pumasok na ako sa banyo at naligo...pagkatapos nagbihis na na ako suot ko ngayon ay white v-neck shirt at jeans naka tsinelas lang ako dahil wala naman akong sapatos! Tinali ko ang aking straight na buhok at dinala ang backpack ko

Nagtungo na ako sa labas diko pala nasabi kay auntie tungkol dito..ay bahala na!

Natagpuan ko si auntie mira na nagwawalis sa bakuran napatingin sya sakin at tinaasan niya ako ng kilay

"Balita ko mamamasukan ka bilang maid?"tanong niya

Aba chismosa ang king ina.!

"Opo auntie, ahh wala po bang ulam?"tanong ko sa kanya

tiningnan niya naman ako ng masama "aba kapal ng mukha mo may binilin ka bang pera pambili ng ulam ha?! Wala ka ngang ambag dito eh! Bahala ka mamatay sa gutom!"sigaw niya umuusok na naman ang ilong niya sa galit haha sarap asarin ng dragong to

Tsaka mamatay sa gutom? Patay agad psh! Ang o.a

"Eh diba po nagugutom rin kayo minsan ba't hindi pa kayo namatay?"natatawang sabi ko

Nanlisik ang mata niya sa galit
"Aba! Lumayas ka sa pamamamay ko stupida kang bata ka!!!"sigaw niya at hinabol ako ng king ina!!! Sinubukan niya akong hagisan ng hawak niyang walis pero nakaiwas ako at hindi natamaan hahaha mas lalong umusok yung ilong niya tumigil sya sa paghahabol sakin mukhang napagod hinihingal pa siya gusto ko talaga asarin si auntie kapag di siya makahinga para matuluyan na!....juk leng!

Bago pa ako makalayo "bye tita dragon salamat sa lahat wabyumats!"nakangiting sabi ko at binigyan siya ng flying kiss hehe

Sumakay na ako ng jeep papunta sa subdivision na sinasabi ni aleng nyeta..nagbayad na ako at bumaba
May nadaanan akong guard pero pinapasok lang nila ako ng malaman nilang mag a apply ako bilang maid

Nagtungo ako sa sinasabi ni aleng nyeta pinadalhan niya kasi ako ng map ng subdivision kasi baka maligaw daw ako maraming pasikot sikot dito para na akong si dora the explorer nito wala nga lang si boots

Nagtungo ako sa malaking bahay at pinidut yung doorbell
Bumungad sakin ang isang babaeng naka uniform na pang maid sharr skwelahan ba to?

"Ikaw ba yong mamasukan bilang maid?"tanong niya

"Ah opo ako nga po"nakangiti kong sagot

"Ay kay gandang bata! Halika pasok ka"pag anyaya niya sakin pagpasok namin sa loob diko mapigilan ang mamangha sa laki at ganda ng bahay!! Kyahh para akong nasa mansion!!

"Tatawagin ko lang si sir"aniya at umalis

Nagpalinga linga ako sa paligid ang ganda-ganda ang linis linis pero medyo tahimik tsk boring!
Napatingin ako sa mga larawan doon ang ganda ng mga painting mamahalin to ang laki din ng sofa nila mas malaki pa sa banig ko tsk eh bakit ko ba kinokompara eh mayaman sila ako mahirap tsktsk

"Kay gandang bahay sarap sunugin"bulong ko sa sarili ko

"Who are you?"napatingin ako sa likod ko napakurap ako ng maraming beses kyaahhhh!!!!! Anghel! Kinuha na ata ako ni Lord huhu

*****

My Stupid MaidWhere stories live. Discover now