Fieldtrip ~

59 1 0
                                    

Patricia's POV

Yes. School na. Nangangalahati na ang school year. Marami na 'kong nakikilala. Marami na 'kong naging friends.


Pero si Brace parin yung bestfriend ko. It's hard to trust people now a days. Siya nalang pinagkakatiwalaan ko ngayon. Ang hirap na kasi tlga magtiwala. Hindi mo alam kung safe ba yung sikreto mo sakanila e.

Pero para sakin, lahat ng secrets na sinasabi ko kay brace, ay safe. May tiwala ako dun. Kilalang kilala ko na yung lalaking yun. Since childhood siya na kalaro ko, kasama ko. Kaya lubus-lubos ko nang kilala yan.


Mabait yan. Loko loko minsan. Minsan din sweet. Minsan naman ang cold nya bigla. Minsan di mo maintindihan yan. Bigla biglang malulungkot. Maya maya biglang tatawa. Hahalakhak akala mo wala nang bukas. Minsan din sobrang sungit akala mo babaeng may red e. Hahaha pero swear mabait yan. Maalalahanin. Hindi lang sarili niya iniintindi. Matulungin din yan. Bogsa yan minsan. Kaya ko yan naging bestfriend e hahahahaha

~~~

Brace's POV

Friday , 2:48 PM


Nandito ako ngayon sa isang mall malapit sa subdivision namin. I'm waiting for Pat kasi sabi niya susunod siya before 3:30. Mamimili kami ng baon namin para sa fieldtrip namin bukas.


Wait... Nakakainip naman. Halos isang oras pa oh. Wala naman akong gagawin dito ngayon. Sabay nalang kami ni Pat pipili ng baon. Puntahan ko nalang kaya siya? Sunduin ko nalang? Delikado rin magcommute e.


Tama! Susunduin ko nalang siya.

Agad na 'ko lumabas ng mall para sunduin siya. Nagpadrive na 'ko sa driver namin papunta sa bahay nila Pat.


----

3:01 nang makarating ako sa kanila. Hindi naman ganun kalayo yung mall dito sa amin e. Kaya mabilis lang.


Nagdoorbell na 'ko sa bahay nila and lumabas si tita. Siya yung nagbukas ng gate.


"Oh brace andito ka pala. Pasok ka." sabi ni tita sabay bukas ng gate


"Ahh sige po salamat po." pumasok na 'ko sa bahay nila

"Maupo ka muna dyan sa sala brace."


"sige po tita uhm si pat nga po pala nasaan? " tanong ko pagkaupo

"Ay nasa kwarto niya brace. Kung gusto mo puntahan mo nalang muna." sabi ni tita at pumunta na ng kusina

"Sige po salamat po." Umakyat na 'ko at Pumunta na sa kwarto niya. Kumatok muna ako bago pumasok.


"Uy brace andito ka pala. Akala ko nandun ka na?" pagtatanong niya nang may pagkagulat habang nagsusuklay ng buhok

"Ah oo nandun na 'ko kanina kaso nainip ako. So i decided napuntahan ka nalang dito para sunduin. Tsaka para sabay na rin tayo pumili ng baon.

"Ah ganun ba. Osige ano tara na?"
pagaya nya at agad na kaming bumaba


"Ma alis na po kami bye ma" paalam niya kay tita at humalik sa pisngi


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Surprises (Brace Arquiza Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon