CHAPTER 16

83 25 0
                                    

DATE

Nang imulat ko ang mga mata ko nasa isang silid ako na hindi pamilyar sa akin. Teka anong nangyari? Bumalik sakin ang nangyari kanina.

Si Eizhxekel kasama si Dashian tapos sobrang sweeet. Nasa loob ako ng salon tapos nahimatay.

Sino ang naghatid sakin dito? Baka yong bakla. Hindi kona inisip pa kong sino ang nag hatid sakin kanina dahil sa mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kong mag iisip pa ako.

Maya maya bumukas ang pinto at iniluwa nito si Brena.
Baka si Brena ang nagdala sakin dito? pero lalaki yong bumuhat sakin. Yon ang huli kong pagkakatanda.

"Nari? buti gising kana."

"Nasaan ako?"

"Nahimatay ka kanina kaya dinala ka namin sa clinic." Tumango lang ako. Sila ang nagdala sayo Nari don't assume. Kasi kahit anong gawin mo napaka impossible ng mga iniisip mo.

"Okay kana ba?"

"Oo okay lang ako Brena salamat pala hah." Ngumiti lang ito.

"Ano kaba Nari. Okay lang kaibigan naman kita eh." Dahil sa sinabi ni Brena medyo nabuhayan ako.

"Ano ba ang nangyari bakit ka nahimatay?"

"Siguro kasi hindi pa ako nag agahan."
Pag sisisnungaling ko.

"Ah bakit naman hindi ka nag agahan?"

"Kasi pag gising ko sa bahay nila Ziare walang tao and hindi ako marunong magluto kaya." pag aalinlangan kong sinabi kasi nahihiya.

"Ano kaba naman Nari wag kang mahiya pareho lang naman tayo. Nga pala ito ang number ko in case may kailangan ka tawagan molang ako."

Tumangi naman ako at kinuha iyon.
"Natawagan kona si Bella papunta na siya dito."

"Thank You Bren. Ang babaeng yon di kona nahanap kagabi ewan ko kong nasaan siya di niya din sinasagot ang tawag ko."

"He is with Merc."

"Ano? hindi na talaga natuto." hindi ko maiwasang hindi mapasigaw. Kasi naman si Bella talaga. Malay mo naman Nari nag kaayos na sila.

Tinawanan lang ako ni Brena. "Ganon talaga Nari pag mahal mo ang isang tao nagiging tanga ka."

Tumango lang ako ng maalala na naman ang nakita ko kanina.

"Nga pala yong kotse ni Bella pinadaanan ko nalang kay Bella."

"Thank You so much Bren."

"Ano kaba Nari maliit na bagay."
Agad naman akong bumalikwas ng higa at umupo para yakapin siya.

"Thank You."

Maya maya bumukas ang pinto at ang nag aalalang mukha ni Bella ang natagpuan ko. Agad itong tumakbo ang niyakap ako.

"Nari. I'm sorry I'm sorry." ulit ulit nitong sinabi.

"Okay lang ako Bell. Saan ka pumunta? nag aalala ako sayo."

"Sorry talaga Nari. Promise di na ito mauulit. Anong nangyari bakit ka nahimatay?"

"Ah iwan kona muna kayo." singit ni Brena. "Thank you Bren." sabi ni Bella at niyakap ito.

"I was so drunk last night then may nangyari sa bar medyo maliit na gulo then ayon nag away tapos may naghatid sakin sa bahay ni Ziare then pag gising ko wala kapa kaya pumunta akong cafe para kumain then nahimatay ako after kong kumain ng kape at tinapay."

"Huh? bakit asan ba sina Ash and Ziare?"

"May emergency sabi ni Ash pumunta silang Bacolod."

"Oh Gosh I'm sorry Nari hindi ko alam na wala kang kasama sana umuwi nalang ako kong alam kolang."

REGRET (L' Fern First Love Series 1)Where stories live. Discover now