1st Sign
-Pag nakita mo syang may kasamang ibang babae, yung tipong parang gusto nya talaga, MOVE ON na Dara-Binasa ko pang muli ang nakalagay sa isang papel na halos punit punit na at naninilaw dala na rin siguro ng kalumaan nito. Nakita ko lang sya last week nung nagliligpit ako ng mga luma kong gamit, nakaipit ang papel sa diary ko. Diary ko nung mga bata pa ako..
Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit meron ako neto. Ke bata bata ko pa may pa 5 signs 5 signs to moveon about your love na agad ako? I can't believe it.
Pero sa maniwala kayo sa hindi. Sasakay na ako sa trip ng mga kalokohan ko nung bata pa ako. I'll do this 5 signs. Wala namang mawawala e. Pero sana matapos ko, medyo nakakapagod narin kase.
Ako si Chiana Dara Alvarez, ang taga pagmana ng Alvarez Corporation, anak ng isang tanyag at sikat na business man na si Daniel Alvarez, at isang nagmamayari ng clothing line na si Chinny Aguirre.
At yung pag gagawan ko ng 5 signs? Si Jesh Angelo Jimenez. Taga pag mana ng kanilang company na sobrang sikat, hindi lamang sa pilipinas ay pati na rin sa ibang bansa.
Nakilala ko lang sya dahil sa isang business meeting ni Daddy nung bata pa ako. Wala kasi si Mommy at sumama ako kay Daddy dahil narin sa wala akong kalaro sa bahay. Only daughter kase ako. Naaalala ko pa yung panahon kung paano ko sya nakilala.. At kahit na 8 years old lang ako nun, alam ko na sa sarili ko na gusto ko sya.
*flashback
Busy si Daddy sa pakikipagusap sa isang lalaki. Gwapo sya, hindi ko kilala pero ang naririnig ko kila Mommy ay isa ito sa mga business partner ni Daddy at malaki ang investment at shares neto sa aming kumpanya. Nasa bahay kami ng lalaking iyon. Nakakaamaze nga e. Kasi sobrang ganda at laki ng bahay nila, mas malaki din ito ng kaunti sa aming bahay, pero iba ang ganda neto, kasi sobrang simple lang neto ngunit elegante.
Lumabas ako para magpahangin ng mapunta ako sa isang garden, may swing pa. Sa isip isip ko, sguro may anak din sya kaya ganoon. Babae kaya? Sana makita ko ito para makipaglaro.
Sumakay ako dun sa isang swing, pangisahan lang ito at may katabi pang isa pang swing. Habang nagsiswing ako ng mahina, dahil na rin sa sobrang kabagutan ay kumanta na rin ako.
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka makasama ka
Yan ang panalangin koAt hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka saking piling--"Ayy ano nga ulit yung lyrics dun?"
para lang akong ewan na kinakausap ang sarili.
"Mahal ko'y iyong dinggin, yun ang sunod dun."
"Ay kabayo!"
sabay lingon sa batang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Maputi ito at may itsura.
"Hindi ako kabayo! Hahahaha para kang ewan jan, ang panget panget naman ng boses mo." sabi ng lalaki at sinamaan ko sya ng tingin
"joke? Sino ka nga pala?" sabay upo sa isa pang swing.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan? Ikaw nga ang bigla biglang susulpot jan, bata e." deretso kong sabi.
BINABASA MO ANG
One Last Sign
Short StoryAfter 5 years! HAHAHAHAHAHA thank you sa pag paalala sakin ng story na to!