Number 3 Sign

12 1 0
                                    

3rd Sign
    Kapag ginagawa na ng taong mahal mo sa ibang babae yung mga ginagawa niya sayo noon, move on na!

~~~~~~

Dara's Pov

Sabado ngayon. Ilang araw na ba ang nakalipas? Mag iisang linggo na ata. Busy ako sa school pero may time pa rin akong isipin ang lihim kong minamahal na si Jesh.

"Wala man lang paramdam? Ano nakalimutan na ako? Dati nasa akin lang atensiyon mo, ngayon wala ng natira para sakin!" reklamo ko habang tinititigan ang aking phone na anim na araw ng walang text o tawag man lang galing sakanya.

Kumusta na kaya siya? Masaya na ba talaga siya kay Ariana kaya naalipusta na akong bestfriend niya?

"Bestfriends lang naman kasi kayo, Dara eh! Bakit ba umiiyak ka na naman?" sabi ko at pinagpapadyak ang aking mga paa sa aking kama.

Nasaan na yung lalaking nandito lagi para saakin?

----
Monday..
School...

Paglabas ko ng sasakyan namin ay sakto ring nakita ko si Jesh na kasama si Ariana. Pinagbuksan pa nga ng bestfriend niya ang kaniyang nililigawan. Nakakaselos hmp.

Hindi ata ako napansin ni Jesh dahil dire diretso lang sila ni Ariana papasok ng campus habang nagkekwentuhan.

Isa lang ang naiisip ko. Naiinggit ako.

Nagsimula na rin akong maglakad at sinundan sila. Hindi ko tinawag si Jesh o si Ariana dahil mukhang busy silang pag usapan ang nangyari sa date nila nung sabado.

Kaya pala wala na namang paramdam. Tsk.

Pumunta sila ng locker room at doon rin ang punta ko. Dati rati'y kasama ko si Jesh at siya ang magbibitbit ng mga libro ko at ihahatid pa ako sa room namin.

"Uy bespren! Long time no see ah? Busy?" Sigaw ni Jesh noong nakita niya ako habang si Ariana naman ay kinukuha ang mga libro niya.

"Huh? Hindi ah? Ikaw nga itong busy at hindi ka na nagparamdam man lang sa akin." Sagot ko na halata ang tampo at inis sakanya.

"Angelo, pa help naman." Ani Ariana na nagpabaling kay Jesh. Bakit nagsisimula na akong mairita kay Ariana?

Napa roll eyes na lang ako at sinara ang locker ko.

"Mauna na kami Dara ah! Hahatid ko pa tong si Ariana eh, see you!" Paalam ni Jesh sa akin at nginitian naman ako ni Ariana.

Bitbit na ni Jesh ang mga libro ni Ariana.

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit naluluha na naman ako?

"Ganiyan ka sa akin noon eh." bulong ko sa aking sarili sabay pahid ng tumulong luha at naglakad na papunta sa unang klase.

Buong klase ay hindi ako mapakali. Parang nakabaon ang aking puso dahil sa nararamdaman para kay Jesh.

Ano kayang gagawin ni Jesh kapag sinabi ko ang feelings ko sakanya? Pero hindi. Natatakot ako. Baka lumayo ang loob niya sa akin.

Huh? Baliw ka ba Dara? Lumayo na nga siya ng tuluyan sayo mula nung niligawan niya si Ariana.

Haaaaaaay. Makapag aral na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon