Ch. 30: Panganib

227 14 3
                                    

GUN

Hindi alam ni Gun kung matigas lang talaga ang ulo niya, pero kinabukasan ay gumawa pa rin siya ng makakain ni Off. It was like he was wired to do it. And like every freaking time of every freaking day, he waited in front of Off's classroom.

Nang bumukas ang pinto ay inayos ni Gun ang tayo, hinagod ang buhok. Tulad ng dati ay nauunang lumabas ang mga kaklase ni Off at magtitilian kapag nakikita siya. Aalis din naman agad ang mga ito dahil sanay na ngang naghihintay siya doon.

Kapag wala na halos tao ay doon naman lalabas sina Off kasama ang mga kaibigan nito. Nakita agad siya ni Off at mabilis na bumakas ang inis sa mukha nito.

But Gun, like he did the first time, just approached them and held the bag in front of him.

"May cookies diyan at rice crispies," sabi niya.

Napailing ito. "Sabi ko na sa 'yo, 'wag mo na 'kong dalhan, 'di ba?"

Hindi niya alam ang sasabihin kaya tinitigan niya ito.

"Hindi ka ba makaintindi?" pabulong na sabi ni Off.

Lumunok si Gun, bago nagsalita. "Hindi ako mapakali hanggang hindi natin naayos 'to. Ayaw kong magalit ka sa 'kin, Papii. Ayaw ko..." Nagsisimula nang mag-init ang mga mata niya.

"Awww..." sabi ni Spencer. "Off... paano mo natitiis ang ganyang ka-cute?"

"Shut up," pabulong na angil ni Off dito.

"Ayaw kong magalit ka sa 'kin, Papii," sabi pa ni Gun, sinamahan ng pag-iling. "Ayaw ko talaga."

Frustrated na ihinilamos ni Off ang mga palad nito mukha nito bago siya titigan nang mariin. Tapos ay umangat ang kamay nito at humawak sa braso niya. Bago pa siya makapagsalita ay hinila na siya nito bigla patungo sa classroom kung saan ito lumabas.

"Pare, bawal magsex diyan," sabi ni Spencer, pero hindi ito pinansin ni Off. Dinala pa rin siya nito sa classroom na ngayon ay bakante na. Nang makapasok sila ay isinara nito ang pinto, tapos ay marahan siyang itinulak sa pader. Lumapat ang likod niya sa malamig na pader, kasunod ng pag-iinit ng leeg at mukha niya.

Itinukod ni Off ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid niya, yumuko para titigan siya. Salubong na salubong ang kilay nito. "Ano, ano bang gusto mo, ha?" sabi nito sa tinig na pabulong, pero mariin. "Ano'ng gusto mo? Sabihin mo lang. Nakalock ang pinto, gawin mo lahat ng gusto mo. Papayag ako."

Imbes na matuwa ay lalong sumikip ang dibdib ni Gun. Lalo pa at sa tono nito ay para bang gusto lang niyang samantalahin ito.

"Gusto mo 'kong halikan sa leeg, ha? Gusto mo?" Inalis nito ang kamay sa gilid niya at sinimulang kalasin ang pagkakabutones ng polo nito. "Gawin mo. Basta pagkatapos, tigilan mo na 'ko."

"Bakit ka ba galit na galit sa 'kin?" sigaw ni Gun sa nanginginig na tinig. Nasundan iyon ng sunod-sunod na pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya. Nasundan ng pigil na hagulgol. "Bakit mo ba ko ginaganito?"

Napatingin si Off sa kanya. Parang nahimasmasan naman ito nang makitang umiiyak siya. Bigla itong natigilan, napapikit. Huminga ng malalim. Hinagod ang buhok. Parang nanlambot ang mga tuhod nito dahil muntik na itong matumba, humawak lang sa isa sa mga silya doon. Sunod-sunod ang naging buntong-hininga nito bago magsalita, at ngayon ay mahinahon na ang tinig. "I'm sorry."

Pinunasan ni Gun ang mga luha. Suminghot. Walang sinabi.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Narinig nila ang mahinang tunog ng kulog sa labas. Tanaw ni Gun ang bintana at kita niya roon na makulimlim ang langit, parang uulan.

Papii is for Babii (OFFGUN FANFIC/BXB) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon