Ch.41: Surviving Erection

283 16 0
                                    


GUN

PRIBADO ang maliit na white sand beach resort kaya imposibleng may makakita sa kanila doon. Tatlong vacation houses sa tapat ng dagat ang nakuha ng kompanya nila kaya sila lang ang umookupa ng resort.

Sa bakuran ng pinakamalaking vacation house, doon naghanda ng mga makakain ang staff. Nang maihain na lahat ng pagkain sa mesa ay may nagtanong, "Nasa'n ang OffGun?"

May sumagot, si Aries, "Nagsolo na. Nakita ko naglakad-lakad na sa beach."

At ganoon nga ang ginawa nina Gun at Off. Naglakad na lang sila sa beach at kinuhanan ng litrato ang isa't-isa. Para bang sila lang ang magkasama sa bakasyong iyon. Malayo na ang nalalakad nila nang magsabi si Gun, "Balik na tayo. Gusto ko nang maligo."

Bumalik sila sa bahay na inupahan nila at sila na lang pala ang kakain, dahil nakakain na lahat at nagsuswimming na.

"Kumain muna tayo bago tayo magswimming," sabi ni Off.

Hindi mapigilan ni Gun na mapanguso. "Gusto ko nang magswimming, eh."

"Hindi mo 'ko puwedeng idaan sa pagpapa-cute ngayon," sabi ni Off. "Kumain muna tayo."

Wala ngang nagawa si Gun kung hindi ang kumain muna sila. Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa kuwarto na in-assign sa kanila. Si Off ang unang nagpalit ng damit na gagamitin nito sa pag-swimming. Rash guard at shorts ang suot nito.

"Hihintayin na lang kita doon, a," sabi ni Off, halatang excited na rin magswimming.

Tumango si Gun. Nang lumabas na si Off ng silid ay hindi na pumasok si Gun ng banyo para magpalit. Wide neck na tshirt na puti ang isinuot niya, iyong tipong magmumukhang off shoulder dahil kapag naglikot siya ay lilitaw ang isang balikat niya. Maikling shorts lang ang suot niya na halos hindi umabot sa tuhod niya.

Hindi summer, kaya hindi nila gaanong problema ang sikat ng araw. Pero nag-sunblock na rin si Gun.

Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay at hinanap agad si Off. Nakita naman niya si Off, nagtatampisaw sa mababaw na bahagi ng dagat. Nakatalikod ito sa kanya at sinasabuyan nito ng tubig si Kaibigang Oso. Naka-rash guard si Kaibigang Oso na kulay green, kaya mukha itong suman kapag New Year. Tawa nang tawa si Off habang sige sa pagbasa kay Kaibigang Oso na nakataas na ang kamay at uubo-ubo na.

"Papii!" pagtawag niya dito.

"Tinatawag ka na ng syota mo!" sabi ni Kaibigang Oso kay Off, sa pagitan ng pag-ubo.

Hindi ito pinansin ni Off. Ngiting-ngiti pa rin si Off nang bumaling sa direksyon niya. Kumaway siya rito kaya tuluyan nang lumitaw ang isa niyang balikat. Unti-unting nawala ang ngiti ni Off. Wala itong nasabi at tumitig lang sa kanya.

Naglakad naman siya palapit dito. Nagtaka nga lang siya nang mapansin niyang umaatras ito patungo sa malalim na parte ng dagat. Nilakihan niya ang hakbang, ang pinakamalaking kaya niya gamit ang maiksi niyang biyas, hanggang sa makalapit siya rito. Akmang yayakap siya dito ng itaas nito ang dalawang kamay nito.

"Papii?" tanong niya rito.

"Gusto kong mag-ano... magswimming," sabi ni Off. Napansin ni Gun na namumula ang magkabilang pisngi nito. Napansin din niya na napapatingin ito sa balikat niya. Pero bigla itong naglayo ng tingin. "Ano, kunwari kasi ano, nasa Survivor ako."

"Ha?"

Hindi na siya nito sinagot. Parang tangang inilubog nito ang sarili sa tubig at lumangoy. "May ano... kunwari may challenge. Kasi nga, Survivor..."

Nalilito man ay sinakyan niya ang kabaliwan nito. Naexcite siya bigla. "Sige, habulin kita!" Akmang hahabol siya at payakap na nang sumigaw ito.

"Sa kabilang direksyon ka lumangoy!" sabi nito, lalo pang namumula, tumuturo sa ibang direksyon.

"Ha?"

"Magkalaban tayo kunwari!" sabi pa nito, kandaturo sa kaliwa. "Sa kabilang direksyon ka lumangoy."

Doon na nakahalata si Gun. Pinagloloko siya nito. Napanguso siya. "Ayaw mo lang siguro ako makasama lumangoy."

"Hindi sa gano'n--"

Hindi na niya pinakinggan ito. Naglakad na uli siya palapit sa pampang. Padabog ang lakad niya, siniguro niyang makikita ni Off iyon. Tumatalsik na ang tubig alat sa mukha niya sa sobrang bigat ng paghakbang niya. Nang nasa pampang na siya ay umupo siya sa buhanginan at ipinatong ang mga braso niya sa tuhod niya. There, he sulked.

Naiwan si Off na nakalublob sa dagat, nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito. Tapos ay pinaglaruan niya ang basang buhangin sa tabi niya. Ilang minuto rin yata siyang gano'n hanggang sa sulok nang mata niya ay makita niya si Off na umaahon na sa dagat, naglalakad palapit sa kanya.

Tumabi ito sa kanya. Umupo ng kipkip ang mga tuhod, ipinatong sa ibabaw niyon ang baba. Walang sinabi si Gun at ibinaling ang mukha niya sa ibang direksyon, doon naman nagkawkaw ng buhangin.

"'Wag ka nang magtampo," sabi ni Off mayamaya.

Hindi na napigilan ni Gun ang emosyon. "Sabi mo kasi hihintayin mo ko. Tapos, nang makababa na ko, iiwasan mo pala ako."

"Kasi nga..." sabi ni Off. Tapos ay tumikhim. "Kasi nga kunwari nasa Survivor tayo."

"Survivor mong sinasabi diyan," sabi niya. "Ayaw mo lang siguro ako makasama lumangoy."

"Gusto ko, Gun," sabi ni Off. May bahid na ng frustration sa tinig. "Gusto ko."

Sinalubong na niya ang titig nito. "Eh bakit umiwas ka nga kanina?"

"Kasi nga..." nasabi ni Off. Tapos ay walang nagawa kundi hagurin na lang ang buhok nito. "Sige na. Lumangoy na tayo."

"Dapat lang," sabi ni Gun. "Sayang sunblock ko kung babalik ako sa bahay." Pagkasabi ni Gun iyon ay inunat niya ang mapuputing mga binti, tapos ay pinadaan niya ang isang daliri niya doon, mula sa ibaba ng tuhod paakyat sa mga mapuputing hita.

Nang bumaling siya kay Off ay nakita niyang nakatitig ito sa mga hita niya. Nag-angat din naman ito ng tingin at sinalubong ang titig niya, tapos ay binigyan siya ng paling na ngiti.

"Tara na, langoy na tayo." Patayo na si Gun pero hinila siya ni Off paupo.

Ang ngiti ni Off ay malapit nang maging ngiwi. "Dito muna tayo, saglit lang."

"Bakit?"

"Pinulikat ako," sabi ni Off.

"Ha?!" sabi ni Gun. Bigla siyang humawak sa mga hita nito na halos yakap na nito.

"Hindi pala!" sigaw ni Off, namula muli pati mga tainga. Bahagyang iniwas ang mga hita sa kanya. "Imagination ko lang pala!"

"Ha?"

"Basta dito muna tayo, saglit na saglit lang. Panoorin muna natin sila."

Tumuro ito sa kaliwa. Sakto namang naroon si Kaibigang Oso, tumutuwad-tuwad habang nakahawak sa puno ng niyog. Nakalingon ito sa camera na may tinging nang-aakit--pero hindi nakakaakit, mukhang lalaking pagod sa trabaho na hirap na hirap na sumabit ng jeep. Kinukuhanan naman ito ng litrato ng tatawa-tawang sina Aries at Archie.

"Gusto mong panoorin 'yan?" sabi ni Gun. Napangiwi siya.

"Oo, saglit lang... ano kasi..." Napalunok si Off. "Cute."

"Talaga?" Bigla ay bumigat na naman ang dibdib ni Gun na nacute-an si Off kay Kaibigang Oso. "Gusto mo gawin ko rin 'yong ganyang pose?"

"No!" agad na sabi ni Off, namimilog pa ang mga mata na bumaling sa kanya. "No! 'Wag!"

"Bakit?" Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Gun. "Mas bagay naman sa 'kin magpose ng ganyan. Isipin mo nga."

Napatanga si Off sa kanya. Tapos ay napapikit at napailing. "Oooy," he said, he seemed so frustrated. Naihilamos na nito ang kamay sa mukha nito. "Now we have to stay for a few minutes more."

And Gun became more confused.

Papii is for Babii (OFFGUN FANFIC/BXB) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon