12:51

349 12 3
                                    

Kahit sa simula palang. umasa ako sa isang panaginip na magkatotoo .Pero di ko talaga inaasahan na magiging totoo talaga lahat. Kahit madalas akong humiling . nagpapasalamat ako dahil sa bawat hiling ko laging may clue,hanggang sa makilala ko na yung taong nagpatibok ng puso ko.. MEANT TO BE TALAGA TAYO.

-----------------------------------------------------------------------------

Kathryn!  Tawag sa akin ni Julia na hingal na hingal na papunta sa akin.

Anyare? Sabi ko. Habang pinupunasan ni Julia yung pawis nya.

Gusto ko lang sabihin sayo na 12:47 na, diba nakalimutan mo yung relo mo? Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Ganun din siya sa akin.

Ako si Kathryn Chandria Bernardo. Ang babaeng mahilig humiling pag eksaktong nag 12:51 , Alam ko, Iba sa inyo hindi naniniwala sa mga ganyang bagay. Pero, wala namang masama kung susubukan diba ? Wala namang mawawala? Oo single ako, at gusto ko magkaroon ng lovelife dahil NBSB ako. Hindi dahil sa atat ako. Pero may isang lalaki na lagi kong napapanaginipan tuwing gabi. At gusto kong makita yung taong yun.

Pumunta muna kami ni Julia sa classroom , Para magpahinga. Kami lang lagi natitira tuwing break time. Kaya nagulat ako ng biglang nagsalita siya.

Kath, 12:51 na! Dali.! Sabi ni Julia.

Pinikit ko ang mga mata ko at..

Sana makita ko na ang lalaking napanaginipan ko, alam kong imposible ,pero sana magkatotoo. Dumilat na ako at nakita kong nakangiti sa akin si Julia.

3 years from now nung sinubukan kong mag wish. Tuwing dumadating sa oras na 12:51 pumipikit ako at humihiling. 3 years from now simula nung napanaginipan ko yung lalaking iyon. Sa tuwing napapanaginipan ko siya, nagigising ako at nararamdaman ko ang sarap sa pakiramdam at lakas ng tibok ng puso ko. Kaya siguro nainlove ako dun.

Haynaku,talaga ba na aasa kanalang na makita siya? Tanong ni Julia. kumain nalang ako ng baon kong sandwich at tumango sa kanya.

Halos araw-araw mo nang habit yan. Pero, di pa rin magkatotoo. Julia.

Alam ko naman eh. Ang sa akin lang, hindi naman masama kung susubukan ko.Wala namang mawawala eh. Alam kong napakaimposbile magkatotoo yung hinihiling ko. Kaya nga hindi ako sumusuko sa kakahiling eh. Konting hintay pa siguro. Kaya ko naman ito. Wag kang mag-alala , after 11 days, Kapag hindi ko pa siya nakita , susuko na talaga ako. Kahit labag sa loob ko yung sinabi ko. Kailangan eh. Halos tatlong taon na akong nagsimula sa kakahiling lang. Di kaya, kailangan ko ng buksan ang mata ko para hanapin siya? Pero paano ako magsisimula.

Uwian na at sumakay ako ng Jeep. Pinasa ko yung bayad ko saka naghintay. Ng biglang may nagpara.

Para Manong! Sigaw nung lalaki. Hindi ko makita yung lalaki kasi di ko pa tapos kalikutin yung cellphone ko. Dahil may message nanaman ako. I guess sa STALKER ko nanaman toh.! 2 months na toh eh.

 Bayad po - Siya

Miss,Pakiabot.-Siya

Tumingala ako at nakita ako ang...

.....gwapong nilalang na ito.

Miss? Patanong nyang sabi. at dali-dali kong kinuha yung pambayad at pinasa dun sa katabi ko. Napakagat tuloy ako sa labi ko. Haist! Napatingin ata ako ng matagal ah.

Ang cute mo miss,nanlaki yung mata ko. At di ko nakitang, napindot ko ang sent sa cellphone ko para kay Mr.Stalker , Nako naman. Hindi nga ako nagrereply dun eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OneShot Stories (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon