Chapter 3
Hayyy eto nanaman tayo e.
Hindi na gumalaw topic naten.
Siya nanaman palagi..........
Eto kasi nangyari.
(Flashback)
Umalis kami ni Pochi. Tawag ko yan sa kanya sabi niya kasi yung mga close na close niya lang tumatawag sa kanya ng ganun....CLOSE NIYA KO :))
Naghaharutan kami..
"Tara kupal alis tayo, libot libot lang!" sabi ni Pochi saken.
"Ako? KUPAL?"
"Sino pa ba? Yung pader?" bigla niya kong hinatak
"Wag mo naman akong hataken pati hindi ako kupal no. IKAW YUN"
"Baka kasi umalis kang lokong ka e kaya hinahatak kita."
"Saan naman? Hindi rin ako lokoloko"
"Edi sa kaibigan kong si Franz! Diba nililigawan ka ng panget na yon?" sabi niya habang tumatawa ng malakas.
"EWAN KO SAYO! Makapanget aa.. Buti siya mabait at gwapo ikaw?" sagot ko sa kanya ng pataray.
"Utuuuuuuut. Mas malamang ako dun no." with matching kilikiliti sa tiyan ko.
Kinaltukan ko siya. PAK!
"Araaaaay!"
"Masaket?" tinarayan ko siya.
"Ayy hinde. Gusto ko pa nga e."
"aa.. gusto mo pa pala e.
Nag habulan kami.
Hanggang ako parin ang nanalo
Hooooray!
"Kupal ka forever!-____-" sigaw niya saken
"Panget" sagot ko sa kanya.
Labasan na ng ibang section....
"Wait lang may sasabihin lang ako kay Seah" sabi ko sa kanya then pumunta na ako sa room nila.
"Seah?"
The lumabas na si Seah sa klase nila, lumapit na ako kasi may isosoli lang ako.
"Seah eto nga pala yung libro mo salamat!"
"Sige lang" sagot saken ni Seah.
"Saan ka ngayon?"
"Wala, uuwi na siguro."
"Aa. Sigesige."
Lumapit na ako kay Pochi. Nakita ko siyang nakatulala kay......
SEAH!
"HUYYYYYYYYYYYY" Ginulat ko siya
Nagulat naman -_-
"Seah name niya diba?" sabay turo kay Seah.
"Oo. Baket?"