Chapter 5 - Ano daw?!

41 3 0
                                    

Chapter 5

Papasok na naman sa school...

HAAAAAYYYY! ang hirap talaga pag wala kang inspirasyon no.

Sakto nakasabay ko  tong si Pochi sa jeep.

"HOY" sabay hampas sa ulo.

"ARAAAAAAY" sabay kurot sa cheeks ko. Masakit siya -____-

"Ano yung tinext mo kagabi?"

"Huh? What? Nababaliw ka na ba?" Reaksyon niya kunwari pang walang  ka-alam alam.

"Ano yung tinext mo saken kagabi? Kupal? Bestfriend?"

"Ayaw mo nun? Para hindi ka na ma offend pag tinawag kitang kupal?"

"Ewan ko sayo! Ayoko pa ren na tinatawag mo kong kupal!"

"Tawag mo nga saken Pochi e. Ikaw lang tumatawag saken dito nun. Siyempre dapat may tawag din ako sayo. Am I right?"

"Hindi siya right! Wrong siya! SUPER WRONG! Maayos ang pangalan na Pochi. Kupal? Tingin mo maayos yun?"

"OO! Ako nga gumawa niyan e. Bagay din sayo"

"Ewaaan! Wag mo na akong kausapin." 

"Suuuuuuus. Hindi ako naniniwala diyan."

Inirapan ko siya.

"Ayyy oo nga pala kamusta na kayo ni Franz?"

"Ano? kami? ni Franz? Di ko pa nga sinasagot yun e."

"Oh. Diba kinausap mo ko. One point!"

"Haaaaay!"

"Pag si Franz talaga yung topic... ang active mo pero pag ako....... yung kaibigan mo......nagtatampo na ako" with sadface.

"Nandiyan naman si Seah!"

"May girlfriend nga ko. Wala naman bestfriend ko."

Na touch naman ako sa sinabi niya kaya hindi ako naka sagot agad.

"So kasalanan ko pa?"

"Ganun na nga"

"Ewan........ Bababa na tayo."

Bumaba na kaming dalawa e. Nauna ako.

Sabay biglang may paparating na sasakyan sa harap ko.

Nabigla ako at napatigil.

Mas lalo akong nagulat kasi biglang hinatak ni Pochi yung kamay ko papunta sa gilid.

"Salamat" pabulong ko sinabi sa kanya.

"Ano kaya itsura mo pag nasagasaan? Try nga naten." Pabiro niya ako tinulak sa may bandang daanan ng kotse.

"Binabawi ko na salamat ko"

"Okay lang di ko naman tinanggap e."

"Hmmp"

Habang palakad kami sa room namin kinausap niya ko

"Gusto mo maging close kayo ni Franz? Diba crush mo din naman yun."

"Ayoko!"

"Pinapaglapit na nga kayo e. Tulad ng ginawa mo saken kay Seah."

"Ayoko nga!"

"Eh gusto ko e."

"SIno masusunod?"

"Malamang ako."

"Bahala ka diyan."

Binilisan ko lakad ko. Hinatak niya nanaman ako.

"Hatak ka ng hatak! Masakit kaya!"

"Last na yun promise!"

"Talaga?"

"Hindi noh. Siyempre biro lang"

"Hayyy baket hindi pa ako nasanay sa ugali mo"

"I Know Right?" tawa niyang pang abnormal.

Nakarating na rin sa room! Sa wakas!

"FRANZ! Kasabay ko si Kupal ay este si Sealthiel pumasok! Selos ka?" biglang sigaw niya kay Franz. "Okay lang bawi ka next time...."

Sama ng tingin ni Franz o.

"Ay oo nga pala. Gusto mo ba makasama. Libre siya mamaya!"

"Sino?" tanong ni Franz.

"Malamang komang. Si Sealthiel your love" sabay tawa ng malakas.

"Oh? Sigisigi"

WALA NAMAN TALAGA AKONG SINABING GANUN pero sige na nga kung hindi ko lang talaga crush tong si Franz! Kasi naman tong si Pochi ee.

Kumain kami sa labas kung saan kami kumain noon nung kasama namin si Seah.

KWENTUHAN DIYAN

KWENTUHAN DOON

KWENTUHAN BUONG ARAW!

Nagkasundo na kami.

Hindi ko alam kung anong nangyare basta naging malapit na kami sa isa't isa.

Kasi tong si Pochi e. Siguro kung hindi niya ako pinilit hindi ako sasama sa kanila.

Parehas lang naman pala sila ng ugali ni Franz pero mas makulit tong si Pochi. Maharot siya! Simple lang si Franz. SI Jason naman masiyahin at palabiro. Mas malala talaga yung kay Pochi BASAGULERO!

Type ko kasi mga simple lang pero napapangiti ako tulad ng ginagawa ni Franz saken.

Masaya na ako pag kasama ko siya pero parang may kulang..

Nakaka inis lang kasi pinipilit talaga ni Pochi na maging kami.

 Halos araw araw niya na akong inaasar!

"Wuuuuyyy Kuuuupaaal ng buhay ko!!!!!"

"Wala akong naririnig."

"Si Franz oh."

"Si Seah oh!"

"SAAAN?"

"Utu uto ka talaga"

"Sana totoo nalang na nandito siya no?"

"Okaaaay. Sabi mo yan e"

"Talaga :) Pero sabi nga nila hindi lahat ng gusto natin makukuha naten.. Diba?"

"Riggght!"

Nginitian niya ako. Baket parang may naramdaman akong spark? Hayyy Ewan! Sadyang cute lang talaga siya.

Napaisip ko nalang bigla..... Ano mangyayari pag naging kami na?

Wala bang magbabago sa mga kilos nila?

Ayoko na kasi magbago yung mga taong nasa paligid ko lalo na tong si Pochi kahit ganyan ugali niyan tsk tsk tsk.

OFF TOPIC

Malapit na rin mag Christmas party! Yey! Gifts!!!!!!! 

BACK TO TOPIC

What to do?

Buti pa si Pochi masaya kasama si Seah. Happy ever after siguro.

Gusto ko rin ng ganun!!!

Si Franz na ba talaga?

o may mga iba pa diyan....

o sadyang excited lang ako

GRRRRR...

Kasi naman tong sina Thea at Mariel e. Ayaw maki cooperate saken! Busy daw sila sa studies. NAKU! SILA PA!

Pag kay Pochi naman puro kalokohan sinasabi saken.

ANO BA TALAGA HA!?

Gulong gulo na po ako!

Pede ba dumating ang tao na masasabihan ko neto at tutulungan din ako kung ano gagawin ko

Kung nasan man yung taong yun... PLEASE PUMUNTA KA NA DITO! NAGHIHINTAY AKO!

-END-

More than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon