BulongBulong, akala mo isa lang silang mga salita na iyong maririnig. Akala mo ito'y simpleng mga bulong na sasabihin sa iyo ng mahina at derekta agad sa iyong tenga, akala mo ito'y simpleng tsismis lang na iyong maririnig na animoy isa lamang siyang mga mensahe na nais na iparinig sa iyo ng mahina, mensaheng gusto iparating para lang sa inyong dalwa, pero hindi minsan sa lahat ng bagay na hindi nagkakaintindihan ay nagsisimula sa bulong.
Madami ng bulong ang iyong naririnig, mga bulong na kung saan saan mo maririnig, bulong nakakapag papalito sa atin at higit sa lahat bulong na kung saan nakakapag pa gulo ng ating sistema. Nandyan lang sila sa tabi tabi, nandyan lang sila naka paligid di natin namamalayan na napagkakamalan na tayong mga baliw ng dahil dyaan sa mga bulong na yan.
Sa bulong nag sisimula ang lahat, sa bulong nagkakaroon ng kagulahan dahil nagpapaniwala tayo sa mga yan. Dito nag sisimula ang lahat mg mga haka haka kaya mag ingat ka aking kaibigan. Di mo mamalayan na dahil dyaan sa bulong na yan maraming nasisira. Nasisirang mga relasyon, katulad sa pamilya, kaibigan at iba pa. Di mo mamalayan ikaw na pala ang binubulungan pa talikod, dahil sa mga maling na balita tungkol sa iyo ng dahil sa bulong.
Kaya aking kaibigan mag iingat ka. Dahil madami ng bulong na nakapaligid sa iyo. Mga bulong na kanais nais man o mga nakakatakot na bulong, ang bulong na makakapag pa baliw sa iyong sistema. Kaya't mag iingat ka madami na ang nabikta ng dahil sa bulong.
BINABASA MO ANG
Unspoken words
RandomThere is a thing called UNSPOKEN words that can't express as a word but it can express as a written statement, thought, idea, concept, opinion, view, hypothesis, theory, abstraction, apprehension, understanding, feeling and many more. May mga bagay...