Love Story that started with a Spaghetti

31 0 0
                                    

Prologue

Naniniwala ka ba sa opposite attracts? . . .

O , sa Love comes when you least expect it?

This is based on a true story. Yung iba medyo binago lang just to make the story short.

First story ko tong gagawin ..

Sana magustuhan nyo. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako si Mariz . Simple , kwela .. . .

Sa likod ng pagiging masayahin ko ay may problemang pinagdadaanan.

Kaya eto ako ngayon , laman ng isang Bar sa may Harbour Square tuwing Sabado ng gabi. Eto na ang buhay ko simula ng tumungtong ako ng college. Bilib naman ako sa puso ko , ilang beses ng napaglaruan, sinaktan, niloko, at nadurogdurog na heto parin ,gumagana pa kahit papano.

Siya naman si Earvin. Masayahin , Gimekero , May pagka-Mahangin.

Tatlong taon na simula ng huli syang nagka-girlfriend. Kung makikita mo sya iisipin mong walang problema sa buhay. Positive Vibe lang.

Ano kaya ang mangyayare kapag nagkrus ang landas ng mga taong to. Maghilom kaya ang puso ni Mariz na ilang beses ng nasugatan , at mapunan na kaya ang kulang sa puso ni Earvin na hinintay nya ng mahigit na tatlong taon?

.. .... ... .. . . ..

Si Mariz at si Earvin ay nag-aaral sa isang pribadong Unibersidad sa Maynila. Si Mariz ay kumukuha ng Culinary Arts na kurso , habang si Earvin naman ay IT .

September ng maging magkaibigan silang dalawa sa isang social networking site na Facebook ,

kahit hindi kilala basta maganda dapat i-add , ganyan ang buhay ni Earvin.

Kaya ng isang beses nakita nya ang profile ni Mariz , after nyang tignan ang mga pictures nya walang pagdadalawang isip na ini-add nya to.

" Ang ganda ng ngiti nya , parang may iba talaga sakanya.. Paraaaang , parang naguyuma ako. " saad ni Earvin sa sarili niya.

Habang abala si Mariz sa paggawa ng kanyang assignment , tumunog yung laptop nya. Senyales na may bago siyang notification.

*1 New Friend Request*

" Sino nanaman kaya tong nag-add sakin -_- Add ng add mabuti kung kakilala ko naman ... " inis na sabi ni Mariz sa sarili nya habang binubuksan ang tab ng kanyang facebook account.

1 New Friend Request from Earvin Camahalan.

Agad na tinignan ni Mariz ang profile nung taong nag-add sakanya.

Earvin Eduave. 125 Mutual Friends. Studying Bachelor of Science in information technology . . .

" Hmmmmm. Wala namang masama kung icoconfirm ko , taga-Lyceum naman pala sya. "

Si Earvin abala sa paglalaro sa isang computer shop malapit sa school nila.

*1 New Notification*

Nak ng Tokwa naman oh!

inis na inis si Earvin dahil namatay yung character nya dahil sa biglang notification.

*Mariz Bulalas Accepted your friend request*

Ang kaninang yamot na si Earvin ay biglang napangiti.

" Ayun, inaccept nya rin. :) "

Nagsimulang mag like ng mag like ng mga pictures ni Mariz si Earvin.

" Thanks for the likes @Earvin Camahalan "

" Welcome @mariz Bulalas :""> "

Walang pakelam si Mariz ng mga panahon na yun kay Earvin , hindi nya masyadong binibigyan ng kahulugan ang mga pag-like ni Earvin sa mga pictures nya.

Sa loob loob nya ," baka trip lang nun mag-like , puro babae naman nila-like na pictures non. Walang pinagkaiba , mga lalake talaga. "

Lumipas ang mga Araw ...

Linggo ...

At

Buwan..

Walang sawa parin sa paglike si Earvin ng mga pictures ni Mariz.

Isang tanghali habang nakatambay si Earvin sa hagdanan sa tapat ng college nila..

Nakita nya si Mariz , ang ganda ng ngiti nya :">

-------

*Zwetha posted a picture on her wall*

Picture ng pasta na niluto ni Mariz during her Food Production Class.

*Earvin liked a photo on your wall*

*Earvin commented on a photo on your wall*

To be continued. . . . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Story that started with a SpaghettiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon