Athena's POV
"Nagbabalik! Ang inyong magagandang lingkod! Hello guys! Welcome again to our vlog! Soooo, this vlog is a travel vlog. Why? Tanong niyo kay Jessey. ahhahah just kidding, dahil, nasabi nga namin sa official pages namin sa lahat ng social network sites na, may nanghamon saamin na pumunta sa isang 'haunted island' daw, but when Alexa, search it. Lumabas na maganda ang islang yun. So, we accepted the challenge or the bet. Kilala niyo na ba kung sino yung mga nanghamon?? That's the Team EiVy's Vlog. Eileen and Ivy, ang number one rival namin pag dating sa pag v-vlog. At isa pa, we hate them.
So, papunta na kaming airport. Kailangan pa palang mag airplane papunta doon, nakakaloka. So, one day ang byahe namin papuntang Isla De Oro. Diba? Ang tagal? Tapos one month ang stay namin dun. Pero dahil one day ang byahe namin, 29 days nalang ang meron kami.
Soo, guys nakapila na kami para pumasok sa loob ng airplane... Woohh."
After kong mag live vlog sa youtube ay pinatay ko na ito, dahil i checheck kami bago pumasok.
Kailan pa naging sobrang higpit ang airport na to?
Tapos after namin macheck, binuksan ko na ulit yung Youtube para makapag live vlog na ako ulit.
Tinatamad kasi yung dalawa kong kasama. Mamaya na daw sila.
"So ayan guys, nakasakay na kami sa loob ng airplane finally. Mamaya, lilipad na to. Kaya uunahan ko na yung mga stewardesses sa pag i-explain ng safety measure bago lumipad yung eroplano. Mag se-seatbelt na ako."
Dada lang ako ng dada sa harap ng gadget na hawak ko, kailangan kasi namin ng documentary na ipapakita sa dalawang bruha.
"Guys, i need to rest na, kaya mamaya na namin kayo ulit babalitaan sa mga susunod na adventures papuntang Isla De Oro! Stay tuned guys! Bye!"
At natapos ko din. Tutulog muna ako. Magkakatabi kaming tatlo sa seat, at ako ang nasa bintana.
Nakakaantok talaga kapag nasa airplane, walang maingay.
Makikinig nalang ako ng music. Naka airplane mode naman cellphone ko.
Di pa man ako nakakatulog ng mahimbing ay agad akong kinalabit ni Alexa. Kaya napalingon ako.
Nasa gitna kasi siya naming dalawa ni Jessey.
"Hmm?"
"Samahan mo ako sa C.R." aniya kaya nag taka ako. Bakit ko siya sasamahan sa cr?
Pero, kahit nagtataka ay tumayo nalang ako, at sinamahan siya.
"Ano bang nangyayari sayo ha?" Tanong ko rito, kaya agad siyang umiling.
Ha? Ano meaning nun? Sorry na, slow ako ehh.
"Sure ka ba?" Tanong ko ulit, pero pumasok na siya sa isang cubicle dun sa banyo.
"Maghihintay nalang ako dito sa labas." Paalam ko sakanya.
Narinig kong sumuka siya.
Yakk, kadiri naman toh. Sana sinabi niyang nasusuka siya para binigyan ko siya ng paper bag o plastic. Bawal pa naman sumuka sa cr dito, baka magkadumi dumi pa dun.
Pero, after niyang sumuka, ay narinig kong parang namimilipit siya sa sakit.
"Ahh, aray! Argh!"
Napamura pa siya sa sakit. Kaya dali dali na akog pumasok dun sa loob.
"Alexa? Ok ka lang?" Tanong ko habang kinakatok yung cubicle na pinasukan niya.
"Buksan mo toh!" Sigaw ko, jusko baka magtaka na mga passengers dito.
"Uy! Ano ba?! Buksan mo na!" Sigaw ko.
"Argh! Ahhh! Aray! Ang sakit!" Sigaw niya parin. Kaya kahit ayaw kong gawin, ay humanap ako ng pwedeng ipansira sa lock na nasa labas nitog cubicle. Babayaran ko nalang yung nasira.
At nung nabuksan ko na, nakita kong nakayuko si Alexa sa may toilet bowl, at nakita ko rin na naging itim yung kamay niya?
Naging itim? Bakit?
Maputi naman si Alexa ahh...
Hala baka naubusan to ng hangin kaya nagkaganan kamay niya.
anong gagawin ko?
Ano?
"At-Athena..." Nagkakagulo na ang buong katawan ko at utak ko kung anong gagawin kay Alexa ng bigla niya akong tawagin.
"Bakit? Anong pwede kong gawin sayo? Kailangan mo ng oxygen? Tubig? Ano?" Tanong ko dito.
"Lumabas ka na dito." Utos niya saakin kaya nagtaka ako.
"Pero, baka kung anong mangyari sayo--" naputol ang sasabihin ka ng biglang sumabat si Alexa.
"I said get out! Lumabas ka na...baka di mo kayanin kapag nakita mo ako." Sigaw niya saakin na ikinagulat ko.
May binulong pa siya pero di ko alam kung ano yun.
"Lumabas ka na... Please.." Aniya at napansin kong naging iba yung boses niya.
Bakit?
Dala lang yun ng pagsuka niya Athena, yun lang yun. Sabi ko sa isip ko.
"S-sige, u-una na ako. L-labas k-ka nadin ha." Sabi ko at agad na lumabas sa banyo.
Pag-kaupo ko sa upuan namin, ay dun ko nalang naramdaman ang takot at bilis ngtibok ng puso ko.
Agad naman akong nilapitan ng stewardess.
"Ma'am, is there any inconvenience or problem happened to you?" Tanong niya, wala ako sa sariling tinuro ang banyo.
Wala naman akong problema eh, si Alexa meron.
"Oh, okay ma'am we will check." Aniya bago naglakad papunta doon.
Napansin ata ni Jessey ang pag-kabalisa ko kaya agad niya akong kinalabit.
"Are you okay? Nasan si Alexa?" Tanong niya kaya tinuro ko ang banyo.
"Ha? Ang weird mo." Aniya saka tumawa ng mahina.
Balisa padin ako ng maramdaman kong umupo na sa tabi ko si Alexa. Inexplain na din ng stewardess ang nangyari at wala naman pala akong dapat bayaran sa sinira kong lock. Emergency naman daw yun.
Pasimple kong tiningnan ang kamay ni Alexa, nasa dating kukay na. Pero namumutla padin siya.
Pagod lang siguro ako.
Itutulog ko nalang.
=°==°==°==°==°=
Yiee updated!
Short update everybody!
This is InfiresSnakeu18
J A N E L A J U N G~~
BINABASA MO ANG
Vlog went WRONG!!:Mysterious "PARADISE"
Mistério / Suspense"Hi guys! Welcome to our vlog!" This is a story of three famous vloggers known for their adventure-related vlogs. They really love adventures. Adventures that can test their bravery. But one day have come when they were challenged to go to a horren...