CHAPTER 5

3 0 0
                                    


Dismissal na pero Di ko pa rin malimutan ung nangyari kaninang lunch. Andami kayang nakapila non kaya paniguradong napansin nila ung kahihiyan ko kanina.

"Uwi ka na?"

"Ay palaka!"

"HAHAHAHAHA"

"B-bakit?" mangugulat tapos biglang tatawa, kung hindi lang maganda to baka nasabihan ko na tong baliw.

"Eh kasi..HAHAHAHA..kasi naman Stace yung mukha mo.. HAHAHAHA..ang epic mong magulat.. HAHAHAHAHAHA"

"Hehehe" ayos din to.

"Ano.. HAHAHA.. Uwi ka na?"

"Ah oo uwi na ko. Ingat Aisel! Byee"

"Ingat den Stace, byee!"

Nagdodorm si Aisel dito sa loob ng University kaya walang problema sa kanya ang papasok at pag uwi, di tulad ko na problema ang makipagsiksikan sa jeep sa tuwing umaga at hapon.

Pagkalabas ko ng school, puno na
ang mga jeep. Sabay-sabay kase ang labasan ng mga students ngayon
dahil start pa lang ang klase at puro orientation pa. Hahanap muna ako ng..

'Uy Kwek-kwek!'

Maaga pa naman at matagal-tagal pa bago kumonti ang mga students na
nag-aantay.

"Sakto!"

"Eh?" anubayan! Kukuhanin ko na sana ung nag iisang stick na andun kaso naunahan ako.

"Manong may stick pa ho ba kayo dyan?"

"Nako iha pasensya na, naubusan na rin ako ng stick. Makihati ka na lang sa kanya." sabay turo niya kay Herald na siya kumuha nung nag iisang stick.

'Naku naman!'

"Ah Herald, pwede bang hati tayo sa stick?"

Tingnan niya muna ako ng ilang segundo bago sumagot.

"No."

'Anubayan! Di naman ung stick ung kakainin niya para Di niya ako hatian.'

"Share na lang tayo." napatingin naman ako sa kanya.

"Luh seryoso ka? Di ka LC?"

"LC?"

"I mean laway conscious?"

He chuckled first, "No I'm not. You? Baka ikaw ang LC?"

"Sa drinks oo, pero sa foods hinde."

"Okay fine." yun oh!

"Manong pahinge po ng 30 pesos na kwek-kwek tas 10 pesos po ng fishball. Pa toasted po. Salamat." yung extra sampu sa ibabayad Kong singkwenta kay Manong pamasahe ko na. Budgeting hacks.

"Hindi ka naman gutom na gutom?"

"Hindi naman." ang tagal namang maluto..

"Magnobyo kayo?" nasamid naman ako sa sinabi ni Manong. Kami magnobyo? Maattitude kaya tong lalaki na to.

"Nako Manong hindi po. Magkaklase lang ho kame."

"Dyan din kame nagsimula ng miss ko, sa magkaklase." natatawang sabi ni Manong.

"Ah luto na ho ba yan Manong? Baka pede na ho yan." sinabi ko na lang para tumigil na siya. Etong katabi ko naman busy sa pagkain.

"Malapit na ineng. Bakit nagmamadali ka ba? Kung ano manghingi ka muna sa katabi mo tutal hiraman naman kayo ng istik." sabi ni Manong na may halong pang aasar. Kung hindi lang ako nakaorder na sa kanya Baka sa iba na ko bumili.

"Ah hindi na po. M-mukhang okay na yan manong, pakihango na po. Salamat."

"Here."abot ni Herald sakin ng stick.

"Tapos ka na?"

"Yeah. Gotta go."

"Sige Salamat." at yun umalis na siya. Lagi na lang akong iniiwan. Charot lungs. Mas okay na yon para Di na ko asarin ni manong.

"Oh bat nalungkot ka? Dahil umalis na siya? May gusto ka sa kanya noh?"
assuming tong si manong.

"Una na ko manong. Eto nga po pala bayad." kelangan ko ng makaalis dito, Baka Di ko mapigilan ang sarili long mainis ng tuluyan kay manong.

"Sige Salamat sa pagbili, sa uulitin!"
mukhang Di na ko uulit sa inyo manong. Hays. Sa byahe ko na lang to kakainin.

worthWhere stories live. Discover now