CHAPTER 6

1 0 0
                                    


Almost 30 minutes ang byahe kaya bago pa man makauwi ay naubos ko na yung binili kong kwek-kwek at fishball.

Pag uwi ko wala pa si mama at paniguradong nasa trabaho pa yun.

Nakakapagod talagang magbyahe.

- - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - -

"Stace gising na."

Grabe ang sama ng pakiramdam ko. Parang Di ko ata kayang pumasok ngayon.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Nak bangon na may pasok ka pa."

"O-opo ma.." pati boses ko medyo namamalat.

"Masama ba pakiramdam mo?" chineck ni mama ung leeg ko at nakita niyang may pantal.

Shit.

"Mainit ka at may pantal. Anong kinain mo kahapon?"

"Kwek-kwek po at fishball.."

"Anak naman, alam mong bawal sayo ang fishball diba ba't kumain ka pa rin?"

"Pasensya na po ma nakalimutan ko po."

"Kaya mo bang pumasok?"

"Kaya po ma. Pahingi na lang po ako ng gamot tas magpapalate na lang po ng pasok."

"O sige. Magpapalate na lang din ako at ihahatid na kita. Kuha lang gamot mo."

Kung sa ibang nanay baka dinala na ko sa ospital o pinilit na Kong pinapasok. Kaso iba si mama. May tiwala kami sa isa't isa kaya kung anong desisyon ko o desisyon niya susuportahan lang namin ang isa't isa.

Matapos Kong makainom ng gamot ay natulog ako ng isang oras. Matapos non nag ayos na ko at bumaba para kumain.

"Pinagbaunan kita ng orange juice andito sa bag mo. Inumin mo kapag hindi maayos ung pakiramdam mo."

"Opo ma."

After 10 mins na kain bumaba na kami at nagdrive na si mama.

Simula nung lumipat kami dito sa Cavite, ang isa't isa lang ang inaasahan namin. May time na pinapabantayan ako ni mama kay Aling Josie na kapitbahay namin sa tuwing naiiwan ako sa bahay mag isa pero madalas ay gumagawa si mama ng paraan para maisama niya ko sa pupuntahan niya.

Isa siyang sales woman noon at ngayon siya na ang sales manager sa pinagtatrabahuhan niya. Maraming gustong manligaw kay mama dahil kung tutuusin kahit 39 na siya ay Di pa rin nawawala ang ganda niya. Yun nga lang ayaw magpaligaw ni mama dahil sabi niya sapat na daw ako sa kanya at sakit lang sa ulo kapag nagasawa pa siya.

Sa tuwing sinasabi niya yon natatawa na lang ako dahil mukhang nagkaphobia na siya mula noong iwan siya ng tatay ko.

Hindi ko pa siya nakikita sa personal, tanging mga pictures lang kay mama ang ginagamit ko para makilala ung tatay ko. Hindi rin madalas magkwento si mama kay papa gayunpaman nagpapasalamat ako kay mama na hindi niya ito tinago sakin o hinayaang magkaroon ng galit kay papa. Sabi niya, hindi daw dapat ako magalit kay papa dahil kung among nangyari sa kanila noon ay issue na nila yon at hindi daw ako damay doon.

Masakit pero hindi niya alam na una palang damay na ko. Ako ung anak na iniwan at lumaking may kulang sa sarili...

"Andito na tayo Stace." doon na lang ako napabalik sa wisyo.

"Magtext ka lang kung hindi mo na kaya ha, pupuntahan agad kita dito."

Niyakap ko ng mahigpit si mama,
"Opo Ma magtetext ako agad tsaka malakas ako noh mana sayo."

"Tama na ang pambobola pumasok ka." tinanggal ko na seat belt.

"Love you Ma." hinalikan ko muna siya sa pisngi bago buksan ang pinto at lumabas.

"Love you too! Wag mong kalimutang inumin ung orange juice ha!"

"Opo Ma! Ingat po sa byahe!"

Kahit nahihilo ng konti pumasok na ko. Sayang naman ung mahal na tuition na binayad ni mama kung a aabsent lang ako. Sabi nga nila,
'better be late than never'.

Saktong pababa na ung first subject teacher nang makarating ako sa room. Buti na lang hindi ko naabutan si miss.

"Sorry I forget some-"

Ay bumalik.

worthWhere stories live. Discover now