S15 | Reverie

78 6 4
                                    

• • •

Author: bleaklyf
Critic: MVCabusas

| BOOK COVER

Hindi ko masyadong gets ang book cover pero nagtitiwala ako. I guess it's a silhouette of a short haired girl? Or silhouette of a person wearing a hood? Then 'yong background, unang tingin akala ko design lang pero may meaning pala. Hagdan tapos may mga parang pattern na pang-technology? At konektado siya sa story lalo na't may mataas si Josie na pangarap. 'Yong font na lang siguro ang nakukulangan ako. Maybe igitna ito? Or medyo lakihan or iimprove ang font style.

| TITLE

Sinearch ko ang ibig sabihin ng title na reverie which means "day dreaming." And wow, ang ganda ng symbolism niya.

| BLURB

Maganda ang pagkaka-symbolize mo ng "Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba." Kung baga na-connect mo 'yong settings na gubat, emotion ng character, and 'yong mismong plot. Nakakalito rin kasi kung sino ang tama sa pagitan nina Ren at Lin.

'Yong last line naman ay mukhang horror, lalo na't may nakalagay na mystery sa genre nito. I understand naman na mahiwaga ang bawat letrang iyong mga ginamit pero from what I read, na mas nagiging dominant ang slice of life and pangalawa lang ang mystery. I think may i-iimprove pa ang iyong blurb. Siguro kaunting palit lang ng term like i-revise mo lang 'yong "Hindi na babalik sa dati ang pag-iisip mo kailanman."

Parang ganito ang suggestion ko pero hindi ako sure: "Sa oras na lumabas ka ng gubat, malalamon ang iyong isipan ng ibang diwa." The term lamon or swallowed (or any words connected dito) instead of "hindi na maibabalik." Suggestion lang naman.

| PROLOGUE

Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang kasabihang nilagay mo sa Part I, pero after ko mabasa ang libro at nang binalikan ko ito, do'n ako napa-wow at naalala ko na ito ang naging problema nina Lin at Ren, or mostly siguro si Ren. Una kasi, ang nagmukhang masama ay si Lin tapos naging mukhang kaawa-awa si Ren. Pero nang narinig ni Josie ang side ni Lin, may pagkamagulo pala itong si Ren. Pero hindi mo rin masisisi dahil sa childhood na nabuhay siyang mag-isa kahit kasama niya ang kaniyang mga pinsan at ang Lola. Nakakalungkot.

| PLOT

Maganda ang iyong plot, honestly. I think it's unique, o dahil bihira lang ako magbasa kaya ko nasabing kakaiba. Pero hindi iyon ang nagpa-wow sa akin ng todo, kundi ay kung paano nito irelate ang katotohanan na kultura ng mga Pilipino at parte ng personal development.

Nakikita ko ang ibang culture ng Pinoy rito, or the reality. Tulad ng inaasahan nilang madaming bibisita sa burol ng kanilang Lola dahil madami ang bumibisita noon pero pera lang pala ang habol. Nice. This makes sense. Tapos ang toxic culture ng mga tao na masyadong concern sa social image nila kaya minsan nakakalimutan na nila kung sino ba talaga sila or ano ang mas nagpapasaya sa kanila. Masyado kasing nangangarap si Josi na maging tanyag ang pangalan sa history, kaya naman hindi siya makapakaniwala na hindi na nangangarap ng gano'n si Lin at iniisip niya na sayang ang talino ni Lin dahil do'n. *face slap*

Maganda rin ang moral na pinapakita mo tungkol sa pagdidinig ng dalawang panig. Nag-iiba ang tingin ng reader sa tao depende kung sino ang nagku-kuwento. And ito pala ang tinutukoy ng kasabihang nakalagay sa "Part I."

Singit ko lang na ang ganda ng cliff hanger mo na hindi pala itong si Ren ang gusto niyang sumalubong sa kaniya—kundi itong si Madeline na in-introduce mo muna as a dangerous person papunta sa hindi ganun ang pagkakilala ni Josie sa kaniya noon. And kung ginawan mo man ng romantic relationship si Josie at Edmund, you made it perfect! Without being obvious, nakuha mo ang loob ng reader sa kanilang dalawa. May part na nakaka-curious silang dalawa na mas lalong maaatach ang reader at gusto silang magkatuluyan. Their love will be natural; hindi tulad ng iba na binabanggit na agad ang love at first sight which is a very wrong strategy. Tipong mauna pang ma-inlove ang readers kaysa sila. 😅

Wordsmith Tavern [Closed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon