Chapter 2

4 4 0
                                    

"Can I have some too?" muntik ko ng maibuga ang tubig na nanggagaling bunganga ko ng marinig ang boses niyang nanggaling mula sa likuran ko. Akala ko wala siya? saan siya nanggaling? ano yun na-late?

"Y-yeah sure"  at nautal pa nga. Tumabi siya sa akin at halos napatalon ulit ako sa gulat. Naka-kunot ang noo niya akong tinginan dahil sa reaksyon ko! Get a hold of yourself Zairah Louisse Cortez masyado kang pahalata.

"Ayos ka lang?" he ask still looking at me. Hindi ako makatingin sa kanya, tanging tango lang ang naisagot ko. Ang tapang tapang kong mag-imagine ng mga bagay-bagay na maaaring mangyari pero bakit ganito? kapag mismong nasa harapan mo na ay wala na, wala ka ng maalala at magawa.

"Ibabalik ko na" imunuwestra niya ang pitcher sa fridge. I just simply nodded AGAIN!

So pipi ako kapag siya ang kausap ko ganon. I cleared my throat before taking a glance at him.

Naabutan ko pa siyang umiinom, mula sa adam's apple niya hanggang sa baba pataas at napunta sa labi. Wala sa sarili akong napaiwas ng tingin at ganon na lang kabilis ang tibok ng puso ko. Is it normal? Abnormal na yata ako.

"So anong k-kukunin mong course sa college pagkatapos n-natin ng Senior High?" halos manuyo ang lalamunan ko sa simpleng tanong kong iyon. Huwag kang OA self, kanina pa ko nasesetbwi sayo ha. banta ko sa sarili. Baliw na nga yata talaga ako. Nag-uusap naman talaga kami ni Chester eversince, pero ako lang naman itong ganito mag react kapag magkausap na.

He look at me, agad akong nag-iwas, hindi ko kaya ang mga ganong klaseng tingin. Baka mamaya mamalayan ko na lang ang sarili kong nakaihi na sa short dahil sa sobrang kilig! at ayokong mangyari yun, sobrang nakakahiya.

"I'm taking B.S Psychology" oh! planning to medical school huh?
I once saw him wearing a white gown, Career Guidance sa school namin noon.

"Ikaw?" he ask. I look at him and give my sweetest smile.

"Law" tipid kong sagot. Hindi man lang napansin yung pagpapacute ko hmph.

"Marami-raming libro yan" he said chuckling.

"Yeah, pati rin ikaw" I smiled

Awkward.

Naglakad na ako papunta sa sala. Inayos ko ang paglalakad ko kahit hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin o hindi. I went to a single sofa and open the television, andito din yung tatlo at naglalaro na.

They are playing pillow fight, and accidentally when Crystal about to throw the pillow to Mj mabilis siyang nakaiwas at tumama sakin iyon. I laughed. Ang kukulit nila! that's why I like them being here, nagkakaroon ng sigla itong bahay.

"Lagot ka Crystal, tinamaan mo si Ate Zairah" pangloloko ni Mj sa kapatid. He's 15 years old na at si Crystal naman ay walong taon.

"S-sorry po Ate hindi ko po s-sinasadya" she said and about to cry.

"Huhu ang sakit ng binato mo, nagkabukol oh, tignan mo" pag iinarte ko,kunwari kinakapa kapa ko ang natamaan niyang parte ng ulo ko.

"Halla ka Crystal, kailangang ipa-opera yung ulo ni Ate Zairah, may pera ka bang pampa-opera sa kanya?" suhol naman ng kapatid niya, nagkatinginan kami and I winked at him.

"May pera po ako! magkano po ba ang pampaopera niyo Ate?" mukhang desididong desidido siya, tumawa ako sa kaloob-looban ko. Ang sarap mangloko ng mga bata, lalo pag umiyak na.

"100,000 ang pampa-opera, ilan ba ang pera mo?" tanong sa kanya ng kapatid. Nanlaki ang mata ng kapatid niya.

"20 pesos lang po ang p-pera ko" konti na lang iiyak na siya hahaha!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BreatheWhere stories live. Discover now