Level 0: Prologue

36 3 0
                                    

Estoire, isang virtual reality massively multiplayer online role playing game(VRMMORPG) na gawa ng RealTech, ang pinakamalaking game company sa buong mundo. Pinapangako nitong halos 90% ang magiging "Reality Factor" nito na mas mataas sa 60% ng mga ibang laro na meron ngayon kaya talagang parang "Another World" ang laro. Mayroon ding bagong "Gaming Helmet" na irerelease ang RealTech para gamitin sa Estoire kung saan mind-link ang paraan ng paglalaro kaya makakapaglaro ang mga player kahit tulog.

Merong 12 basic job types na available sa simula na nahahati sa 4 na main classes:

Warrior: Shield Warrior, Paladin, Berserker

Weapon Specialist: Swordsman, Assassin, Ranger

Healer: Cleric, Druid, Oracle

Mage: Elementalist, Summoner, Cursemancer

May unique playstyle and bawat class; warriors ang may pinaka-mataas na hit points(HP) kaya sila ang tank, weapon specialist naman ang may pinaka-mataas na physical damage, healers ang may pinaka-maraming healing at buff/support skills, at mages ang may magic damage.

Bukod sa main job, marami ding "lifestyle" oriented sub-class gaya ng forger, alchemist, merchant, at iba pa.

Bawat character ay pwedeng pumili ng isang main job at walang limit sa dami ng sub-class na pwede mong matutunan.

Maliban pa doon, magkakaroon din sila ng "Personal Attribute," ito ay walang kaugnayan sa pipiliin mong main job. Maaaring ito ay maging simpleng bonus sa status points ng character o di kaya ay isang skill.

Ikaw ang bahala kung paano mo gusto idevelop ang character mo at kung paano mo ieenjoy ang storya mo.

<<Chapter End>>

EstoireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon