Level 3 : Rare Monster

11 1 0
                                    

Akira's POV

Makalipas ang ilang oras ng pag-hunting(grinding) ng mobs naka-abot na sa ako sa level 5 at tumaas na ang iba't-ibang status ko.

<< STATUS >>

Name: Ark
Level: 5
Tier: 0
Job: N/A
Personal Attribute: N/A

HP: 450

Attack Power: 50(+30)
Defense:9
Attack Speed: 25(+5)
Movement Speed: 6

ATTRIBUTE : Strength 20 (+5), Vitality 6 , Agility 20(+5) , Intelligence 6 , Endurance 13(+5)

Free Attribute Points: 0

<<< >>>

Malaki na ang nagbago sa status ko at mas madali ko nang kontrolin ang avatar ko. Nagkaroon din ako ng bagong skills para sa Strength at Endurance attributes.

[
Smash (Tier 0 Lvl. 0)
- Increases Attack Power by 5% for 10 seconds. (Mastery: 0/100)
Cooldown: 20 seconds 

Stone Skin(Tier 0 Lvl. 0)
-Increases HP and defense by 5% for 10 seconds.(Mastery 0/100)
Cooldown: 20 seconds 

]

Bukod sa karagdagang status at skills, madami na din akong napulot na loots. Nakaipon na ako ng 2 bronze coins na katumbas ng 200 copper coins at ilang equipment at materials. Dahil dito ay bago na din ang aking kagamitan.

<<< >>>

EQUIPMENT: 
Iron Sword(Common)
Lvl. 5
Requirement: Str 15
Attack Power +30 , Attack Speed + 5
Durability 50/50

Cloth Shirt (Common)
Lvl. 3
Str +5 , End +2
Durability 30/30

Soft Shorts (Common)
Lvl. 3
End +3
Durability 30/30

Sturdy Shoes (Common)
Lvl. 4
Agi +5
Durability 40/40

<<< >>>

Medyo malayo na ako mula sa bayan at naubos ko na ang 10 tinapay na nakuha ko noong simula, kaya naman naghahanda na ako para bumalik at magbawas ng ilang loots pati na rin upang bumili ng bagong consumables.

Habang naglalakad ako pabalik ay biglang may anino akong napansin sa di kalayuan. Mabilis itong tumatakbo at palapit nang palapit ito sa pwesto ko.  Agad kong binunot ang espada ko at naghanda para sa pakikipaglaban. 

Nang 20-metro na lang ang layo sa akin ng anino ay nakita ko na ang mga katangian nito. Isa itong lobo, maraming mobs sa loob ng gubat at isa na dito ang Level 8 na Brown Wolf. Ngunit habang ang karaniwang Brown Wolf ay mabilis, di hamak na mas mabilis itong lobo na ito. Kung titingnan ng maigi ay kapansin-pansin ang mga guhit na puti na makikita sa katawan nito na hindi matatagpuan sa ibang lobo.

[
Swift Wolf(Rare)
Level 8

HP 1000/1000

Description: A rare mutated brown wolf with increased agility compared to common brown wolves.
]

Isang rare monster! Tulad ng equipments, nahahati din ang mga monster sa iba't-ibang rank. Common, Rare, Unique, Epic, Legendary, at ang Divine monsters. Kumpara sa common rank monsters sa sariling level, mas mataas ang HP ng rare monsters at meron din itong espesyal na characteristic. Sa kalalagayan ng Swift Wolf, pinataas ang agility nito kaya naman mas mahirap itong habulin ng paningin, pinapahirap din nito ang pagharang sa mga atake nito.

Marahil ay napapunta ako sa loob ng teritoryo nito habang nag-grind ng mobs kanina. Mahirap ang magiging laban na ito dahil bukod sa isa itong rare monster, mayroong 3-level gap sa pagitan namin.

Sa paglaki na diperensya ng level, nagkakaroon ng iba't-ibang suppression tulad ng mas mabababang damage. Ngunit sa kabila nito, kung matagumpay mong mapatay ang mga mobs na mas-mataas ang level ay mayroong bonus sa loots at experience na matatanggap.

Nang 10-metro na lang ang pagitan namin ay bigla itong nawala...

< -50 HP >

 Nabawasan bigla ang HP ko, pag-nagpatuloy ito 8 atake lang ay mamamatay na ako.

"Glide!"

"Stone Skin!

"Smash!"

Inaactivate ko ang mga boost skills ko para tumaas ang stats ko. Dahil dito nakikita ko na ang Swift Wolf. 

Matagumpay na naharang ko ang pangalawang atake nito at nakapasok ako ng sarili kong atake. Nabawasan ko ito ng 50 HP, pero kumpara sa 1000 HP nito wala itong masyadong epekto.

Hindi ko kayang i-solo kill ang Swift Wolf na ito, kailangan kong magisip ng paraan para mapabagal ko ito...  

Naalala kong sa bandang paloob ng gubat ay amy nadaanan akong bangin na may matatalim na bato sa ilalim. Kung mapapapunta ko dito at mapapabagsak ang Swift Wolf, may pag-asa akong mapatay ito.

Habang nakaactivate pa ang buff ko ay tumakbo ako papunta sa may bangin habang nakikipag-palitan ng atake sa Swift Wolf. Nang makarating ako dito ay mababa na sa 100 ang HP ko habang mahigit 700 pa ang HP ng Wolf.

Tumalikod ako sa malapit sa gilid ng bangin at nag-antay para sa atake ng Wolf. Isang pagkakataon lang ang meron ako, kung matagumpay kong maiiwasan ang atake ng Wolf ay maaaring mapatay ko ito at kung hindi naman ay ako ang mapapatay nito.

Tapos na ang cooldown ng skills ko at inactivate ko ulit ito para tumaas ang tyansa na magtagumpay ako.

Dumating na ang iniintay kong atake ng Wolf...

 20-metro...

10-metro...

Nang limang metro na lang ang pagitan namin ay tumalon ako papunta sa gilid upang iwasan ang atake nito at nahulog ang Wolf sa bangin.

Tagumpay! Napatay ko ito, 3-segundo na lang ang natitira sa buff state ko...

Teka, napatay ko na ba talaga ito? Bakit wala pang notification ng experience...

Nang tumingin ako sa may bangin ay nakita ko ito, mababa na ang HP ng wolf at nalagay ito sa isang Weakened State.

[
Swift Wolf(Rare)
Level 8

HP 200/1000
Weakened
Enraged

Description: A rare mutated brown wolf with increased agility compared to common brown wolves.
]

Epektibo ang naging plano ko pero hindi ito sapat para mapatay ko ito ng tuluyan. Mababa na din ang HP ko at naka-cooldown pa ang skills ko, mukhang mamamatay ako.

Papalapit na sa akin ang Swift Wolf para patayin ako nang biglang may nagpop-up na damage sa taas ng Wolf.

< -60 HP >

Dahil dito ay napatigil sa pag-atake ang wolf at nagkaroon ako ng tyansa na umatake.

< -60 HP >

< -40 HP >

< -60 HP >

<< You have slain a Rare Monster >>

<< You leveled-up! >> 

<< You leveled-up! >> 

<< Free Attribute Points Available >>

// 50 copper coins, Swift Boots, wolf pelt, wolf bones, wolf meat//

<<Chapter End>>

~ ESTOIRE Chapter 2 ~
~ EIA ~



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EstoireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon