Akira's POV
<< WELCOME TO ESTOIRE >>
~ Starting Town Z-25 ~
Punong-puno ng players ang starting town. Sobrang sikip at halos hindi makagalaw mula sa Resurrection Hall sa dami ng players na lumalabas mula dito. May mga nakatayo lang, may mga nagsasanay pagalawin ang avatar nila, merong mga naghahanap ng kasama para maglevel-up. Kahit sa labas ng bayan ay masyadong madami ding tao na sinusubukang magpataas ng level.
Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakalabas ng Resurrection Hall, sinubukan kong humanap muna ng lugar na hindi masyado matao at tiningnan ang aking Status Window.
<< STATUS >>
Title: Noob
Name: Ark
Level: 0
Tier: 0
Job: N/A
Personal Attribute: N/AHP: 100
Physical Attack Power: 4
Defense:2
Attack Speed: 2
Movement Speed: 1ATTRIBUTE : Strength 1(+1) , Vitality 1 , Agility 1(+1) , Intelligence 1 , Endurance 2(+2)
Free Attribute Points: 4
WEAPON MASTERY: N/A
Free Mastery Points: 0JOB TALENT: N/A
SKILLS:
Inspect (Tier 0 Lvl. 0)
- Shows basic information about things. (Mastery: 0/10)EQUIPMENT:
Beginner Shirt (Common)
Lvl. 0
Str +1 , End +1
Durability 10/10Beginner Shorts (Common)
Lvl. 0
End +1
Durability 10/10Beginner Shoes (Common)
Lvl. 0
Agi +1
Durability 10/10<<< >>>
Sa loob ng inventory ko ay merong 10 tinapay at 10 tubig, nagpupuno ng +10 HP ang bawat tinapay at +10 Mana ang bawat tubig. Meron ding 10 bronze coins na laman ang aking inventory, nahahati ang pera sa laro sa copper, bronze, silver, gold, purple gold, at diamond. Ang isang bronze coin ay katumbas ng 100 copper coins,1 silver coin para sa 100 bronze coins ,1 gold coin para sa 100 silver coins, 1 purple gold coin para sa 100 gold coins, at isang diamond coin para sa 100 purple gold coins.
Magkakatulad lahat ng Character Status ng mga players sa simula, ang magkakaiba lang ay paano nila ilalagay ang free attribute points nila. Dinadagdagan ng Strength ang physical damage at bigat ng bawat atake, Agility naman ang nagpapataas sa movement speed at attack speed, Endurance ang nagdadagdag ng defence, HP, at stamina ng character, Intelligence ang basehan ng magic damage at mana, habang ang Vitality naman ang nagpapataas ng pagbalik ng HP at mana kapag nababawasan ito.
Depende sa job ng character mo ay merong pinagtutuunan ng pansin na attribute, Strength at Endurance para sa warriors, Strength at Agility sa weapon specialists, Intelligence at Endurance sa Healers, at Intelligence at Agility sa mages.
Bawat dagdag sa level ng Tier 0 characters ay magkakaroon ka ng 4 na libreng attribute point na pwede mong ilagay sa gusto mong attribute. Sa pagtaas ng tier at pag-gawa ng ibang quest ay dadami ang mga free attribute points na pwede mong makuha bawat level.
Level 10 mo pa mapipili ang job na gusto mo, kasama nito ay magkakaron ka ng bonus attribute base sa job ng character mo. Ang level 0-10 ay parang tutorial period ng laro para masanay ka sa pagkontrol ng avatar mo. Pagdating ng level 20 ay mabubuksan naman ang iyong "Personal Attribute". Random ang makukuhang PA ng bawat manlalaro at isa lang ito bawat account.
Inilagay ko lahat ng free points ko sa Agility, dahil mas maigi ang mabilis kesa sa malakas. Bukod dito dahil sa bonus ng Agility mas madali din akong makakatakbo kung sakaling hindi ko kaya ang kalaban.
<< STATUS >>
Physical Attack Power: 4
Defense:2
Attack Speed: 6
Movement Speed: 2ATTRIBUTE : Strength 1(+1) , Vitality 1 , Agility 5(+1) , Intelligence 1 , Endurance 2(+2)
Free Attribute Points: 0
<<< >>>
Naramdaman ko na gumaan ang aking katawan, at mas madali na akong nakakagalaw. Mukhang bukod sa movement speed at attack speed, nakakatulong din ang mataas na agility para mas madali kong makontrol ang avatar ko.
[ Black Axe would like to connect, Accept/Decline ]
Si Seth, sinabi ko na sa kanya ang gagamitin kong ID para mai-add nya ko pagpasok namin sa laro.
"Accept..."
"Buti naman nakapasok ka na, saang starting town ka napunta?" tanong niya saken.
"Kakapasok ko pa lang halos, masyadong madaming tao kaya nahirapan akong lumabas sa Reincarnation Hall, nasa Z-25 ako..."
"Z-25? Nasa A-10 ako, medyo malayo pero kaya naman siguro, sandali lang puntahan na kita dyan..."
"Wag na, malayo masyado kaya ok lang, unahin mo na muna ang paglevel-up at saka na tayo magkita pag nakaalis na tayo sa starting town natin..."
Pagkasabi non ay pinatay ko na ang tawag...
~ Forest outside town ~
Dahil masyadong madaming tao ang naglelevel-up sa labas ng bayan, medyo natagalan bago ako makahanap ng monsters(mobs).
[
Slime (Common)
Level : 0HP: 20/20
]Slime, ang pinaka-pangkaraniwang mob na makikita sa lahat ng laro. Bago umalis ng bayan ay bumili ako ng sandata para magamit sa paghunting ko.
[
Small Knife(Common)
Requirement: Strength 1
+ 2 Physical Damage, + 1 Attack Speed
]Dahan-dahan kong nilapitan ang slime at isinaksak ko ang kutsilyo ko dito.
< -12 HP >
Critical strike, tagumpay ang unang atake ko. Dahil dito naalerto ang slime at tumalon ito sa akin. sinubukan kong iwasan ito pero sumabit sa akin ng bahagya ang atake nito kaya nabawasan ng konti ang HP ko. Bago pa ito maka-atake ulit ay dali-dali ko ulit itong sinaksak at bumagsak sa 0 ang HP nito. Pinulot ko ang loot na nakuha ko mula dito.
// 2 Copper coins, Broken slime core //
<< You leveled-up! >>
<< Free Attribute Points Available >>Inilagay ko lang ulit lahat ng nakuha kong attribute points sa Agility dahil nakita ko na epektibo ito, kaya naman umabot na sa 10 ang points ng Agility ko.
<< Agility has reached 10 points, skill "Glide" unlocked >>
[
Glide(Tier 0 Lvl. 0)
- Increases Movement speed and Attack speed by 5% for 10 seconds. (Mastery: 0/100)
]Nagkaroon ako ng bagong skill, mukhang pag may naabot na ka na dami ng points sa isang attribute ay magkakaroon ka ng skill batay sa attribute na iyon.
Ilang oras din ang inubos ko sa paghahanap at paglaban sa mga mobs sa gubat, habang naglalakad ay nakakakita din ako ng mga halaman na magagamit sa paggawa ng potions at pwedeng ibenta sa bayan.
<<Chapter End>>
~ ESTOIRE Chapter 2 ~
~ EIA ~
BINABASA MO ANG
Estoire
Science Fiction"Estoire: Write Your Own Story" Estoire a world where you can be whatever you want to be, dive into the unique game world and be you... Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the...