1

7 0 0
                                    

"Nakakaasar 'yon akala mo ang gwapo. Bakit kasi sinabi pa ni Acee na crush ko si Kaizen, eh. Feel na feel tuloy ngayon." Habang nagsasalita ay panay ang pag pitas ni Willy sa dahon ng santan.

Nakaupo kami sa bench na nasa harap ng building. Nagsusulat ako ng lesson kanina na hindi naisulat ni Willy, dahil sa kakadaldal nila kay Acee.

"Eh sinabi ko lang naman na may gwapo pala sa mga bago natin classmates bukod kay Van. Hindi ko naman sinabi na crush ko kaagad."

"Mas maguguatuhan ko pa si Van kaysa doon sa mayabang na 'yon!"

Tuloy tuloy na daldal niya. Hinahayaan ko lang dahil sa huli. Kapag nakita na naman niya si Kaizen, ay malamang tatahimik na naman 'to at animo'y kinikilig. Kunwari pa kasing wala talagang gusto kay Kaizen. Eh sobrang halata naman. At kapag tinutukso sila ay kinikilig naman talaga siya.

"Hala! Lux nandiyan na sila. Baka uupo yan sa tabi natin!" Kinuha niya kaagad ang ballpen at notebook ko na nasa banda niya. Kunwaring nagsusulat.

May naglalakad palapit sa amin akong nararamdaman. At nalaman ko nga kung sino ang mga iyon ng may nagsalita.

"Hi, Wilfremin Rose.." si Kaizen na may magandang ngiti, lumabas pa ang dimple sa kaliwa niyang pisngi. Ngunit namumula ang mukha at tenga. Nahihiya ba siya?

"Ano'ng kailangan mo Keith Jazen?" Pataray kunwaring tanong ni Wil. Akala mo totoo ah? Mapagpanggap!

Nilipat ko ang tingin ko sa kasamahan ni Kaizen. Si Giovanni Red!

Nakatingin siya sa kabilang bench parang ayaw makinig sa magiging usapan ng dalawa. Ngayong hindi niya kita na nakatingin ako sa kanya. Hindi na din ako interesado sa usapan sa paligid namin.

Nakapirmi ang mata ko sa mukha niya. Sa kilay na mas maayos pa sa akin, singkit niyang mga mata, matangos na ilong, saktong kapal ng mapupula niyang labi at maging ang hiwa sa kaniyang baba. Ang gwapo!

Hawak pa ang ballpen ay napasalo na ako sa baba ko. Nakatukod ang siko sa lamesa habang ang mata ay na sa kaniya pa din.

Ngunit halos mabilaukan ako sa sarili kong laway ng bigla ay lumingon siya sa akin.

"Wil ano? Tara na? Gutom na ako bili na tayo ng makakain." pasimple kong tanong sa kaibigan ko, kunwari ay hindi apektado na nahuli ako ni
Van na nakatitig sa kaniya. Nakakahiya!

"Van, tol! Samahan mo na si Lux bumili ng makakakain, gutom ka na din 'di ba?" si Kaizen na nagpapalit palit ang tingin sa akin at sa kaibigan niya.

"Sige na Lux sumabay ka na kay Giovanni. Pagbalik niyo at saka kami bibili ng sa amin. May paguusapan lang kami Kaizen." Pataray niya pang sinabi iyong huling parte.

Napasimangot ako sa kaniya. Talaga ba? "Bakit hindi na lang tayo ang magsabay? Sila na lang ni Kaizen at Van?" inis kong sinabi sa kanilang dalawa.

"May pag uusapan nga kasi kami ni Kai. Kaya umuna na kayo ni Van. Sumabay ka na sa kanya ng makabili ka kaagad. Humahawi ang mga tao pag dumadaan yan!" Humalakhak pa silang sabay ni Kaizen, na nakaupo na sa tabi niya. Nagkatinginan sila at sabay namula ang muka. Mga pabebe.

"Sasabay ka ba?" si Van. Grabe! Ang angas ng boses niya. Napatingin ako sa kaniya at tumango.

Sabay kaming naglakad palayo sa bench at papunta na sa canteen. Punong puno ang canteen dahil sabay ang break time ng first year at kaming mga third year. Second year at Fourth year naman ang sabay.

"Uy si Van!"

"Sino yang kasabay niya?"

"Baka girlfriend niya, Pre!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon