C-1

14 1 2
                                    

Everything hurts, as if my body is currently tormented by the unknown in the 18th floor of hell. Iyong tipong torture na kahit gusto mo nang mamatay, hindi mo magawa.

The surroundings were pitch black, na kahit kamay ko ay hindi ko makita. Ang paligid ay may katamtamang temperatura, ngunit hindi ko rin magawang maging masaya dahil ang init ay nasa loob ko. Parang sinusunog ang laman ko, dinudurog ang mga buto ko, at pinipiga ang katawan ko. Maging ang pag-hinga ko ay napakasakit. Hindi ko rin magawang sumigaw dahil parang pinupunit ang lalamunan ko.

I was about to faint and be unconscious pero may biglang liwanag na bumalot sakin at maging sa buong kapaligiran. The light was warm like a blanket. Bago ko maipikit ay may nasilayan akong bulto ng tao sa hindi kalayuan. Ngunit hindi ko na ito inintindi dahil hindi ko na talaga kaya. Ang gusto ko lang ay mamahinga, at makatulog ng payapa.

I hope it is the end...

*****

"Ma'am and Sir, I hope you decide sooner. Kasi if it was too late, even God can't treat him. Time is short. Sorry for pressuring you two pero sana po after one hour, you can give me your decisions. I'll excuse myself," sabi ng doctor at saka umalis.

Makalipas ng ilang minuto, binasag ng isang babae ang katahimikan.

"Andrew, kailangan ni Zen maoeperahan. The tumor is as big as the regular kiwi na. Sa tingin mo mabubuhay pa siya kapag pinabayaan natin?" sabi ng babae.

"Okay, Grace. Pero hati tayo sa hospital bill," sumbat naman ng lalake.

"What? Anak mo 'yan, Andrew," sambit ng babae.

"At anak mo rin siya, Grace. 'Wag mong ibigay sa akin ang lahat ng responsibilities," diin na sabi naman ng lalake. "I know na we have families of our own na pero don't forget na anak pa rin natin si Zen," dagdag niya.

Dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko dahil sa ingay na naririnig ko. It was so bright kaya nag-adjust muna ang mata ko sa liwanag. Mga ilang segundo pagkatapos kong isanay ang mga mata ko ay kita ko ang ceiling. White ang kulay nito at may mga fluorescent light.

Hospital?

Ililibot ko sana ang mata ko ngunit hindi ko maigalaw ang ulo ko. At kita ko naman ang tubo na nakadikit sa bibig ko ang pumipigil sakin. Pero sapat na 'yon para mapansin ng dalawang tao na nasa kwarto ang paggising ko.

"Zen, gising ka na? Ayos lang ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" tanong ng babae.

Tatango na sana ako ngunit biglang sumakit ang ulo ko. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang utak ko.

Napansin naman ito ng babae at biglang lumingon sa lalake at sumigaw.

"Call the doctor, Andrew! Dali!" sigaw niya. Halatang nagpapanic na rin ito dahil sa nangyayari. Agad din namang tumakbo palabas ng kwarto si Andrew at tinawag ako doktor.

My head! It hurts so much!

Memories floods in my head. Memories ng isang binatilyo na si Zen. Mula pagkabata hanggang sa naging binata siya at nang magkaroon ng brain tumor. Hindi ko magawang makaiyak pa sa sakit at nawalan na ng malay.

*****

Ilang linggo na rin magmula nang madischarged ako sa hospital. Dito muna ako magpapahinga sa bahay ng Tita ko, no, I mean Tita ni Zen na kapatid ng nanay niya. Fuck! Sobrang confusing talaga. Andito ako sa dating kwarto ni Zen, nakahiga, nakatunganga, at nakatingin sa kisame.

Alam ko na na wala na ako sa katawan ko. I am currently residing sa katawan ng isang seventeen years old na binatilyo na si Zen Martinez.

Iyong huling pagsakit ng ulo ko habang nasa hospital ako is maybe the result of the memories of Zen merging with mine. Kaya ganoon kasakit. At siguro bago ako mapunta sa katawan na ito ay di na nakayanan ni Zen ang lungkot, sakit, at pighati kaya humiwalay na siya sa katawan niya.

De NovoWhere stories live. Discover now