C-3

1 0 0
                                    

Nakatayo ako sa harap ng salamin, sinisiyasat ang repleksyon ko at suot ang regular uniform ng school na papasukan ko.

There are two types of uniform, the regular and P.E.

Ang regular ay ang long sleeves na white na pinatungan ng maroon vest na may logo ng school sa upper left side nito. Ang lower parts ay black slacks na may maroon linings sa gilid. Sinusuot ito kapag Monday, Tuesday, Thursday, and Friday.

Ang P.E, naman ay ang maroon shirt na may logo ng school sa harap at surname sa likod, Martinez. Ang jogging pants naman ay maroon din pero ang initials ng school ang naka-engraved sa right side at may pocket sa both side. Ito naman ay sinusuot kapag Wednesday.

Kinuha ko ang black shoulder bag ko na medyo malaki. Nakita ko ito sa taas na part ng cabinet at mukhang hindi pa nagagamit ni Zen. Ito ang ginawa kong school bag dahil hindi ko gusto ang bagpack. Laman nito ang mga notebooks ko and pens, perfume, power bank, at syempre earphones. Nagdala din ako ng novel na binili namin ni Tita para basahin kapag walang ginagawa. Sci-Fi ang genre at sa tingin ko naman ay maganda. Nagpabango muna ako bago lumabas ng kwarto.

Bumaba na ako at naghintay sa labas. Nakakain na ako kanina bago ako naligo. Hinihintay ko na lang si Tita na matapos magbihis.

Binuksan ni Ate Karen ang gate. Si Ate Karen ang nag-iisang kasambahay ni Tita.

Lumabas naman mula sa loob ang kotse ni Tita. Ngumiti muna ako at nagbabye kay Ate Karen bago pumasok sa kotse.

Habang bumabyahe, kinuha ko ang earphones at saka nagpatugtog. Tanaw ko ang mga bahay-bahay na nalalagpasan namin.

Believe it or not, pero I'm a little bit nervous. Syempre, I'm not that socially active kaya baka mahirapan ako. Pero alam kong kakayanin ko. Para sa akin, at para na rin kay Zen.

Nang makarating kami sa school ay magpaalam na ako kay Tita.

"I'm going na, Tita," paalam ko saka humalik sa pisngi niya.

"Okay, galingan mo ha? I hope may makilala kang tao who will become your friend, eventually. So, see you later," paalam niya din bago humalik sa pisngi ko.

Suot-suot ang earphones at bumaba ako sa kotse at kumaway muna kay Tita bago isinara.

May trabaho din ngayon si Tita, which is sa restaurant niya. Hinatid na niya ako dahil nasa way lang din naman ang school papuntang restaurant niya.

Hinintay ko munang makaalis at mawala sa paningin ko ang kotse ni Tita before walking towards the school.

While walking, kita ko ang mga tingin at sulyap nila sakin. Pakiramdam ko, pumupunta ako sa lungga ng mga predators at hinihintay na lapain.

Hindi ko na ito pinansin at baka mas kabahan pa ako lalo. Inilabas ko naman ang schedule ko at tinignan kung anong section at room number ako. 10-1, room 202, Building VII. So, I headed on that building at tinignan ang mga room numbers.

Nang makita na wala ito sa first floor, dumiretso naman ako sa second floor at doon ko nga nakita ang room ko na nasa dulong bahagi ng corridor.

Pagkapasok ko, dumiretso agad ako sa likurang bahagi. Buti na lang din at bakante pa itong upuan katabi ng bintana. Ibinaba ko ang bag ko saka umupo.

Ramdam ko pa rin ang pag-titig nila kaya inisa-isa ko silang tinitigan. Hindi rin naman nila matagalan kaya sila na lang din ang umiwas. Itinuon ko na lang ang attention ko sa kantang pinakikinggan ko. Ramdam kong may umupo sa tabi pero hindi ko na pinansin pa.

Ilang minuto bago mag alas-otso ay dumating na ang adviser namin. Sa tingin ko ay nasa mid-30s na ang age niya. Lalaki ang teacher namin, halatang mapag-biro at jolly naman kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. Tinanggal ko naman ang earphones ko at nilagay sa bag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

De NovoWhere stories live. Discover now