12

8 0 0
                                    

Faye Dizon
01-10-20 3:45 pm

Mamang, san ka daw?

Bakit?

Inom daw tayo

Ha?
Anong meron?

Wala lang
Nag-akit si Sera e
So nasan ka?

Nasa building pa

Out mo na ba?

Oo, malapit na mag-alas kwatro e

Antayin ka namin sa lib
Doon na lang daw tayo magkikita-kita

Okay
Uuwi pa ba kayo?

Hindi na
Pero may dala kaming damit, sa apartment mo na lang kami magbibihis

Handang-handa kayo a!

Well of course
Kami pa ba
HAHAHAHAHA

Planadong planado pati HAHAHAHA

Kahapon pa namin pinag-usapan

E bakit di ako nasabihan agad?

Kasi busy ka kay Scott

James o!

Char pero totoo naman kasi

Don't tell me nagseselos kayo kay Scott?

Luh? Feelingera amp!
Ganda ka?

Oo HAHAHAHAH

Hindi naman
Nagugulat lang siguro kami kasi ang strange na makita kayong magkasama

Hindi naman kasi kami ganon kaclose
Nagkataon lang na he needs help

So pretend girlfriend ka lang?

Hindi ako magsasalita ukol dito

Gaga ka talaga
Pano kung mahulog ka don sa tao?
Jowable pa man din yon

Kung mahulog, edi mahulog

Pano kung di ka saluhin?

Edi hindi
It's my choice to fall for him kaya wala akong pagsisisi

Kaya ako'y sayo e
Napakapositive ni mamang

Ewan ko sayo
Nasan na kayo?

Nasa lib pa rin
Inaantay pa si Madam Ali

Bakit?
E mas malapit building nila sa lib a

E si Harold kasi

Buhay pa pala yon?!

Unfortunately HAHAHAHAHAHA

QAQA
Anong meron sa ungas na yon?

Nakikipagbalikan kay Ali
E ayaw na nung isa, edi naghahabol si tanga
Ayon kinausap na ni Ali ng masinsinan kasi nga jusko, napakakulit

Kung hindi ba naman siya isa't kalahating gago edi sana sila pa ni Ali

Totoo
Madadaanan mo si Ali otw
Hilahin mo na bago pa maging marupok ulit si Ali

Okay
I'll be there in a bit

Sa lib ha?
Baka makasalubong mo si Scott, mag-iba ka ng way
Ikaw hahambalusin ko

HAHAHAHAHAHA

Seen 4:01 pm

Hello, GirlfriendWhere stories live. Discover now