JANELLA's POV
"Daniel Mahal Kita higit pa sa akala mo" sabi ko kay Daniel habang yakap ko siya
"Mahal din naman kita bes eh higit pa sa kaibigan" tumalon yung puso nung sinabi nya yan ng biglang
"Bes! Gising na uy!" nagising ako dahil ginising ako ni Daniel.pfft -.- Oo panaginip lang yun :( haaay.Sana naman maging totoo yun.Pero sino nga ba ako?? ako lang naman si Janella Ramirez nag-iisang tagapag-mana ng Ramirez Corp. at isang simpleng estudyante sa Ramirez-Enriquez Academy.At siya lang naman ang bestfriend ko na nag-iisang anak ng mga Enriquez at gwapo,hearthrob sa school namin at hinahabol ng mga babae.
Sabado ngayon pero iwan ko ba kung bakit ang aga-aga nitong si Daniel pumunta samin at nakaporma pa.Alam nyo ba kung ano suot nya?? Red Jeans,black shirt at leather shoes lang naman :3 pssh -.- .Pero magkatabi lang naman bahay namin eh at tsaka magkaibigan mga parents namin at partners sa bussiness.
"Eeesh ayaw ko pa gumising" reklamo ko sa kanya at kiniliti nya naman ako sa tagiliran.
"Ano b-ba b-bes ahahaha ano ba ahahaha t-tumigil ka na nga ahaha ano ba uy" sabi ko habang kinikiliti nya ako.haha putcha."Bumangon kana kasi bes"
"Ayoko nga,sabado naman ngayon eh at tsaka wala naman akong lakad" sabi ko at umupo naman siya sa kama ko
"Anong wala?? pupunta kaya tayo sa mall kasi sasamahan mo akong bumili ng dress para kay Raechell" pssh ay Oo nga pala -.- pero dahil nagseselos ako sa babaeng yun hindi ako sasama sa pagbili ng dress nya.Ano siya sinsewerte ?? at ako pa talaga pipili ng dress nya ?? no way :3 kung tinatanong nyo kung bakit ako nagseselos sa kanya dahil lang naman sa Mahal ko yung bestfriend ko higit pa sa kaibigan pero siya mahal ng bestfriend ko -.- Oo kaya nga BestFriendZone diba? Iwan ko ba hindi naman talaga sinabi sakin ni Daniel na mahal nya si Raechell eh pero bakit nya bibilhan ng dress?? ewan :3
"Tss ayoko ngang sumama,pagod ako at tsaka mahal fee ko " sabi ko sa kanya
"Talaga lang ha??" at akmang kikilitiin nya naman ako kaya napatayo ako ng di oras
"Oo na sasamahan na kita psssh -_-" at ngumiti naman siya
"Ang bait talaga ng bestfriend ko :) kaya kita mahal eh"
"Pero bilang kaibigan lang" bulong ko
"Ano?" tanong nya
"Sabi ko maliligo na ako" at pumunta na ako sa cr..Pagkatapos kong maligo lalabas na sana ako ng nakalimutan kong dalhin yung towel na nasa drawer na lalagyanan ng mga towel.Kaya sumilip ako sa labas ng cr at nakita ko si Daniel.
"Pssst bes"
"Oh? ano tapos kana??" tanong nya
"Oo ,pero pakikuha muna yung towel" sabi ko at inabot nya naman sakin yung towel at nagbihis na ako.Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako ng cr at nakita ko si Daniel nakahiga sa kama ko.Tss sabi nya magmamall kami pero ba't siya natulog?? :3 at hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.Ang haba ng eyelashes nya,yung ilong nya its perfectly pointed and his lips its so red.Siya na yun eh yung lalaking pinapangarap ko pero may mahal siyang iba at hindi ako yun kaya hanggang pangarap ko nalang siya.
"Bes, staring is rude" sabi nya at bigla nyang minulat yung mata nya.Hala gising pala kaya iniwas ko naman tingin ko sa kanya
"tsss gising ka pala eh"
"Oo gising na gising at kanina ka pa ngang nakatitig sakin eh"
"Uy feeler ka tara na nga" sabi ko at binato ko siya ng unan tsaka lumabas ng kwarto.Bumaba muna ako para kumain.Kakain ako nuh ayoko kumain dun sa mall.
"Bes bilisan mo kumain jan" sigaw ni Daniel habang nanunuod ng tv sa sala at ako naman nasa dining table.
"Tapos na ako tara na" sabi ko at tumayo naman siya at naglakad na kami patungong sasakyan nya.At nagdrive na.
Pagdating namin sa mall gumala lang kami tapos naglaro sa Tom's World at pagkatapos kumain ng lunch at gumala ulit hanggang 7:30 p.m. na at bumili na kami ng dress para kay Raechell.9:00 na at pumunta kami sa park sa labas ng Village namin.Walang tao dito at kung meron man siguro bilang lang.
"Haaay ang saya ng araw na to" sabi nya habang umupo sa bench dito sa park.
"Oo nga eh" sabi ko at biglang nag-ring yung phone nya at sinagot nya naman agad.
"Hello Raechell?? Ha?? Oo sige pupunta na ako diyan ka lang ah" sabi nya sa kabilang linya
"Ahh bes kailangan ako ni Raechell ngayon,ahh aalis na ako" di mapakali nyang sabi at hinawakan ko siya sa kamay
"Bes wag mo muna akong iwan,kahit ngayon lang" sabi ko sa kanya
"Bes sorry kailangan nya talaga ako ngayon,hindi ko mapapatawad sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya"
"Please b-bes *sobs* kahit ngayon lang *sobs* please bes wag mo akong iwan *sobs*" naiiyak na sabi ko sa kanya
"Sorry bes" sabi nya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay nya at umalis nya
"Bes....I love you" bulong ko habang naiiyak.
DANIEL's POV
Papunta ako ngayon sa bahay nina Janella para bumawi sa kanya kahapon kasi iniwan ko siya dun sa park na mag-isa.
Pumasok na ako sa bahay nila ng nakita kong umiiyak si Tito at Tita papunta sakin
"Ano pong nangyari sa inyo" tanong ko sa kanila
"S-she's gone w-wala na siya a-ng nag-iisang a-anak n-namin" iyak na sabi ni Tita
"Our P-princess she's gone" sabi ni tito habang umiiyak
"Huh??" naguguluhan kong tanong
"Narape si Janella kagabi habang pa-uwi dito sa bahay at pagkatapos pinatay siya" naiiyak na sabi ni Tito at binigay phone ni Janella sakin.at pagkatapos umalis na sila .
Huh?? naguguluhan parin ako sa pangyayari.Anong ibig-sabihin nilang wala na si Janella?? Anong narape?? hindi h-hindi siya narape at h-hindi siya namatay h-hindi.Naiiyak na ako at unti unting tumulo yung luha ko.tiningnan ko yung phone ni Janella.
Nagtext pala siya sakin ka-g-gabi??
[Bes :( wag mo akong iwan mag-isa dito]
[Bes bumalik ka dito please,hatid mo ako natatakot ako umuwi mag-isa]
[Bes tulungan mo ako may sumusunod saking limang lalaki]
[Bes bilisan mo please]
[Bes bahala na to kung ano man mangyari sakin.Mahal na Mahal kita bes higit pa sa akala mo.Mahal na Mahal kita.Paalam]At umiyak na talaga ako.
Kasalanan ko to!! Kung hindi ko sana siya iniwan kagabi at sumama kay Raechell para uminom buhay pa sana s-siya ngayon!!! Ako nalang sana namatay!! kasalanan ko to!! hindi ko mapapatawad sarili ko!!Sana nandito pa sana ang taong mahal ko ang taong nagpabago sakin!! Mahal din kita bes hindi bilang kaibigan kung hindi higit pa dun!!! huhuhu T_T sana nandito pa sana siya huhu!! Im so stupid!!! Bes Mahal na Mahal din Kita ,sorry kung kasalanan ko kung bakit ka namatay.Sorrry,mahal na mahal kita T_T :(
-----------------
A/N : Sana naman nag-enjoy kayo kahit hindi maganda :( Karanasan kasi yan ni Author eh pero hindi siya narape tsaka napatay :3 sige sa susunod na UD ulit ^_^ salamat sa mga bumasa :* lablatsss ♥♡♥