ONE:Welcome Home! Back to Baguio

72 2 0
                                    

Pinaikot ni Jared ang paningin sa mga nagsidatingang pasahero ng kalalapag lamang na eroplano. Halos isang oras ding siyang naghihintay sa arrival area ng Terminal 1. Ayon kay Amanda ay alas-kuwatro ng hapon ang lapag ng eroplanong sinakyan. Minabuti niyang mas maagang nasa terminal kaysa ang dalaga ang maghihintay sa kanya. Natipalok ang isang may katandaang babae nang matapat sa kanya kaya agad niya itong tinulungan. At nang hindi pa niya naicocompose ang sarili ay narinig niya ang tinig ni Amanda.

   "Jared!"

   Wala sa loob na sinalubong siya ng dalaga at niyakap ng mahigpit. Kulang na lang ay halikan siya ni Amanda sa tuwa. Actually they usually kiss just to send away their unwanted suitors and admirers in Manhattan.

   "Welcome back home Amanda! I missed you!"

   " I missed you too Jared! It was so hard for me to live without you." Nakangiting saad ni Amanda.

   Tumaas ang kilay ni Jared. " Alam ko na iyan. No need to reiterate."

   " Hi there uncle Jared!"

   Isang batang lalaki mula sa likod ni Amanda ang bumati sa binata.

  " Hi yourself, kiddo! How's the flight?"  Lumuhod ang lalaki upang magpantay sila ng batang paslit.

   Kumibot-kibot ang labi ng bata. " It's kinda exciting when the plane takes off but I don't like the feeling when the airplane landed. I felt like throwing up!" kuwento ng bata na umasim ang mukha. "My butt hurts!"

   Ginulo ni Jared ang buhok ng bata. "Then you have to brace your butt for another five to six hours travel by car."

   Nalukot ang guwapong mukha ng bata. Bata pa lang ito ay kinakitaan na ito ng hitsurang kagigiliwan ng kahit sinuman. " I ain't gonna sit. I'll sit upside down or lie down."

   Natawa ang lalaki at natutuwa sa bata. "You've grown so well, Coby. How have I missed a year without you?"

   "That's your loss uncle Jared".

   "Mag-uusap na lang ba kayo jan? I want to eat something." Putol ni Amanda sa huntahan ng dalawang lalaki.

   Si Coby ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Isa man itong resulta ng masamang pangyayari sa buhay niya pero ang anak niya ang kanyang buhay. Hindi niya lubos maisip na naitaguyod niya ang isang batang lalaki sa batang edad na disinuwebe. She was nineteen when she gave birth to Coby. She thought of aborting him but just for a second. Mas nanaig sa kanya ang busilak na puso ng isang ina. She became a loving mother once Coby was in her womb.

   At sa pagpapalaki sa bata ay kasama niya si Jared. Laking pasalamat niya sa Diyos na nakilala niya ito sa eskwelahang pinapasukan. Nagkataong kaklase niya ito sa karamihang subjects dahil pareho sila ng kursong kinukuha pero nauna ito ng isang taon sa kanya. Magmula nang araw na magkakilala sila ay naging parte ito ng buhay niya. Nariyang gawin niya itong babysitter habang pumapasok siya sa kanyang part-time job at nang mag-ojt siya. Naunang nagtapos ang lalaki at nagpart-time sa isang kompanyang pagmamay-ari ng kaibigan ng ama nito. Mayaman ang pamilya ni Jared pero  pinalaki silang dapat pinagsisikapin ang gustong marating sa buhay. Pagkatapos ng pagtatrabaho sa Manhattan ay umuwi ito upang itake over ang kompanya ng pamilya nito.

   "Hey! Can you share a piece of your mind?"

   " I just can't believe I am back." Saad niya habang pinapanood ang anak na naglalaro sa play place ng Mcdonalds kung saan sila kumain dahil iyon ang request ng anak kay Jared.

   " But you're here and with your son. So, I guess you have to face your life here."

   "Tama ka. Anyway, iyon din naman ang gusto ko in the first place." Kahit gusto niyang umuwi noon pa ay pinigilan niya ang sarili. It's for her own good and her son's.

THAT SEVEN YEARS AGO: Trent & Amanda (by Adys Alcon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon