THREE: Ang Unang Pagkikita sa Pangalawang Pagkakataon

26 3 0
                                    

Unang araw sa trabaho ni Amanda ngayon. Sinipat niya ang sarili sa whole body mirror sa kuwarto niya. Bagay sa kanya ang black suit, ang red maroon collar ay ethnically weaved. Ang panloob niyang blusa ay kulay light red. Ang pang-ibaba niyang kasuotan ay isang knee-high skirt. Mayroon din siyang slacks at ang pares ay isang long sleeved blouse light pastel maroon na pinaresan ng bulaklaking scarf na beige ang namumurong kulay. Ang slacks at long-sleeved blouse na uniporme ay para lamang sa araw ng Tuesday at Thursday, ang suit and skirt ay para sa araw ng Lunes at Miyerkules. Ang Biyernes ay free day, pero dapat daw, pormal na kasuotan. Hindi siya nagmumukhang petite nang isuot ang high-heeled black shoes. She liked it. Pinangarap niyang maging matangkad pero taliwas sa kagustuhan niya ang kanyang height. She is just five flat in height. Kaya lagi niyang kinaiinggitan noon si Charlene na biniyayaan ng tangkad at magandang hugis ng katawan. Napabuntong-hininga siya. Biglang sumagi sa isip ang dating kaibigan at hindi niya mapigilan na tanungin ang sarili kung kumusta na kaya ito.

Minabuti niyang lumabas na ng kuwarto at gumayak patungong trabaho. Kailangang maaga siya dahil unang araw niya. At ayon sa briefing sa kanya dalawang araw ang nakakalipas ay buong linggo ang orientation niya kasama ang iba pang mga natanggap na empleyado.

Narinig niyang nagpalakpakan si Jasmine at Coby paglabas niya. Natawa na lamang siya sa reaksiyon ng mga ito.

"Ate, you look beautiful and fabulous!" hangang-hanga sa kanya ang disi-otso taong gulang na kapatid. Ito muna ang titingin sa anak niya habang nasa trabaho siya. Bakasyon nito sa eskwela kaya naman nagboluntaryo ito. nagpasalamat siya na buwan ng Abril siya natanggap sa trabaho dahil may titingin sa anak niya at hindi naputol ang pag-aaral ng anak sa kindergarten. Sa susunod na pasukan ay grade one na ito. Balak niyang ipasok ang anak sa John Hay Elementary School na malapit din lang sa bahay nila. Bagong tayong paaralan iyon na isang proyekto daw ng Camp John Hay Management Corporation.

" Mom, you really look great! Really!" puno din ng paghanga ang anak. Kung meron man siyang number one fan, si Coby na iyon.

"You really think so kiddo?"

"Of course! so better keep away from men at work".

Lalo siyang natawa. Normal na iyon na usapan nila ng anak kapag pinupuri siya. Her son is far way matured than his age. O dahil napalaki niyang mulat ito sa paligid na puro matured adult ang nakakasalamuha? Ayaw niyang palitan ang ganoong pag-iisip ng anak pero gusto niyang lumaki ito na mas nakakasamang kapwa bata.

"You don't want mom to find a man to love eh?"

Kumunot ang noo ni Coby at kumibot-kibot ang maliit na labi. Pinagsalikop pa nito ang dalawang braso. "It ain't a big deal to me but surely whoever that man is doesn't deserve you."

Ginulo ni Jasmine ang buhok ng pamangkin. " Coby, you're so talkative. Why don't you give your mom a kiss 'cause she has to get out of this house and work?"

Itinaas ni Coby ang dalawang braso at tinungo ang kinatatayuan ni Amanda.

"Do your best at work mom and I'll see you later. Bye!"

Niyakap siya at hinalikan sa pisngi. She almost cried but held it.

" You bet, my son! Mom always does great!" She composed herself.

Huminga siya ng malalim nang makita ang entrada ng hotel. The Manor is built in log cabin design that blends with the green surroundings. Pine trees are everywhere! She liked the smell of the pine breeze! She's finally home! She had a one time chance to dine there with her family noong bumibisita sila sa Baguio noon. At ngayon nga ay doon na siya magtatrabaho.

May nakikita siyang mga empleyado na nag-aayos ng mga upuan at mesa sa garden ng hotel. She strode towards the entrance door with a smile on her lips.

THAT SEVEN YEARS AGO: Trent & Amanda (by Adys Alcon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon