FOURTEEN: Ang Samu't-saring Emosyon

23 1 0
                                    

   Excited at kinakabahan siyang pumasok sa araw na iyon. Kung natuloy bumiyahe si Trent kahapon ay nandito na ito sa siyudad ngayon. Huli niyang nakausap ito noong inimbita niya ang ina nito sa tahanan niya. Narinig lang niya kay Mr. Barrientos kahapon nab aka daw bumiyahe na si Trent.

"Mom, you look tense" komento ni Coby habang kumakain sila.

Dinaan niya sa tawa ang sinabi ng anak. Sinu ba naman ang hindi kakabahan sa itinakdang araw ng rebelasyon sa katotohanang si Trent ang ama ni Coby.

"I should be my son. Your mom's going on a battle today" makahulugang sambit niya.

"Then you should eat a lot." Dinagdagan nito ang kanin sa plato niya. "I want you to win no matter what"

Nagkalambong ang mga mata niya dahil sa mumunting butil ng mga luha. Paano na lamang kung wala ang anak sa buhay niya? Kahit wala itong ideya kung anong 'battle' ang sinasabi niya ay pinapalakas nito ang loob niya. Now she realized how she survived almost seven years raising her son.

"Coby, if there comes a time mommy is getting married, would you be happy?" tanong niya sa anak.

"Of course, but who is the guy? You aren't dating someone"

Oo nga naman. She knew her son would be happy for her,but explaining every thing was so hard. Kahit na matalino ang anak ay kailangan pa rin niyang maingat sa mga sinasabi.

" It doesn't mean that dating should be the first stage of marriage. What matters most is how two people treasure each other."

"So who is this guy? You seem to be in love with him. You've never talked about a man with me not until now mommy"

"Anak, I just want you to know so you're not be surprised. Can I tell you who is it tonight?"

"Is it Mr. Trent?"

I'll wait for you at the lobby at 5. Don't worry about Coby. He's in good hands with my mother. Iyon ang text message sa kanya ni Trent pagkatapos niyang hindi ito makita sa araw na iyon. She was too excited to meet him that day, sadly, he didn't show up. Halos tatlong linggo din itong nasa Tagbilaran at aminin man niya o hindi ay nangulila siya kay Trent. Ito lamang ang lalaking nagparamdam sa kanya ng samu't-saring pakiramdam kapag kasama ito. ito ang lalaking hinayaan niyang pumasok at guluhin ang buhay niya. She even considered herself one of the luckiest woman in the world. Sa milyun-milyong kalalakihan sa Pilipinas ay ito ang lalaki ng gabing iyon seven years ago, ang ama ni Coby, ang lalaki rin na natutunan niyang mahalin sa maikling panahon.

Sinulyapan niya ang relong pambisig, sampung minuto na lang at maglalog-out na siya. Nai-excite siya na kinakabahan sa pagkikita nila ni Trent makalipas ang ilang linggo. Well, hindi naman lingid sa kanya ang hayagang pagsabi ng lalaki na nami-miss siya nito. Hindi na rin siya makapaghintay na sabihin dito ang sekreto niya.

Mabilis siyang nag-ayos ng sarili bago lumabas ng opisina. A little brush of face powder all over her face and light red lip tint for her smiling lips. Ayon kay Jared, hindi niya bagay ang make-up. Kaya naman mga basic na pampahid sa mukha ang ginagamit. Kinalabit niya si Pearl bilang pamamaalam nang matapat siya sa cubicle nito.

Tuluy-tuloy siya sa bandang hagdanan at bumaba doon dahil hindi niya mahintay ang elevator na pumanhik pa sa pinakamataas na floor ng hotel. gusto na nyang makita si Trent. Lumiko siya sa kaliwa patungo sa lobby.

Mula sa kinaroroonan niya ay kitang kita niya si Trent na nakaupo sa single sofa. Ang dalawang siko ay nakaibabaw sa mga hita nito at ang kaliwang kamay na may hawak ng cellphone ay nakadikit sa tenga nito. Mukhang seryoso ang usapan ng mga ito dahil nakakunot-noo ang lalaki.

THAT SEVEN YEARS AGO: Trent & Amanda (by Adys Alcon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon