Chapter 27

115 3 0
                                    

Chapter 27

Parang na gutay-gutay ang puso ko sa nakitang litrato. Nag o-over think ako at sobra akong nasaktan. Muli na namang bumiyak ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan.

Muling uminit ang ulo ko sa iritasyon na nararamdaman para kay Crystal nang maalala ang ginawa nitong pag dikit dikit kay Rie no'ng isang araw at ngayon, sa litrato ay naghahalikan ang mga ito. Mga hayop! Nagtatagis ang bagang ko sa galit.

"Calm down, Fria." Nag angat ako ng tingin sa mga kaibigan ko na nakaupo sa long sofa.

Nasa pamamahay ko ang mga ito ngayon ng malaman ang tungkol sa natanggap kong text na may picture ni Crystal at Rie na magkahalikan. Kompleto ang mga ito ngayon dito bukod kay Francine na nasa ibang bansa.

"I can't calm down. Galit na galit ako ngayon at punong puno ng iritasyon ang puso ko. Masakit. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit." Naluluhang pahayag ko.

"Listen, h'wag mong hayaang lamunin ka ng galit, iritasyon at sakit. Kailangan mong mag tiwala kay Rie, Fria. Kailangan mong kalmahin ang sarili mo para makapag isip ng maayos." Napatingin ako kay Mads na siyang nagsasalita. Napaka-sincere ng mga sinabi nito.

"What are you planning to do now?" Joana asked after a minute of silence

"Pupuntahan ko si Rie sa bahay nila." Disididong saad ko.

"Susugurin mo?" Mikah asked.

"Aawayin?" Sigunda ni Juliet.

"I don't think that's a good plan," nakangiwing sabi ni Joana sa sinabi ko at sinabi ni Juliet at Mikah.

"Yeah, I think so too." Segunda naman ni Geo kay Joana. "And never beg for love too, Fria."

"I'm not gonna beg for love, Geo. Kakausapin ko lang siya. Tatanungin kung totoo ang nasa litrato para malinawan ako," sabi ko na nakay Geo ang tingin.

"Paano nga kung totoo? Paano kung niloloko ka nga niya talaga?" Juliet asked me and my heart tightened in pain. Parang may bumara sa lalamunan ko.

"That will break my heart once again. Wala na akong magagawa r'yan kung totoo nga." Mapait kong sagot. Narinig ko naman ang pag buntong hininga ng mga ito.

"Ano man ang mangyari, nandito lang kami. Masasandigan mo," nakangiting sinserong sabi ni Mads na nagpangiti rin sa akin ngunit hindi ito umabot sa mga mata ko.

Para kaming lalaban sa gera sa dami naming pumunta sa bahay ni Rie. Ani ng mga ito'y nasa likuran ko lang sila at susuporta sa akin.

Nasa harap na kami ng bahay ni Rie. Huminga ako ng malalim, pinapatapang ang sarili bago hinakbang ang mga paa at pumasok sa loob ng bahay nito.

Kasabay ng pag pasok ko sa bahay nito ay ang kakababa lang ng hagdan na si Rie. Nagtama ang mga mata at natulos ito sa kinatatayuan.

"Fria..." Fria na ngayon? Hindi na baby?

"We need to talk," matapang na sabi ko.

"About what?" Mapakla akong tumawa sa naging tanong nito.

"Really?"

"I don't understand—"

"Nakipag halikan ka sa ibang babae, Rie! Mag mamaang-maangan ka pa ba?! Gago!"

Nabigla ito sa pag sigaw ko at hindi ito agad nakapag salita. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa purse ko at itinulak iyon sa dibdib nito. Kinuha nito ang cellphone ko at tinignan ang naroon. Umawang ang labi nito habang nasa cellphone ko pa rin ang tingin. Nag angat ito ng tingin sa akin at binuksan ang mga labi para mag salita nang maagaw ang atensyon namin sa kakapasok lang.

My Spanish Girl (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon