Prologue

37 2 0
                                    

SOBRANG AGA kong nagising dahil masyado akong excited para sa school.

Dahil simula ngayong araw, ay College na kami. Sobrang tagal kong inantay na maging college kami. Nakikita ko kasi sa movies na ang saya maging college. You can go party anytime you want. Kaya naman masyado akong na eexcite. Punta kaya kami sa bar mamaya after the first day of school? For the first time iinom kami ng matatapang na alak.

Nagkakape ako ngayon habang naka upo sa sofa.

May mga gwapong prof kaya doon? Gwapong classmates? Gwapong varsity player? Gwapong student council member?

Naka ngisi kong hinigop ang kape na ginawa ko na sya ko ring ibinuga.

"Ang init!" Dahan dahan ko muna itong ipinatong sa table bago ako dali dalinh tumakbo sa sink at nag mumog ng malamig na tubig.

Napalingon ako nang marinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto ng kwarto ni Allison.

Humahakay itong lumabas ng kwarto at umiinat na tumingin saakin.

She is Allison Cardinal. She is my childhood friend na hanggang ngayon ay kaibigan ko parin. Hanggang ngayon ay mag kasama parin kami. From elementary to college ay magkasama kami ng School. She is a Cardinal. Cardinal, pamilya ng mga Pulis at sundalo. Pero si Allison? She wants to be an Interior Designer. Her parents want her to be a Police woman, pero sadyang hindi talaga yun ang gusto nya kaya sya bumukod. Mahal daw nya ang parents nya, pero hindi rin daw sya papayag na pati ang pangarap nya ay kontrolin ng mga ito.
Allison is nice, never syang nagalit saakin, nag tatampo oo. Si Allison yung tipo ng kaibigan na laging sa good side kakampi, susundin din nya lagi yung gut feeling nya na kadalasang nagkakatotoo.

"Ang aga-aga pa, bakit gising ka na?" Tanong nito saka lumapit saakin at nag hilamos.

"Nag p-plano ako ng mga gagawin natin after ng first day of school. Bar tayo?" Excited na saad ko.

"Seriously? First day na first day pag laklak ang aatupagin mo?"

Sabay kaming napatingin ni Allison kay Serena na umagang umaga ay mukhang bad trip na naman.

Sya naman si Serena Flammia. Nakilala namin sya noong highschool kami. Compared kay Allison, mas mabuti ang pamilya ni Serena. Suportado kasi sya ng mga magulang nya sa lahat. Solong anak rin si Serena kaya naman hindi mahirap na ibigay sakanya lahat ng gusto nya. Pero kung iisipin, Serena isn't a spoiled brat. Kung si Allison ay sa good side kumakampi si Serena naman yung laging against sa mga bagay bagay, lalong lalo na kung ako ang nag suggest. Lagi kaming nag aaway dahil sa bagay na yon, pero alam ko namang gusto lang nyang piliin namin yung makaka buti para saamin. Sya kasi ang pinaka matanda saamin kaya sya narin ang nag silbing 'Ate' namin. But there's no way na tatawagin ko syang Ate, imposible!

"Suggestion lang naman yon Serena. Gusto ko lang naman mag saya tayo, mag celebrate tayo kasi college na tayo!" She gave me a bored look. Ayan na, susugod na si Serena.

"I'm tired. I don't have the enough energy to admonish the both of you." She remarked as she grabbed the cup of coffee out of Allison's hand, "Basta sa first day, diretso na sa flat."

Ang mean talaga. Sasapakin ko to eh. Pero atleast di nya ako inaway, nakakatakot pa naman si Serena pag nang aaway.

"Kape ko" Sabi ni Allison. Pero dahil si Serena ang kumuha ng kape nya ay wala na rin syang nagawa kundi ang gumawa ng bago.

Agent S.A.Y Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon