Chapter Six

1.1K 42 1
                                    

Habang kumakain kami ay tanging kutsar't tinidor lang ang tumutunog tudo kain ako kasi maanghang ang mga pagkain nila masarap kumain dito araw-araw dahil alam nila ang gusto ko.

"Señiorito n-nandito na ang m-mga kaibigan mo."

Napahinto ako sa pag kain at napatingin sa babaeng bumulong kay kuya. Makapal ang eye glasses na suot nito at mahaba ang kaniyang bistida, Maganda naman siya pero parang hindi ito sanay. Maputi din naman ang balat niya, Parang hindi nga siyang hindi katulong eh.

"Okay." Tanging sabi ni kuya Vance. Napayuko naman 'yong babae na parang takot na takot.

"Eat well baby lalabas muna ako." Sambit niya at hinalikan ako sa noo, Hindi ko ito tinapunan ng tingin at kumain na lamang. Wala naman dapat akong maramdaman dahil nga diba ibinilin lamang ako ni mama dito pero parang mali, Hindi ko ata nagustuhan ang tibok ng puso ko ngayong araw na ito.

Pagkatapos kong kumain ay napa silip ako sa labas ng kusina, Mga kalakihan na kasing laki ng katawan ni kuya mga gwapo din at katulad nga ni kuya Vance nakakatakot din ang aura nila. Napa iling ako lahat na sila na mag kaibigan ay ganiyang ang hitsura? Matatakot lahat ng mga tao sa kanila kapag nanatili silang bato.

Napatingin ako sa isang lalaking nakatulala--Lumaki ang aking mata sa aking nakita. Bakit naman tumutuwas itong si ateng may makapal na eyeglass sa harapan ng mga kalakihan. Halatang manyak ang lalaking iyon natatabunan nga lang sa wala niyang emosyon.

Lumabas ako ka agad sa pag silip at nag tungo kung saan si ateng nerd. Humarap ako sa kanilang lahat para takpan ang pwetan nitong kanina pa niya tinitigan. Kumunot ang kaniyang noo at unti unting tinitigan ako, Napalunok ako.

"And who the hell are you." Malamig nitong tanong saakin. Napa lunok na naman ako, Hindi paren ako umalis sa pag tatakip kay ate kasi parang hindi ito nakakarinig.

"p-herbhrt!" Singhal ko dito. Lalong kumunot ang kaniyang noo,

Tiningnan ko si kuya Vance na nakatingin lang sa lalaki at parang walang pakialam. Nalungkot ako bigla.

"S-señirota." Napalingon ako.

"Man who is she!" Sabi pa niya sabay tingin kay Kuya vance.

"She's Jiso, minami's cousin." Sabi sa lalaking nasa kaliwa ni kuya. Bumilog ang aking mata. Siya ang lalaking nag tungo sa mansion at kinuha si Minami. Wala din itong galang!


"She's a mute?" Gulat niyang tanong saakin. Pinipigilan kong wag lumuha. Pag uusapan na naman nila ako natatakot ako at baka may maririnig akong masasakit na salita galing sa kanila.

"Yas. Remember my soon to be wife?"

"Wow bro tinatawag mo na siyang wife ngayon ha?" Pag iinsulto ng isang lalaki sa kaniya. Nag kibit balikat lamang ito.

"Minahal na niya si minami. Apat na lang ang natitira sa atin."


"Apat lang ba? Baka tatlo lang." Sabay tingin saakin habang naka taas ang kilay nito. Nakakatakot, Ang kilay nito ay may tabas. May hikaw din ang dalawa nitong tinga na kulay itim at may tattoo.


"Shut-up man! She's my girl and I don't care if she's a mute." Malamig nitong turan.

Makakapag salita ako hindi niya naintindihan ang sinasabi ni mommy sa kaniya noon. Oo may sakit ako gaya ng sabi ni mommy. Pero hindi habang buhay ako tahimik or magiging pepe na lamang. Kailangan ko lang ng practice bagamat ang aking dila daw ay sobrang liit sabi pa ng doctor pero ang gusto ng mommy ko ay hindi na kailangan aalagaan daw nila ako.



"Oh man! Ok. hindi ako mag sasalita. But can you give me a some toy. I'm horny." Diretso nitong sabi sabay tingin sa babaeng nasa likura ko.

Na alarma ako at biglang umiling kay kuya Vance.


"Jiso said no. So no Isaac." Sambit ni kuya. Napa buntong hinga na lamang ako at napatingin sa aking likuran habang naka yuko ito.


"K-k-sin--na (Kusina)"

Hinila ko ka agad ang babaeng may makapal na salamin at dinala sa kusina. Nagulat pa ang ibang kasambahay dahil hawak hawak ko ito. Ngunit itinuro ko sila isa isa at ang pintuan pa labas ng kusina.

"Señorita b-bakit hu."

"Señorita pasensiya na k-kung naka abala si A-abe sainyo."


Umiling iling ako "H-huwag k-ka--ka-ng s-sorr--" Humaba ang aking nguso. "Naintindihan kita iha. Lalabas muna ako para makapag usap kayong dalawa." Sabi ni manang at yumuko ito bago umalis.

"---kaw!" Galit na turo ko dito. Pero di naman galit ang aking mukha dahil naka nguso ako. "P-po? s-señorito h-hindi ko inaakit a-ang iyong ka-kasintahan. A-ako ay nag lilinis--lamang sa i-ibaba ng tv"

"d-de na-aman a~ de mhu a-alam n-nadun c-ciela? (Di naman ah~ De mo alam na nandon sila?)" Tumango ito.

"Hindi sen--J-jisu --ko j--jis ahh!" Biglaan kong sigaw. Na alarma naman ito at biglaang tinakpan ang aking bibig.

Nakakagigil kapag hindi ko mailabas ang gusto kong sabihin. Nahihirapan akong bigkasin dahil ang kati kati ko ng ilabas ang salitang gusto kong ilabas sa aking bibig!


"J-jiso. Wag kang sumigaw at baka marinig tayo sa mga Ginoong nag uusap sa labas. Agad silang lalapit lalo na ang iyong kasintahan. Ikaw ay isang bulaklak para sa kaniyang na kailangan ingatan araw-kaya sana wag kang sumigaw at baka siyay ay lalapit dito ka agad." Napa kunot ang aking noo sa mahabang nitong sinabi.

Sumigaw lang naman ako dahil doon nga lang. Ang dami niyang sinasabi na para ba siyang nag ka sala at kailangan mag papaliwanag. Umupo ako sa kaniyang harapan at ngumuso.


"Ikaw ay magandang dalaga kaya ganuon na lang ang pag ka baliw ng aking señorito sa'yo." Sabi na naman niya.



"Jiso. Hindi niyo dapat ako kinakausap o pinoprotektahan sapagkat isa lamang ninyo akong katulong dito. Ayaw ko naman na gagawa na kahit ano mang bagay na ikakagalit ng aking amo. Ayaw ko na mawalan ng trabaho, Ako--" Hindi ko siya pinapatapos ng pag salita at hinawakan ko ka agad ang kaniyang kamay at pinisil ito ka agad.



Kinuha ko ang aking cellphone mag tatype na sana ako pero pinipigilan niya ang aking kamay. "Wag ka ng mag abala pa binibini nag sasayang ka lamang ng oras sa pag titipa sapagkat ako ay hindi marunong bumusa." Kinagat ko ang aking labi. hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang gusto kong sabihin sa kaniya.



Napa buntong hininga ako at tinatagan ang aking loob.



"A-ako -sang -baeng d-de--runong s-sha-lita. k-khung pwd--e ---ruan mhu--ko? (Ako isang babaeng hindi marunong mag salita. Kung pwede turuan mo ako?"




"Halata nga sa'yo. Pero paano kita matutulungan? Huwag sana ang pag babasa señorita gaya ng sabi ko sainyo hindi ako marunong mag-basa."



"s-sal-ita (Salita)"


"Salita ang ituturo ko sa'yo? Oo naman señorita iyon ang gusto mo kaya iyon din ang susundin ko. Hayaan mong turuan kita mamaya, Pero syempre po ay kailangan mo akong makilala ng mabuti para ako ay iyong makilala ng mas mabuti. Paumanhin binibini madaldal ang po ako sa mga taong kinakausap ako. Salamat sa pag hiningi niyo ng tulong saakin aasahan ninyo ako mamaya sa'yong silid." Mahabang niyang sabi at umalis na.



Halatang hindi siya lumalaki sa manila dahil sa pag sasalita niya. Pero okay na 'yon ito na ata ang oras at araw para matuto na akong mag salita at wala ng humuhusga saakin. Sana maasahan ko si Abe.

[Reed's Series 1] A MILLIONAIRE MISTAKES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon