Chapter 5

190 10 1
                                    

Pagkatapos namin magusap ay nagsiuwi na kami sa mga bahay namin kaya napagdisisyunan ko na tawagan yung agency na pinagkuhanan ko ng mga magtratrabaho at saka sinabi nya yung plano namin, next kong tinawagan ay si Carl kahit kinakabahan pa ako

"Hello"bakit boses babae

"Hello, who's that? Where's Carl?"

"This is Nicole, girlfriend ni Carl, he's preparing our dinner"

Bakit magkasama parin sila? Gabi na, hindi kaya magkasama sila sa isang bahay? Nasasaktan ako sa isiping iyon pero pinilit ko parin syang sagutin

"I'm Scarleth"pakilala ko

"Oh, one of the eth, so what do you need?"

"Ibigay mo yung cellphone kay Carl"

Hindi sya ang gusto kong makausap kundi si Carl

"He's busy so what do you need?"maarte nyang sabi

"Saglit ko lang sya kakausapin kaya ibigay mo na"naiinis na sabi ko, naiinis ako sa kaartehan nya

"Ano ka ba binge? Hindi mo ba maintindihan yung salitang busy or you want me to translate it?"

"Hindi ako ganon kabobo para hindi maintindihan ang salitang busy sya pero kailangan ko syang makausap, saka bakit ba nasayo ang cellphone nya"

"How many times do I have to tell you na GIRLFRIEND nya ako"siniinan nya talaga ang salitang girlfriend kaya hindi ako nakakibo agad

"Tell him na sa isang araw na gagawin yung bahay, bye"nagtitimping sabi ko

"It's supposedly my chance to talk to him"sabi ko sa sarili ko hanggang sa makatulog nalang ako kakaisip

KINABUKASAN

Naglalakad ako dito sa park katatapos ko lang magjogging nung napagod na ako ay naglakad nalang ako

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may makita akong pamilyar na tao

"Hey Scarleth"tama nga ang hinala ko

"Hey Zack Tomson"bati ko rin sa kanya

"Paano mo nalaman apelyido ko?"takang tanong nya at nginisian ko sya

"Connections"simpleng sagot ko

"Stalker pala kita ah"pangaasar nya at tinusok tusok pa yung tagiliran ko gamit ang hintuturo nya kaya hinampas ko iyon

"Asa"saka ko sya tinalikuran sa naglakad na palayo

"Hoy joke lang"hinabol nya ako at saka sumabay sa akin"why are you alone?"

"I want a peace of mind so please leave me alone"

"Ayoko nga"parang batang tanggi nya

"Bahala ka nga sa buhay mo"naglakad nalang ulit ako at sya naman ay sumabay sa akin, pero napatigil ulit ako ng may makita ulit akong dalawang tao na sobrang pamilyar

"Hey babe sina Scarleth yun oh"sabi nung babae sabay turo sa direksyon namin

lumapit sila sa amin habang ako ay nananatiling nakahinto pati narin si Zack

"Nicole and Carl, am I Right?"pagkausap ni Zack sa kanila

Nakatingin lang ako sa kamay ni Carl na nakahawak sa bewang ni Nicole

"Yes, at ikaw naman si Zack"

"Tama ka, nice to meet you again"

Naramdaman ko na parang may humawak sa kamay ko kaya tiningnan ko iyon at nakita ko na hawak ni Zack ang kamay ko kaya tiningnan ko sya at nginitian nya lang ako

"Babe ang sweet nila oh"tinuro ni Nicole ang kamay namin na magkahawak kaya napatingin don si Carl kaya agad ko rin pilit binawi yung kamay ko

Nakita ko ng pagsama ng tingin ni Carl sa magkahawak parin naming kamay kasi hindi parin ito binibitawan ni Zack

"Yeah, parang masayang masaya sila"narinig ko ang boses nyang may halo ng pagkasarkastiko

"Paano ba yan kailangan na namin umalis ni Scarleth"sabi ni Zack habang nakatingin kay Carl

"Okay lang may date pa rin naman kami eh"sabi ni Nicole

May date sila? Ano ka ba naman Scarleth, syempre may relasyon sila kaya normal lamg sa kanila ang magdate!! Pero ang sakit parin isipin

"Tara na"hinatak na ako ni Zack kung saan basta hindi ko na alam kasi hindi ko na pinagtutuunan ng pansin kung saan nya ako dadalhin kasi naiisip ko parin na magde-date sila Carl at Nicole

"Bitawan mo nga ako"sabi ko nung nakalayo na kami

"Tch pinagseselos ka ni Nicole"

"Huh? Pano mo nasabi eh hindi nya naman alam na may gusto ako kay Carl?"takang tanong ko

"Kung ako nga nalaman ko kahit hindi mo sinasabi sya pa kaua eh halata ka naman, kasi lagi kang nakatingin kay Carl"

Kung totoo yung sinasabi nya na pinagseselos ako ni Nicole pwes success sya kasi nagseselos talaga ako

Ang sakit kaya makita yung taong mahal mo na may kasamang iba

"Uuwi na ako"naglakad na ako pauwi sa bahay namin at nakita ko sila mama na nagbrebreakfast kaya kumain narin ako

"Scarleth, where have you been?"tanong ni daddy

"Naglakad lakad lang po"

"Pagkatapos kong kumain ay nagbihis nako at napatigil ng marinig kong may tumatawag sa cellphone ko kaya kinuha konito at nakita kong unknown number pero sinagot ko parin

"Hello"sabi ko

"Hello Scarleth"

"Sino po ito"takang tanong ko, paano nya nalaman ang pangalan ko?

"Scarleth hulaan mo"nainis ako sa sinabi nya kaya hindi ko naiwasan na sigawan sya

"Hoy lalaki para sabihin ko sayo wala akong oras para makipagbiruan sayo kaya tigil-tigilan mo ako, kung ayaw mong magpakilala edi wag saka hindi ako manghuhula para hulaan yung pangalan mo"tuloy tuloy na sabi ko saka pinatay ang tawag at saka binaba yung cellphone

Feeling close akala mo naman kilala ko at saka may pa secret secret pa syang nalalaman

*Kring kring

Kinuha ko ulit yung cellphone ko at sinagot yung tawag, handa ko na sana syang sigawan ng magsalita sya

"Hey Scarleth, it's me Zack"

"Bwisit kang lalaki ka may pa secret secret ka pa, saan mo nakuha number ko?"

"Connections"

"Stalker pala kita ahh"

"Asa"

natawa kami parehas sa pinagsasabi namin kasi yun din yung sinabi namin kanina ang pinagkaiba nga lang ay nagkapalit kami ng sinabi

"Bakit ka pala tumawag?"tanong ko

"Yayayain sana kitang makadate kasi may party akong pupuntahan eh wala akong kasama"

"Ayoko"

Kakakilala ko pa nga lang sa kanya tapos sasama na ako agad aba hindi ako ganon"

"Sige na pls"

"Ayoko nga"sabi saka pinatay ang tawag pero wala pang ilamg segundo eh may tumawagna ulit kaya sinagot ko ito kahit hindi pa tinitingnan kung sino yon kasi alam kong si Zack na naman yon

"Hay nako Zack Tomson ayoko nga maging date mo,bakit ba ang kulit mo huh?"inis na tanong ko

"So he's inviting you to be his date?"

Friends Series 1: I'm Still In Love With You (Publish On Dreame)Where stories live. Discover now