Chapter 3

227 10 0
                                    

"paano mo naman nasabi?"

"Kasi nakabasag ka dahil sa akin"

"Kahit na mabasag ko pa lahat ng plato at baso, isama mona rin lahat ng gamit dito hindi ako matatanggal"nagtaka ako sa sinabi nya

May empleyado ba na kahit mabasag ang gamit dito ay hindi matatanggal?

"Bakit naman unfair naman ata nun"

"Hindi yun unfair kasi ako ang may ari nito"

Nagulat ako sa sinabi nya kaya pala hindi sya matatanggal kasi sya ang may ari nito

"Eh bakit ka nakapangdamit ng pangwaiter?"sino ba naman magaakalang owner ito eh nakapangdamit sya ng pang waiter

"Wala lang trip ko lang"nakangiti nyang sabi

"Okay"yun nalang ang nasabi ko eh

"Ikaw bakit ka umiiyak kanina?"

Nagulat ako at nanlaki ang mata"nakita mo?"

"Tatanungin ko ba kung bakit ka umiyak kung nakita kitang nakangiti"

Imbis na mainis sa pamimilosopo nya ay natawa nalang ako"wag mo nalang iyon pansinin"

"Tara"nagtaka ako sa sinabi nya

"Anong tara?"

"Bibili ng damit mo tingnan mo mukha ka nang basang sisiw"oo nga pala hindi pa ako nakakapagpalit ng damit

"Wag na uuwi nalang ako"

Hinila nya ako papunta sa parang kwarto"diyan ka lang magbibihis lang ako"pumasok sya sa loob at saka isinara ang pinto kaya ako naiwan dito sa labas

Maya maya ay lumabas na rin sya nakasuot sya ng polo shirt saka pantalon tapos rubber shoes

Sa itsyura nya ngayon ay mukha na talaga syang owner kasi hindi man elegante ang suot nya ay maayos naman itong tingnan sa kanya at bagay din sa kanya kaya masasabi kong gwapo talaga sya

"Nabighani ka na ba sa itsyura ko"agad kong iniwas ang paningin ko sa nakangisi nyang mukha

"Ang kapal mo hindi kaya kita tinitingnan"tanggi ko pa kahit wala na naman iyong silbi

"Naramdaman ko na may pumatong sa balikat ko at nung tiningnan ko iyon ay jacket

"Isuot mo muna yan kesa sa makita ka nilang basa"sinuot ko nalang yung jacket at saka sinara para hindi makita yung basa kong damit pero dahil malaki sya at saka matangkad natakpan lahat ng damit ko at para akong walang suot lalo na at nakashort lang ako

"Bakit kasi nakashort ka?"

"Eh ano naman?"

"Mukha kang batang hubo na pagala gala sa kalye"saka sya tumawa

"Hoy lalaki---"

"It's Zack"putol nya sa sinasabi ko

"Hoy Zack parehas naman tayong may kasalanan kung bakit ganito ang suot ko"gigil na sabi ko

Natatawang itinaas nya ang kamay nya na parang sumusuko sya"easy, ano palang pangalan mo?"

"Itanong mo sa nanay mo"inis na sabi ko pa

Nakita ko na inilabas nya ang cellphone nya at saka nagpipindot sya doon pero hindi ko na yon pinansin at saka naglakad palayo sa kanya

"Hello mommy"napatigil ako agad saka nanlalaki ang matang napatingin sa kanya

"Hello son"narinig kong sabi nung babae sa kabilang linya kasi nakaloud speaker yung cellphone nya

"Mommy alam nyo po ba ang pangalan ng baliw na babae sa harapan ko"natatawang tanong nya habang ako ay pinipilit agawin yung cellphone sa kanya

"Ano bang sinasabi mo son?"

"Akina yan"mahinang sabi ko habang tumatalon kasi inaagaw ang cellphone sa kanya kasi itinaas nya

"Wala po mommy sige na po bye na"pinatay nya na ang tawag kaya tumigil na rin ako

"Ang sama mo"inis na sabi ko sa kanya

"Sabi ko itanong ko sa nanay ko, ano nga ulit pangalan mo?"nakangisi nyang tanong

"Bahala ka sa buhay mo"

"Tara na nga malalaman ko rin yon"hinila nya ako palabas kaya doon ko nakita yung mga kaibigan ko na nagkwekwentuhan kasama sila Carl kaya napayuko nalang ako

"Hey Scarleth"napatunghay ako ng may tumawag sa akin at nakita ko si Liza na nakaway kaya hinila ko si Zack papunta don

"Sino sya?"tanong ni Arra, napatingin muna ako kay Carl na parang nagiintay din ng sagot

Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Arra kasi hindi ko matagalan ang titig nya pero agad din akong napatingin kay Zack ng hawakan nya ang kamay ko pero hindi sya nakatingin sa akin kundi kay Carl kaya hinayaan ko nalang sya

"Ah sya si Zack, the owner of this restaurant"saka ako bumaling kay Zack

"Zack they are Ellizabeth, Nazareth, Arraseth, Nicole and C-carl"isa isa ko silang tinuro

"Nice to meet you but we have to go"sabi ni Zack na hinila na ako palabas ng restaurant habang hila parin ang kamay ko kaya hinila ko ito

"So you are Scarleth and you cried because of him"nagulat ako hindi dahil alam nya ang pangalan ko kundi dahil sa alam nya na kung bakit ako umiyak

Ganon na ba ako kahalata para malaman nya? Paano pag nahalata rin ni Carl? Paano pag nalaman nya rin?

"Uuwi na ako sa bahay na ako magpapalit"hindi ko na inintay ang sasabihin nya at nagmamadali akong tumalikod sa kanya at saka pumunta sa sasakyan ko

Buti iniwan ko na dito yung mga paper bag na pinagbibili ko kanina

Nang makarating ako don ay naisandal ko nalang ang ulo ko sa manibela at inisip ang mga nangyari kanina

Aaminin ko nasasaktan ako aa mga nangyayari ngayon, ang tagal ko syang inintay, simula first year ako hanggang sa nakatapos ako ng pagaaral inintay ko sya, naging masaya ako ng makita ko sya sa mall pero lahat ng saya ko ay napawi lang ng ipakilala nya si Nicole, ang girlfriend nya

Hindi ko naramdaman na naiyak na naman pala ako, ano bayan magiging iyakin na yata ako ahh

Ano ka ba Scarleth? Bakit ka ba naiyak? Wag ka na umiyak dahil kung nakatadhana talaga kayo para sa isa't isa magiging kaya parin kahit ano pa ang humadlang sa inyo

Umuwi nalang ako sa bahay namin saka nagbihis naalala ko lang na nasa akin pa pala ang jacket ni Zack

KINABUKASAN

"Sabi ni James meet daw natin yung engineer dun sa may cafe malapit dun sa college na pinasukan natin"kausap ko nga pala si Naz kasi ngayon na namin imi-meet yung engineer

"Okay see you there"pinatay ko na yung cellphone then nagayos na ako

Friends Series 1: I'm Still In Love With You (Publish On Dreame)Where stories live. Discover now