Previously on the sage vampire
hindi ko siya ma sisisi dahil si carmilla na lamang ang ka Isa isang babae sa pamilya Marseille , kaya naman iniingatan talaga.
Chapter 3
Carla POV
nagising ako sa ibang lugar. maganda ang tanawin sa paligid , ang hinihigaan ko ay ang mga damo na akala mo ay bermuda grass pero hindi
Ito ay natural na grass na kusang tumu tubo sa lupa kapag tag sibol , tumingin ako sa paligid dahil kakaiba ang tanawin , ang likod ko ay may isang malaking puno na nahihitik sa mga dahon . wala kang makikita sa paligid kundi ang malawak na damo at iisang puno sa likod ko. ang itaas ay napaka gandang mga ulap , asul na asul ang kalangitan .Para akong nasa paraiso , ang sarap ng simoy ng hangin " carmilla!!" hindi ko alam ang pangalan niyon pero hindi ko maiwasang lingunin kung Sino man ang magandang boses na iyon ang nag salita, hinanap ko ang boses at wala akong makita kundi ang mga damo , puno at magagandang tanawin ang nakikita sa langit, masyadong kalmado ang lahat.
" carmilla?.." ulit uli ng nag salita kanina , sa pagkakataong iyon ay mas malakas na kaya napa lingon ako sa likuran ko . nasa tabi ng malaking puno ang puting babae . kaya na tawag Kong siyang maputi ay dahil maputi ang balat niya , at maputi rin ang kasuotan niya.
ngumiti Ito ng matamis nang makita niyang natag puan ko siya
tumayo ako sa pagkaka upo at dahan dahan ko siyang nilapitan.ang ganda naman niya, mukha siyang anghel sa itsura niya, at ang buhok niya?.. sobrang puti ng buhok niya
pati na rin ang damit niya na long dress hanggang tuhod ang haba ng damit niya hindi siya naka long sleeve kundi naka short lamang. kung ipapantay iyon sa balat niya ay mahahalat mong mas maputi siya sa akin sapagkat ang kutis ko ay mala Rosas na pink lamang." Sino ka?" Inosente kong tanong sa babae , mabini siyang tumawa bago mag salita sa akin. " carmilla..hindi pa ito ang iyong pag subok!!. sapagkat
may nais ipakilala sa iyo ang wattpad goddess!!. Pakiusap huwag kang gumawa ng ika papahamak mo! dahil ito ay bahagi lamang ng pag subok na marapat mong lagpasan , kung nais mong bumalik sa iyong panahon?.. Kailangan mong tapusin ang kuwentong Ito!" mahabang paliwanag niya na hindi ko maintindihan dahil napaka ganda niya kasi at talagang nakaka akit panoorin ang pag sasalita niya." Naiintindihan mo ba ako? Carmilla?" hindi ko alam pero napa tango na lang ako, dahil nahi hipnotismo ako sa ganda niya . kung ihahambing mo siya sa mga retokadang koreana ay mas maganda pa siya sa lahat.
nagulat ako ng makita ang babae na nag lalaho " sa— sandali!! anong sinabi mo?" medyo nagulumihanan ako sa paliwanag niya kanina.nag alarma ang sistema ko ng makita ko siyang nag lalaho na para bang glitters sa ere , pero ang bruha nag giggling pa habang pina panood akong napa paranoid sa nangyayari sa kanya. " Alalahanin mo kung ano ang sinabi ko sayo ...carmilla!" biglang nag echo sa aking isipan ang mga sinabi niya.
kung ganoon ay wala na akong magagawa kundi ipag patuloy ang buhay ko dito sa mundong ito, hindi ako mag papa kamatay upang maka pa balik sa totoo kong mundo. wala sa loob na napa singhap ako ng hangin dahil sa kawalan ng pag asa
" saka ko na lang iisipin kung papaano ako makaka balik, ang mahalaga ay pag aralan ko ang mga bagay bagay sa mundong ito!" napag isip isip ko na marahil ito ang kasalanan ko sa ginawa kong pag wa- walang bahala sa sumpang Ito★★★★
Iminulat ko ang aking paningin at magagandang kurtina na pink ang una kong na silayan , bumuntong hininga ako bago naisipang umupo sa malambot kong kama. " ah anak!.. gising kana pala!...Mahal!! Gising na si carmillaaaa!!" medyo napa tingin ako sa ginang na tumatawag sa kanyang asawa. kaagad kong napansin ang balkuni na ngayon ay naka sarado na
hindi ko tuloy maiwasang maawa sa balkuning iyon.
BINABASA MO ANG
The Curse ( WATTPAD ) [ the sage vampire ] Book 2
VampireGenre ; Romance , fanfiction , Vampire story si carmella ay isang sikat na artista sa Pilipinas, minsan lang siya mag basa ng kwento sa WATTPAD, kaya naman nang makita niya ang kauna unahang pag labas ng the curse wattpad ay ginrab niya na kaagad. a...