1 | Name Suggestions

345 10 16
                                    

— Ask 1—

Name suggestions?

— Replies —

Hazel Ann Openiano:

Tip lang. Kung gusto niyo ng unique name for girls and boys, pwede kayong mag-browse sa mga brochure like Avon, Natasha, and Boardwalk tapos tingnan niyo 'yung names ng mga clothes, shoes, underwears, and jewelries. Doon kasi minsan ako nagkaka-idea.

Chelsea:

Kadalasan sa akin ay galing sa bible. Yung iba naman kinuha ko lang sa Pinterest.

Agnes Nafianog:

Alalahanin mo kung sino iyong mga naka-away mo nung elementary ka pa. List them all. May naisip ka na siguro.

Mamasyal ka saglit sa sementeryo, ayun maraming pangalan dun.

Search mo iyong mga names ng nag-top sa board exams.

Pangalan ng mga sikat na artista. Pangalan ng mga naging ex mo.

Lunar Domingo:

nameberry.com

Ginagamit ko naman po ang nameberry para pumili ng names ng mga characters ko, anong meaning ng mga names and so on. Nameberry has a very wide variety of names from popular to classic to unique names na pwede niyo pong pagpilian. In-explain din po nila doon iyong origin ng mga names as well as the popularity and some other names related to a certain name.

Leira Josephine Santos:

Building unique names, especially for Fantasy Genre:

Paghaluhaluin yong mga names na alam niyo at mag-search.

Example: Nagagandahan ako sa "Yoan" at nag-search ako ng mga greek names. I saw "Andriea" kaya may character ako ngayon na "Yoandriea" ang pangalan.

Minsan si keyboard, inii-spoonfeed nalang sa'yo yung mga pangalan. Patulan niyo na.

Example: Right now, I'm typing "H", may lumabas na "Heart", try mo gawan ng play of words.

Kung gusto mo ng base, mag brainstorming ka ng mga magandang pangalan ng mga kilala sa totoong buhay at dugtungan mo para maging unique.

Example: "Charles" - "Charity"

Ilista lahat ng names na gusto mong maging pangalan kung hindi mo pangalan ang pangalan mo ngayon.

Yung mga nagkalat na name generator, patulan mo na pero maging creative ka. You are a writer. Wag kang kain lang ng kain. Magluto ka rin.

Kurusawa WP:

You can try din sa RPW groups. Madaming RP-er ang unique at maganda yung pangalan.

Mae Falseco:

Pagdating kasi sa'kin mga real names ang ginagamit ko. Humihingi lang ako ng permissions.

Purpleyve Clyne:

Sa dictionary words ako nangunguha minsan para may meaning, suggestion ko ito for fantasy characters.

Airel Yuen:

Kung trip n'yong gumawa ng name na pang-fantasy or places na pang-fantasy ang name or imbento, p'wede kayong mag-search ng mga site. Like fantasy name generator.

You:

Mobius StripWhere stories live. Discover now