"I can't do this, Vanessa. I need to go home."
Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso para makaalis na pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak doon.
"Come on Cy, minsan lang ito. Isa pa, Saturday naman bukas kaya wala kang dapat ipag-alala."
Hindi ko alam kung anong lugar itong pinasukan namin, basta ang sabi niya'y dadalhin niy ako sa 'tambayan' para naman malibang ako.
"You don't understand, mom will kill me!"
Kahit anong palag ko ay wala pa rin akong magawa sa pagka-kapit niya sa akin. Halos mamula na ang kaliwamg braso ko sa sobrang higpit ng hawak niya, panay pa ang hila niya sa akin.
"Duh, your mom loves you so much. Pagagalitan ka lang noon tapos grounded ka ng mga 1 week tapos babalik na ulit sa dati ang lahat!"
1 week? More like, 1 year.
Vanessa became my friend when I turned college. She's really a bubbly person, wala siyang hindi nakakasundo sa mga nakakasalamuha niya. Kahit gaano karami o kahirap ang mga task performances namin, hindi mo mahahalata sa kaniya ang hassle.
It's very easy to be with her dahil napaka flexible niyang tao, she's always willing to adjust. Sobrang cheerful niya na kahit makulimlim ang araw ay parang nagliliwanag t'wing makakasalubong mo siya.
"F*ck, maaga pa pero punong puno na ang building! Mukhang uumagahin tayo nito!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, habang siya naman ay tuwang tuwa pa.
Totoo ngang puno ng tao ang building na pinasukan namin. Sumalubong sa amin ang isang silid na punong puno ng usok at malakas na tugtugan.
Madilim man ay maaaninag mo pa rin ang mga kabataang nag tatawanan at puro sumasayaw. Hindi magkamayaw ang mga tao.
Kung kanina'y gusto kong makawala sa pagkakahawak sa akin ni Vanessa, ngayon naman ay ako pa ang mahigpit na mahigpit ang kapit sa braso niya.
Hindi pwedeng mapalayo ako sa kaniya o mawala man lang siya sa paningin ko. Wala akong kakilala na kahit sino dito, baka kung ano pang mangyari sa akin.
"Aw!"
Muntik na akong mabuwal dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin ng kung sino. Mabuti na lang at hawak ko si Vanessa dahil kung hindi, siguradong nasa sahig na ako ngayon.
"Ayos ka lang ba??"
Alalang-alalang tanong sa akin ni Vanessa. I was trying to look for that man or woman that bumped into me but it was hopeless! Sobrang dilim at nagkalat ang mga tao.
Ni hindi man lang nag-sorry sa akin!
"Yes. My gosh, V. Sa lahat ng pagdadalhan mo sa akin, bakit dito pa?"
Inis na reklamo ko. Hindi nga lang ako sigurado kung narinig niya ako dahil malakas ang music.
"You'll have fun, trust me."
Lumingon siya sa akin at kumindat.
I know my mom and dad is probably freaking out right now. It's already 8 PM and i'm not yet home. They will bombard my phone with their messages and calls but I cannot answer them at the moment. Mamaya siguro, pag tumigil na kami sa paglalakad at pakikipag-patintero sa mga teenagers na lasing.