Chapter 1

3 1 0
                                    

"Good morning, Cy!"

"Morning."

"Woah, ang grumpy naman."

I'm not grumpy, ang maaga pa kaya wala pa akong energy. 7:00 AM ang first class namin kaya sobrang aga ko ring gumising dahil mabagal akong kumilos and I don't want to be late.

Sa gate 1 kami nagkasalubong ni Vanessa kaya sabay na rin kaming pumasok. We're now heading to fourth floor for our first class. Instead of taking the elevator, we chose to use the stairs instead.

Pampagising na rin dahil medyo nakakaantok ang first subject namin. Hingal nga lang kami ng makarating sa room pero ayos lang dahil air conditioned naman iyon.

We sat at the back. Sa pinakadulo at pinakasulok ng room.

Usually, Vanessa would sat at the front or in the middle but ever since we became friends, she would always sit beside me.

I'm not really friendly and I don't want to attract their attentions so I would always sit at the back. Isa pa, marami kasi ang nagagalit o naiinis sa akin dahil masyado raw akong maarte, snabera at masungit.

Maarte talaga ako, hindi ko itatanggi 'yun. Pero hindi ako snabera or masungit. Hindi ko lang talaga sila ka-close, duh.

"Good morning."

Hindi katagalan dumating na rin ang professor namin at tamad kaming binati kaya tamad din kaming sumagot.

"I'll be giving you these papers, papirmahan niyo sa mga magulang niyo. Para ito sa seminar na gaganapin sa Pampanga."

Oh, that freaking seminar. Two weeks na lang pala bago 'yun, kahit sino sa amin hindi na e-excite. Lahat naalala kung gaano ka-boring iyong nangyari last year.

Buong araw kaming nakinig sa mga lecturers, puro powerpoints at boring na video presentations. Noong bandang huli na nga lang kami ginanahan dahil nagkaroon ng raffle pero bukod doon, wala ng exciting na nangyari.

"Sama ka 'te?"

Kumunot ang noo ko kay Vanessa. Tinatanong pa ba 'yun?

"Required."

Kailangan naming sumama at magbayad kahit pa labag sa loob namin dahil required 'yun. Magkakaroon din ng incentives sa mga major subjects kung sasama kami.

"Required magbayad pero hindi required na sumama."

Kumindat pa si Vanessa sa akin. Alangan namang magbayad kami pero hindi kami sasama? Masasayang ang pera namin kung ganoon.

"What are you implying, Vanessa? Hindi ko ata gusto ang tumatakbo sa utak mo."

Ngumiti lang siya sa akin nang nakakaloko. Napailing na lang ako.

Simula noong gabing isinama niya ako sa building na 'yon, mas lalo atang naging out going itong si Vanessa. Madalas hindi na siya pumapasok o kaya naman palaging nag c-cut class.

Wala rin naman akong gaanong maalala sa nangyari noon. Ang huling naalala ko na lang ay 'yung na-out balance ako at pagkatapos noon wala na.

Ni hindi ko alam kung papaano ako nakauwi sa amin ng hindi nahuhuli ni mommy at daddy. Basta nagising na lang ako na masakit ang ulo at buong katawan.

I tried asking her what happened but she just won't bug in. Ewan ko ba sa babaeng 'to.

"Tara billiard tayo saglit."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reckless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon