X

77 49 3
                                    

Pagkatapos ng mahigit 3 oras na kaba at paghihintay, lahat kami ay nagsitakbohan sa bulletin board kung saan nagkompolan ang lahat para makita an result ng competition. Kinakabahan ako at excited at the same time. Confident naman akong maganda yong painting ko, yon na ata ang pinaka the best na nagawa ko sa tanang buhay ko charot.

Nasunod sakin si Hachirō habang sumisingit kami sa maraming tao papalapit don sa board. Maya maya pa nakita ko si Ryssi na nakatayo rin malapit sa board kasama si Sanaya at nong alipores niya na Xiao ata pangalan? Malay ko ba tsk.

Nag wave at smile lang ako sa kaniya at ganoon rin naman siya.

"Hi Hachirō! Nandito ka rin pala?" Tanong ni Sanaya habang kumi-kinangkinang  pa mga mata kay Hachirōng kakalapit lang sakin. Malamang nandito siya tsk. Bakit ikaw lang ba may karapatan tumingin dito? Shuta!

Tumingin lang si Hachirō sa kaniya. Ang gago wala man lang response wahahaha. Ewan ko ba biglang naiinis nako kay Sanaya ngayon dati naman crush rin yon pero biglang nawala tsk.

"Hhhmmm nandito rin pala buong class ten? How sad!" Sabi naman nong alipores ni Sanaya ng makita niyang dumating rin mga kaklase namin kasama tatlo kung kaibigan.

"Oh Arch? Panalo ba?" Philip.

"Contrast Arch, sabi ko na eh!" Jacob.

"Heee! Di ko panga natingnan tsk!" Sagot ko sa dalawa. Agad naman silang lumapit sa board at sila na mismo tumingin.

"Umaasa talaga kayong mananalo kayo? How funny diba guys!?" Xiao. Sumagot naman ng "oo" sabay tawa ng mga ibang estudyante. Nang iinis ba tong kutong lupang to? Upakan ko na kaya? Huh?

"IMPOSSIBLE!" Sigaw ni Jacob at bumalik ulit samin.

"See? You're just wasting your time!"

"Umasa talaga sila?"

*Nagtawanan ang lahat*

Tang***na! Parang sasabog na tenga ko sa inis! Sa sobrang inis padabog akong lumapit sa board at tiningnan ang result.

Class one first prize score: 9.8

Class four 2nd prize score: 8.9

Class nine 3rd prize score: 8.8

Class six consolation prize score: 8.5

Putcha! Halos maluwa mga mata ko ng makita ang result. Hindi ako makagalaw sa mga nakikita at naririnig ko.

"Paano nila nagagawang umasa? They can't even get close to the 2nd lowest score" narinig ko sa likod. Napatingin ulit ako sa score.

2nd lowest score class eight : 4.7

Lowest score class ten : 2.1

Ewan ko ba pero pakiramdam ko parang dinaganan ng lupa at langit ang puso ko. Kahit hindi ko man sabihin nasasaktan ako. Paanong 2.1 score namin? Eh ang ganda nga ng painting ko tsk.

Naririnig ko parin ang maingay ng bulongbulongan sa paligid ko na siyang nagpapadagdag sa inis at sakit na nararamdaman ko. Hayst, tama ba sila? Na hindi na dapat ako sumali kasi hindi ko naman talaga kaya. Pinipilit ko lang sarili ko pero ang totoo wala talaga kwenta mga pinaggagagawa ko tsk.

"Arch. Okay lang yan. Its just a competition. Hindi naman yan death and life situation." Narinig kong sabi ni Maris.

"Oo nga arch, hayaan mo na. At least diba sinubukan mo?" Jacob.

"Kahit hindi ka nanalo. Ililibre ka parin namin diba?" Philip.

Ayan na naman tatlo kung kaibigan. Kaya mas lalo akong nasasaktan kasi ini-spoil nila ako eh tsk. Kahit anong sabihin nila para pagaanin ang loob ko hindi nababawasan ang pasanin ko lalo pa't nakita ko ang mga kaklase naming nakayuko habang paalis. Malamang napahiya sila dahil sakin, nabigo ko sila at pati narin si Sir Arthur.

His ReflectionWhere stories live. Discover now