XIII

22 12 0
                                    

Kumaripas ako ng takbo upang buksan ang pintuan ng kwarto ni Hachirō kung saan maririnig ang malakas na tunog ng cellphone. Halos di magkandarapa kung hinawakan ang doorknob at walang pag aalinlangang binuksan ito ng malakas. Natulala at napanganga ako sa aking nakita.

"Bakit walang tao?" Bulong sa sarili ko habang iniikot ang paningin sa bawat sulok ng kwartong. Ganoon parin ang hitsura, everything is organized accordingly. Pumasok na ako ng tuloyan tsaka lumapit sa desk ni Hachirō. Nakita ko nga yong cellphone ni Achi na naka patong sa sandamakmak na libro niya. Hayst, wala talagang alam gawin tong lalaking to kundi magbasa ng magbasa pffffttt.

Nilagay ko sa lips ko ang hintuturo ko tsaka kunwaring nag iisip.

"Saan na kaya yong gagong yon?"

"Hayst. Magtiis ka nga, baka nasa labas lang yon may binili." Sabi ng puso ko.

"So what? Bakit ko ba kasi hinahanap ang bwiset na yon?" Utak kong epal.

"Tumigil ka nga! Napaka stubborn mo naman diba sabi mo gusto mo na siyang makita?" Puso kong pakialamiro at ma issue.

"Ako? Gustong makita siya? As you wish! Tara nanga umuwi na tayo!" Utak.

"Nakalimutan mo na bang may kailangan ka pang taposin para sa mga kaklase mo? Class monitor ka diba? Tuturuan mo pa mga bobong yon sa tulong ni Hachirō!" Puso.

"Hayst. Oo na di mo naman kailangang isumbat lahat. P....pero mukhang wala naman kasi talaga si Achi dito." Utak.

Ayan! Para na po akong baliw na kinakausap ang sarili habang nakaharap sa malapad at mahabang salamin ng closet ni Hachirōng kasalukuyang naka bukas.

Maya maya naisipan ko nalang na umuwi muna kasi halos isang oras na po akong naghihintay pero wala paring Hachirō na sumusulpot. Humarap ulit ako sa salamin tsaka tinaas ang kilay.

"Oh ano? Nganga!?" Sambit ko tsaka lumabas na ng kwarto. Mabilis ko itong sinara at lumabas na rin ng gate.

Diyos ko po, gabi na pala.

Dahan dahan kung binuksan ang gate tsaka umakyat ng walang ingay. Bubuksan ko na sana ng marahan ang pinto ng biglang may nagsalita ng malakas sa likod ko. Halos mahulog nako sa hagdan sa lakas ng talon ko dahil sa gulat.

"saan ka galing?" Tuno palang ng boses niya alam ko nang hindi maganda mood niya. Waaaaahhhh parang robot na kasing nagsasalita mama ko, feeling ko may nagawa na naman akong kasalanan pero wala naman diba?

Pasimple akong humarap sa kaniya at nagkunwaring wala lang.

"Ano tong sinasabi ni charlie?" Dagdag pa niya. Huh? Sinisiraan na naman ba ako ng magaling kung kapatid?

"M....ma? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Huwag mo nga akong daanin sa pag papaamo mo ng mukha, bakit ka pumunta ng bar? Hah? Diba sabi ko bata ka pa? May gatas ka pa sa labi. Alam mo bang pwedeng may mangyaring hindi maganda? Paano kung bigl--------------" natahimik siya sandali.

"CHARLIEEEEEEEEEEEE!" Sigaw ko tsaka Kukurotin ko na sana ang magaling kong kapatid ng makapagtago ito sa likod ni mama. Kainis!

"Ano bang sinabi mo kay mama?(sabay tingin sa bunso ng evil look.) Ma naman huwag kang maniwa jan wala namang alam yan. Pfffft"

"Anong walang alam? Pinuntahan ka nga nong classmate mo. Sabi niya pupunta daw kayo ng bar. May dala pangalan siyang gitara pero di niya ako pinahawak kainis!" Charlie na siyang ikinagulat ko.

"Paanong may gitara? Di naman naggigitara si Hachirō tsaka di rin yon nagpupupunta ng bar. Networking consider ko pa pero bar? I don't thin so
" bulong ko.

His ReflectionWhere stories live. Discover now