Chapter 1

106 4 0
                                    

"My parent thinks I am lazy and Useless but they doesn't know that depression drains my energy, It crashes my hopes and motivations and it makes me want to die." - Janna Sebastian

"FOR F*CKING GOD'S SAKES JANNA SEBASTIAN! GET A LIFE!"

       Sigaw ni Ate sa'kin bago siya lumabas sa loob ng silid, binalibag pa niya ang pintuan dahil sa galit at sama ng loob, hinayaan ko nalang siya, para ano pa't ipapaliwanag ko sa kanya o sa kanila ang nararamdaman ko? hindi naman sila nakikinig at kung nakikinig man sila'y hindi naman nila maiintindihan ang nararamdaan ko kaya mas pipiliin ko nalang ang manahimik.

     Simula pagkabata ko'y tuwing may problema ako ay sinasarili ko dahil pag sinasabi ko sa mga magulang ko'y palu lang ang bagsak ko, kapag kay ate naman ako nagsusumbong  ay isusumbong rin niya sa mga magulang ko kaya palu parin ang bagsak ko bago nila 'ko bigyan ng advice... Teka, hindi advice yun, sermon kumbaga. Buti sana kung sermon na magpapatino sa'kin kasu nga lang mas nagpapalala pa.

      Tuwing napapagalitan ako sa magulang ko't lalu nasa magaling kong ama, minumura niya ko mula ulo hanggang paa, kinukumpera niya 'ko sa ibang tao, okay lang sana kung sa tao lang niya 'ko kinukumpera kasu pati rin sa hayop! Makapag-tanga siya'y parang siya ang pinaka perpektong nilalang sa mundo, pinamumukha niya sa'kin na ako ang pinakatangang nilalang sa buong mundo, ang masama pa'y pinupuwersa niya kong sabihin ito sa sarili ko 'Tanga ako' parang tuwang tuwa pa siya pag naririnig niyang binibigkas ko ang katagang iyun, kapag siya naman ang nasabihan ng tanga ay grabe naman siya makapag-react, di niya iniisip kong ano ang nararamdaman ko pag sinasabi niya sa'kin na isa akong tanga anak.

       Sa tingin ko'y hindi makatarungan iyun kase pag si ate ang may problema o may kasalanan ay binibigyan nila siya ng advice tapus okay na, pero ako? Wala. Yung advice na binibigay nila sa'kin. 'ANG TANGA TANGA MO JANNA! IKAW ANG PINAKATANGANG NILALANG SA MUNDO! BAKIT KA BA KASE NAMIN NAGING ANAK!!???' Iyun ang palagi kong naririnig, medyo sana'y narin ako sa salitang iyun, pero pag may narinig akong ganun mula sa ibang tao ay mapapatigil talaga ako at natatameme, minsan napaparanoid narin ako, baka ako ang sinasabihan nila ng ganun o ako ba ang tinatawanan nila?

       Ni wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko, hinahayaan ko lang siyang lait-laitin ako at tapak tapakan ang buong pagkatao ko, minsan nga pinatulog niya ko sa labas, ayaw daw niya makita ang pagmumukha ko. Tapus nagpatulong ako sa ina ko pero tinalikuran niya lang ako, tuwang tuwa pa nga si Ate.

Back to reality

      Hindi ko namamalayan nakayukom na pala ang palad ko, hinahabol ko ang hininga ko at nanggigit-git ang ngipin ko, may mga butil rin ng luha sa mata ko. Ang laki ng galit ko sa pamilya ko, lalu na sa ama ko. Ni hindi nila iniisip kong ano ang epektu sakin ng mga salitang binibitawan nila.

      Habang nakahiga ako sa aking kama ay may nasagi ang aking mata, lumingon ako sa gilid dahil may kumikislap doon, naupo ako sa pagkakahiga at inanig ang bagay na iyun, napagtantu kong blade, Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong tumayo at lumapit doon, may parte ng katawan ko na sinasabing kunin ko iyun at magsulat ako sa balat ko.

      Pagkalapit ko'y agad kong hinawakan ang blade, tinitigan ko muna ito at napapikit ako, naramdaman ko nalang ang matalim na bagay na dumaan sa balat ko, Nakaramdam ako ng hapdi at ang sarap sa pakiramdam. Parang nailalabas ko dito ang sama ng loob ko, parang gusto kong ulit-uliti---

"JANNA!" Nabitawan ko ang blade ng biglang pumasok si papa sa loob ng kwarto ko, nagulat ako kumbaga kaya napatayo ako at agad na nilagay ang dalawa kong kamay sa aking likod.

      Pero biglang naglaho ang galit sa mukha ni papa ng makita niya ang blade na may dugo at may pira-pirasong dugo sa saheg sabay tingin uli sakin at ang sama na ng tingin niya.

"What the..... NASISIRAAN KANA BA NG BAET JANNA!?? TANGA KA NA NGA TORPE KA PA! PAHAMAK KA TALAGA SA BUHAY NAMIN!! WALA KANG SILBING ANAK!" Nanlambut ang mga tuhod ko na kahit anong oras ay mahihimatay na 'ko, naramdaman ko nalang ang luhang pumapatak sa aking pisngi, tuwing pinapagalitan ako ni Papa ay natutulala ako, parang na bl-blanko ang utak ko.

"OH GOD! WHY DID YOU GAVE ME A USELESS DAUGHTER!!!?" panunumbat niya, naramdaman kong nakayukom na ang dalawa kong kamay at mas lalung dumaloy ang dugo sa kabilang kamay ko. Mas lalung humahapdi, hindi ko alam kung ano ang masakit, yung sugat ko ba o yung nararamdaman ko?

"BUTI PA ANG ATE MO MAY SILBI! EH I---"

"OO NA! OO NA! AKO NA ANG WALANG SILBING ANAK! SI ATE LANG NAMAN ANG MAGALING SA INYO EH! NI MINSAN BA TINIGNAN NIYO KO?! DIBA HINDE!? PURO PAGKAKAMALI KO LANG ANG NAKIKITA NIYO SAKIN! TANGA NA KONG TANGA! SANA DI NIYO NALANG AKO PINANGANAK! SANA IBA NALANG ANG ANAK NIYO. HINDI AKO!" Wala na, ubos na ang pasensiya ko and I scream up to the top of my lungs while I'm bursting into tears, Nararamdaman ko ang panginginig ng bibig ko, kulang palang yan! marami pa sana akong isusumbat kasu nakita kong namumulala si Papa habang hawak-hawak niya ang kanyang dibdib.

"Y-you!" Halos hindi na makapag-salita si Papa dahil nakahawak siya sa kanyang dibdib, naku, inaatake na yata si Papa. Biglang naglaho ang galit ko, napalitan ito ng kaba at takot, bigla ring bumukas ang pintuan at pumasok si Mama sa silid at saktong hinimatay si Papa.

"Papa..." Bulong ko sa aking sarili.

"FREDDIEEEEE!!!!!" Sigaw ni Mama tsaka niya sinalu si Papa, nakita kong namimilipit si papa sa sakit at mas lalu akong naiyak. Nanginginig ang tuhod ko at ano mang oras ay hihimatayin narin ako, nararamdaman kong umiinit ang buo kong katawan pero ang lamig lamig ng pakiramdam ko.

      Akmang lalapit na sana ako kasu biglang tumingin si Mama sa'kin, ang sama ng tingin niya na kahit sinong nilalang na matignan ng ganun ay mapapahinto.

"YOU! UNGRATEFUL CHILD!"

No More PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon